Nakatayo lang ako at damang dama ko ang paghampas ng hangin sa aking mukha. Hindi alintana ang mga taong nagkalat sa hallway na masayang naguusap,masayang nagtatawanan. Mula sa aking pwesto kitang kita ko ang mga taong naglalakad sa may Quadrangle habang kumain,may mga tumaktakbo pa nga para makaakyat agad sa kani-kanilang silid aralan. Tumingin ko sa katapat kong building at may nakita akong isa babaeng nakatingin din sa akin. Tila nakatingin ako sa salamin dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya,kamukha ko siya. Di ko pinapansin ang mga taong dumadaan sa likuran ko kahit ata ang pagtunog ng bell na siyang hudyat na simula na ulit ng klase ay hindi ko pinansin,nakatingin lang ako sa babaeng nakaharap sa
akin.Nababasa ko ang nasa mga mata niya,hanggang sa,may kumausap sa akin. "Uy ang lalim ng iniisip mo" sabi sa akin ng isang lalaki pero di ko siya tiningnan.Nakatingin parin ako sa babaeng nakatingin rin sa akin.Tinitingnan ko kung gagawin niya nga ang sinasabi ng mga mata niya. Tinuro ko ang kabilang building na para sa akin ay parang salamin lang."May babaeng planong tumalon dun oh." Tiningnan niya rin kung saan ako nakaturo,sabay sabi, "Wala ng tao sa kabila. Wala naman eh." Tiningnan ko siya,sabay sabing "Ang layo kasi ng tingin mo eh." Sabay balik ko sa aking silid aralan at pinagpatuloy ang klase.