Chapter 10: Sleep Over

20.9K 491 14
                                    

Pa baling baling ako sa pag higa ang gabing iyon lagi ko na iisip yong tagpo kanina sa park at para nanaman ako maiihi sa sobrang kilig

My God Rome kung kailan ka tumanda don ka pa kinikilig! Buti nalang at tulog na si Hope at malaki ang kama kundi malamang nagising na ang bata sa kakulitan mo.

Kanina habang pauwi kami sobrang awkward para kaming nag ka-kailangan na ewan. Teenager lang ang peg!?

Aaminin ko crush ko si Aries pero crush lang naman, kasi sa gwapo ba naman yon panong hindi --- sobrang ganda ng mga mata tapos yung ilong sobrang perfect tapos yong labi pa na parang naka lipstick sa pula, moreno, ang tangkad na parang basketball player kung di mo kilala ng personal aakalain mong model.

Hayyy!!!.Ayoko na talaga!

****

"Rome puyat ka?" Bungad sa akin ni ate Nadia

"Po? Ah medyo lang hehe." Napakmot ako ng batok

"Kumusta ang date nyo ni Aries?"

"Huh? Naku ate Nadia hindi po!"

"Hahah ang pula mo Rome joke lang eh. Kasi may dinner sa bahay ni grandma tapos nung dumating gulat na gulat kaming lahat dahil may nakasabit na monkey toy sa leeg nya kahapon hahah priceless talaga yun kagabi! Eh naalala ko bigay ko yun kay Hope nong 3rd birthday nya."

"Monkey toy?" Hala yung laruan ni Hope yun ah kaya pala di ko makita kagabi yon. Kinabit ni Hope yon habang natutulog si Aries then nag laro sila after non hanggang mag uwuian na. Hindi siguro natangal ni Hope, at di rin siguro napansin ni Aries.

"Niyaya sya ni Hope na mag simba at mag piknik kaya yon!"

"Really? Napapayag ni Hope si Aries mag simba at piknik? Hahah that's new! Grandma and Tita should know about this. Anyway wheres Hope?"

"Ahm iniwan ko muna sa bahay bumisita kasi sila Saling sa bahay may kukunin ata sa BIR dyan sa main office."

"Ahhh kaya pala. Naku walang madaldal ngayon sa office hahah."

"Oo nga eh."

"At nga pala padala naman nito annual reports kay Aries pinapakuha kasi nya." Utos nya

"Sige po ate Nadia." Tapos pumunta na ako sa office ni sir Aries "Hi Ella good morning ito na yung annual reports na hinihingi ni sir Aries."

LITTLE HOPE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon