--Anessa's POV
Nagising akong naghahabol nanaman ng hininga. Tangina talaga! Napanaginipan ko nanaman siya. Gabi-gabi nalang akong dinadalaw ng nakaraan sa panaginip ko. Tingin ko hindi ako titigilan ng masamang panaginip na yun kung hindi ko makikita ang taong pumatay kay Ivan.
"Anessa, tumayo kana diyan! Tatlong araw ka ng nakahilata ah! Wala ka bang balak pumasok sa opisina? Magiging palamunin ka nalang ba talaga habang buhay?" Narinig ko nanaman ang pagsigaw ni kuya Alex. I'm sure na kapag tinignan ko ang pagmumukha niya ay umuusok na ang ilong niyan sa galit.
Hindi pa ba siya nasanay sa akin? Hindi pa ba sila nasanay?
Dalawang taon na. Dalawang taon na ang lumipas mula ng mamatay si Ivan. At sa loob ng dalawang taon na yun ay marami ng nagbago.
Muntik ng mamulubi ang company namin dahil hindi natuloy ang merge nito sa company nila Ivan. Kaya ng ginawa nila mom and dad ay si kuya Alex ang ipinakasal nila sa anak ng mas mayamang pamilya. Ayaw ni kuya Alex yun pero wala siyang magawa. At ngayon, miserable ang buhay niya dahil ang babaeng ipinakasal sa kanya ay wala rin namang kwenta. Puro pakikipag sosyalan at pagsho-shopping ang inaatupag. Ni hindi na nga halos maka-uwi si kuya sa bahay nila dahil sa sobrang inis niya sa hipag kong walang kwenta.
Yun nga lang pag nandito siya ay sa akin naman niya binabaling ang lahat ng inis niya sa asawa niya at sa buhay niya. Lagi akong nasisigawan at nasesermonan. Sila mommy nga sumuko na sa akin. Siya? Wala pa ring sawa sa paninigaw sa akin.
Kasalanan ko rin naman talaga kung bakit siya ganyan sa akin. Sino ba namang hindi magagalit? Puro nalang ako tulog, lamon at gala. Hindi na nga raw ako mukhang anak mayaman dahil sa mga pinaggagawa ko. Sino pa daw ang magkakagusto sa akin kung leftover na nga ako, pinagmumukha ko pang leftover ang sarili ko? Wala naman akong pakialam kung ano man ang itawag nila sa akin e. Hindi naman nila alam yung nararamdaman ko.
Akala ba nila wala akong ginagawa? Akala ba nila, I'm wasting my life because of Ivan's death? Hindi. Hinding-hindi. Sa loob ng dalawang taon na yun marami akong nagawa na hindi nila alam.
Hindi ako tumigil sa paghahanap sa lalaking pumatay sa kanya.
At sa paghahanap ko, nabuksan din ang mata ko sa totoong lagay ng hustisya sa mundong 'to.
"Patay ang negosyante at hinihinalang drug dealer na si Wilson Tsen. Natagpuang naliligo sa kanyang sariling dugo sa loob ng tinutuluyang condominium si Tsen. Puno ito ng tama ng bala sa buong katawan at may gilit din ang leeg nito. Hinihinalang ang taong gumawa nito sa negosyante ay ang notorious killer na si George. Kung saan...."
Blah...blah...blah...
"It's George again.." mahinang sambit ko.
Yan ang balitang bumungad sa akin ng buksan ko ang t.v. Halos araw-araw nalang puro mga balita tungkol kay George ang naririnig ko. Araw-araw siyang pumapatay ng mga taong salot sa lipunan. Inilalagay niya sa kamay niya ang batas.
"Hoy Anessa! Wala ka bang narinig? Nanood ka lang ng t.v dyan!" Ayan nanaman ang sigaw ni kuya. Lalaki ba talaga to? Dinaig pa niya ang bababe sa pagiging nagger niya.
"Kuya, pwede ba? Bumalik ka nalang kay ate Audrey. Mas tahimik ang bahay na 'to pag wala ka. Pansin mo?" bored na sagot ko sa kanya. Tumayo na rin ako at pabagsak na naglakad papuntang banyo.
"Anong sabi mo? You really want me to kick you out of this room and out of this planet?" ,sininghalan niya ako ulit.
Para lang kaming mga bata na nag-aaway. Sana lang talaga bata nalang kami para pagtapos ng lahat and at the end of the day, ok parin.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
General Fiction"Mula ng patayin siya sa harap ko, isinumpa ko sa sarili ko na ipaghihiganti ko siya! Ikaw! Wala kang alam kung gaano kasakit ang naradaman ko noong mga panahong iyon! Kaya wala kang karapatang sabihin sa akin na wala akong pakiramdam! Dahil sa araw...