Habang nakayakap si Mark sa kapatid nya ay nakita nya ang babaeng nakilala nya sa hospital na nakatingin sa kanya. Pumikit ng mata si Mark at nang pakadilat nya ay wala na ang babae. Nagulat si Mark na wala na ang babae. Habang iniopera si Princess ay nakita ni Mark ang babaeng nakilala nya sa hospital at sinundan nya ito at pumunta ito sa likod ng hospital.
''Ah di ba’t ikaw yun babae na nakilala ko sa hospital anong ginagawa mo dito? '' Tanong ni Mark, napabuntong-hininga si Elizabeth.
''Nandito ako para kunin ang kapatid mo. Mamamatay na sya ngayon .Anghel ako ''
Napatawa si Mark sa narinig.
''Are you kidding me? Sige nga, ipakita mo na iprove mo na anghel ka.''sabi ni Mark. Elizabeth took a deep breath.
''Okay, but promise mo hindi mo to sasabihin kahit anino. '' sabi ni Elizabeth, umiling na lang si Mark at biglang nagliwanag si Elzabeth at dahil sa sobrang silaw ay napapikit si Mark. Maya’t maya ay nawala na ang liwanag at nang dinilat nya ang mga mata nya ay nagulat sya sa nakita nya si Elizabeth na may pakpak at nagliliwanag sya. Napatulala si Mark
''Ano? Naniniwala ka na sa akin? '' sabi ni Elizabeth kay Mark na nakatulala pa rin.
'' Okay, kukunin ko na ang kapatid mo. '' sabi ni Elizabeth. Umiyak si Mark
''Please ako na lang ang kunin mo wag lang si Princess, napakabata nya para kunin mo sya please nakikiusap ako sa’yo ako na lang.'' pamamaaawa ni Mark kay Elizabeth
''Sige, sigurado ka pa na ipapapagpalit mo ang buhay mo sa buhay ng kapatid mo.''
Umiling si Mark
''di’t bale na ako ang mamatay wag lang ang kapatid ko. '' sabi ni Mark
''Sige, humanda ka na. ''sabi ni Elizabeth
''Teka muna. Pwede bang bigyan mo ko ng dalawang buwan please. '' sabi ni Mark.
Elizabeth wonder why.
''At bakit naman kita bibigyan sa kahilingan mo. '' tanong ni Elizabeth.
''kasi para makaipon ako ng pera para sa mga kapatid ko awawa naman sila. ''
Umiling si Elizabeth
''sa bagay tama ka naman sige bibigyan kita ng dalawang buwan so do we have a deal. '' sabi ni Elizabeth. Umiling si Mark at biglang nagliwanag si Elizabeth at nasilawan na naman si Mark. Unting-unti nawala ang liwanag at nang dinilat na ni Mark ang kanyang mga mata ay nakita nya na bumalik na sa anyong tao si Elizabeth.
''Okay, '' sabi ni Elizabeth. Nagtaka si Mark
''Anong okay ang sinasabi mo? '' tanong ni Mark
Napatawa si Elizabeth
''Ibig sabihin yun ay wala nang sakit ang kapatid mo kasi pinalit mo ang buhay mo sa kanya like you’re give your life to her. '' paliwanag ni Elizabeth kay Mark.
Sumaya si Mark sa narinig
''Talaga, salamat Elizabeth talagang anghel ka na.'' masayang sabi ni Mark.
Pumunta sya sa room kung saan ginagamot ang kapatid nya. Nang nasa room na sya ay nakita nya ang mukha ng kapatid nya masiglang-masigla ang mga mata nito, nagkunwaring syang hindi nya alam ang dahilan ng pagkislap ng mga mata nito.
''Bakit Melody? '' kunwaring nagtanong si Mark, ngumiti si Melody
''Kuya okay na si Princess wala na sya sakit sabi ng mga doctor himala daw ang nangyari sa kanya.'' nakangiting sabi ni Princess
Ngumiti si Mark, sa wakas wala na ang sakit ng kapatid pero ang kapalit naman nito ay ang buhay nya ngayon 2 buwan na lang ang bilang ng buhay nya kaya kailangan na nya magtrabaho nang magtrabaho para makapagipon ng pera para sa mga kapatid nya..
Pumasok na sila sa loob at gising na si Princess
''Oh kumusta na kapatid kong maganda. '' masayang sabi ni Mark at umupo sa kama at hinawakan ang mukha ng kapatid nya. Nagtaka si Mark nang biglang kumunat ang noo ni Princess.
''Princess bakit? '' tanong ni Mark.
''Ah kuya sino po yung babae nasa likod mo? '' tanong ni Princess at sabay lumingon si Mark at nagulat sya na nakatayo sa pintuan si Elizabeth
''Elizabeth anong ginagawa mo dito? '' nagulat na tanong ni Mark. Nagtaas ang isang kilay ni Melody.
''Kuya kilala mo sya? '' tanong ni Melody
Hindi makasagot si Mark.
''Pinsan ninyo ako kapatid ng mama niyo ang mama ko. Kakamatay palang ng mama ko wala akong mapuntahan so titira ako sa inyo. '' paliwanag ni Elizabeth.
Nagulat si Mark sa ginawa ni Elizabeth. Tumayo sya kaagad at hinila nya si Elizabeth bago pa ito makapagsalita.
''Anong ginagawa mo? ''