"Baboy! Dalian mo nga dyan" tawag sakin ng bestfriend ko mula sa bakod ng bahay nila.
Lumabas naman ako para makausap siya ng maayos.
"Saan ba tayo?" tanong ko
dito. Matagal na kami magkaibigan simula ng bata ay magkasama na kami. Mas matanda siya ng isang tao pero parang wala lang sa'min yun!"Ikaw itong nag aya na umalis tapos makakalimutan mo? Sapakin kita!"
"Aayyy oo nga pala!" sabi ko dahil na aalala ko na kung bakit! Yinaya ko kasi siya kumain sa Jollibee malapit sa amin! Minsan na lang kami mag kita dahil nag aaral siya sa private school samantalang ako naman ay sa public school. Ang oras ng uwi niya ay 3:00 ako naman ay 5:00 ng hapon eh malayo pa ang paaralan ko kaya nakaka uwi ako ng 6:00 na ng gabi. Didiretso naman ako sa paggawa ng assignment tapos matutulog na. Kaya minsan na lang kami makita mahirap talaga.
Nang makapunta na kami sa Jollibee ay pansin ko na naka t-shirt kaming malaki, short na tama lang ang ikli at naka tsinelas. Pinagmasdan ko naman ang mga tao sa loob at naka pang alis sila. Kaya natawa na lang ako dahil wala kaming pakialam kung ano man ang damit namin ang mahalaga ay mag kasama kami at masaya.
Umorder na siya ng makakain namin dahil kulang ang pera ko ay dadagdagan na lang niya kahit isang chicken joy atsaka dalawang rice at malaking float lang sapat na sa amin yun! Tatagal kami dito ng tatlong oras na ganun lang ikinakain dahil puno kami ng kwentuhan kung ano ang nangyari sa buhay namin. Mga boyfriend mga lalaking nanakit ganun! Punong puno ng masasayang pangyayari kapag magkasama kami.
Lumipas ang mga linggo at nag tutuloy tuloy ang pagkikita namin. Nakakagulat pero masayang masaya kami dahil nagkakaroon kami ng oras sa isa't-isa.
Lumipas pa ang ilang buwan ay masaya kami kapag magkasama kami. Mga oras na sinusulit gumagawa ng kalokohan sa lahat ng bagay ay tumatatak sa isip at puso ko ang tawanan, halakhak na napaka malakas at mga bagay na pinagkakasunduan namin.
"Oy! Malapit na ang sumabang gabi! Kompletuhin natin!" aya ko sa kanya
"Malamang naman Jen! Lagi naman nating ginagawa 'yun eh"
"7:00 pa nga lang ng gabi ay nandoon na tayo tapos magrereserve tayo ng upuan para sa mama mo at sa kanila ninang!"
"Oo nga" pag sang-ayun nito! Napuno na naman ng tawanan ang kwentuhan namin.
"Hoy! Isel! Simbang gabi ah!"
"Oo nga!"
"Pangako!?"
"PANGAKO!" sigaw neto at pumasok na kami sa mga bahay namin dahil gabi na natapos ang kwentuhan namin.
Dumating ang isang gabi habang natutulog ako ay umiiyak ako na parang may mangyayaring masama. Ang bigat bigat nang pakiramdam ko nung araw na yun dahil pilit kong inaalala ang panaginip ko na pinaiiyak ako pero wala hindi ko maalala pero may tumatak sa isip ko na truck iyun!
Una bakit ko inisip yun dahil ang sama sama talaga ng pakiramdam ko. Pangalawa dahil kapag hindi ko maalala yun ay baka may mangyaring masama tulad ng mga napapaniginipan ko pero maalala ko na lang kapag may nangyari ng masama, ang mga panaginip naman na aalala ko ay hindi nangyayari.
Dumaan ang linggo at pareho kaming naging busy sa eskwelahan kaya siguro napadalas ang pagsasama namin nakaraang buwan ay magiging busy kami ngayon.
YOU ARE READING
It's just a Dream
Short StorySana kaya ko pang ibalik ang kahapon. Mga oras na masaya kami at nag e-enjoy. Mga oras na walang iniisip kundi ang magkasama kaming dalawa lang. Ang sakit isipin na hindi mo na pala kayang balikan. Mananatili na lang yun sa utak at puso mong nagmaha...