Paborito

1 0 0
                                    

Nandito tayo sa lagi nating pinupuntahan kada uwian, dito sa likod ng terminal sa mga nagtitinda ng mga street foods, nakatayo tayo habang sinisipsip ang sabaw ng paborito nating pagkain na balot

Sabay magtitinginan pag ubos na ang sabaw at sabay magsasalita

"Sarap talaga!!"

Habang binabalatan ang mumunting balot sabay tayong nagtatawanan sa mga biro at kwento mo

Mga biro mo na napapatawa ako

Mga ngiti mo na pag nakita ko para bang hipnotismo

Mga kwento mo na di ko naiintindihan kasi nakatingin lang ako sa mga mata mo

Kinakabisa ang bawat parte ng mukha mo

Pinapakinggan mabuti ang tinig mo

Pasensyan kana ha ito kasi ang paborito kong gawin

At pag ubos na ang balot bigla mo nalang sasabihin sa gilid ng tenga ko

"Libre mo naman ako!!"

Ako naman tatanggi at dun na uli sisibol ang tawanang walang humpay na para bang tayong dalawa lang sa mundo natin, para bang tayo lang ang tao sa lugar na 'yon 

Sabi nila pag tinignan mo ang isang taong mahal mo babagal ang ikot ng mundo, huhuni ang mga ibon

Pero pag kada tatawa ka hindi nagsslowmo ang paligid ko kundi nagpapause, humihinto ang paligid ko, hindi ko naririnig ang mga ibon dahil naririnig ko lang ang mga tawa mo sa kabila ng pagtibok ng mabilis ng puso ko

Di iniinda ang lansa ng kamay na dulot ng paboritong balot, sabay magpupunas ng kamay sa panyo mo at sasabihin mo nanamang

"Perwisyo ka talaga"

Sa pagnguso ko dahil sa sinabi mo kasabay non ang pagtawa mo, bakit kasi ang sarap pakinggan ng tawa mo para bang gusto ko ng burahin lahat ng kanta ko sa aking telepono at tawa mo nalang ang pakikingan ko

Tapos na nating kainin ang paborito nating balot, sabay maglalakad papunta sa sakayan ng jeep at saka mo ko hihintayin hanggang sa makasakay na ako

Pareho tayong nakatayo dun sa terminal at di pa din humuhupa ang kwento at tawanan, hinihintay ang susunod na jeep upang ako ay makasakay

Sating pag hihintay nananalangin na sana wala ng jeep na dumating, ayoko pa sanang maghiwalay tayo dahil kahit nakatayo lang tayo dun masaya na ako. Habang dumarating ang kasunod na jeep bakas sa mukha ko ang kalungkutan dahil maghihiwalay nanaman tayo, habang dagsa ang mga tao paakyat ng jeep hawak mo ang kamay ko sabay yuko para mahalikan kita sa pisnge mo

"Ingat"

'Yan ang paulit ulit na naririnig habang nakaupo ako sa paborito nating upuan sa jeep sa may bandang unahan katabi ng driver nakatitig sa kawalan nagiisip ng mga bagay bagay

Ano nga ba tayo? Ay mali wala nga palang tayo ang meron lang IKAW at AKO

Saating dalawa ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito?

Sa ating dalawa ako lang ba ang nahulog na?

Minsan iniisip ko sa bawat galaw na pinapakita mo, saakin ka lang ba ganon o sa iba din?  Sa bawat titig mo saakin napapaisip ako 'bakit ganyan ka makatingin yung nararamdaman ko ba nararamdaman mo rin?' Sa bawat espesyal na pagtrato mo sakin, ay teka sandali! 'Espesyal na pagtrato mo sakin?' Ayoko sana magisip ng kung ano ano pero ayun ang nakikita ko. Ah! Alam ko na oo espesyal ako kasi nga diba sabi mo

"Oo parang kami, magbestfriend"

Di ko alam kung matutuwa ako dahil magkaibigan tayo, o malulungkot dahil hanggang dun nalang tayo

Minsan iniisip ko ano nga ba ako sa buhay mo? Kaibigan lang ba talaga ako? Oo malamang kaybigan lang ako dahil sabi mo nga diba

"Ang kaibigan dapat kinakaibigan lang"

Kaya pala sa dinami rami ng Kaibigan ko ikaw ang Paborito ko, yun pala iba na 'tong nararamdaman ko

Ang hirap palang magmahal ng isang kaibigan, yung tipong nandun ka sa gitna ng pagkakaibigan ba o ang nararamdaman, pero ito lang ang aking natatandaan ITO ANG SUGAL NA HINDING HINDI KO TATAYAAN

Sa tagal ng titig ko sa kawalan di ko na napapansin na tumutulo nanaman ang luha ko, luha na madalang lumabas pero ng dahil sayo para bang paborito ko ng gawin yun dahil dun lang gumagaan ang pakiramdam ko

Saka ko lang maiisip na kaya pala paborito ko tong upuan na 'to sa katabi ng driver dahil walang ibang tao ang makakakita ng pagluha ko kada uuwi ako

Sabi nila 'walang sikretong hindi nabubunyag'

Sana pag dumating yung araw na kinakatakutan ko, yung araw na nalaman mo sana...

Sana...

Sana...

Sana...

Sana samahan mo padin ako sa dati nating pinupuntahan sa likod ng terminal, sabay magtatawanan at nagaasaran habang kinakain ang Paborito nating Balot, pero sa lahat IKAW ang pinaka PABORITO KO.

PaboritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon