For You

8 2 2
                                    







"Anak, ano ka ba naman! Umayos ka nga sa pag aaral mo. Lagi kang di pumapasok!" Singhal sakin ng wala kong kwentang ama.

"Wag mo nga akong paki alaman!" Singhal ko pabalik.

"Para sa ikabubuti mo yan Lira ano ka ba naman." Sabi niya sa may mababang tono.

"Wag kang mag alala pa di ako gagaya sayo na walang pinag aralan!" Sigaw ko at iniwan siya.

Lagi kaming ganito ni papa. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, away kami nang away. Ang hilig kasing mange alam bobo naman. Tsss...

Umalis ako sa bahay at pumunta sa kaibigan ko. Doon na muna ako matutulog.

"Oi Fred pwede bang dito muna ako matulog sa inyo?" Sambit ko.

"Ha? Bakit?" Takang tanong niya.

"Nag away na naman kami ng bobo kong papa." Paliwanag ko sabay ikot ng mata ko.

"Ano ka ba. Di ka naman papagalitan nun kung wala kang ginawang mali." Sambit niya ngunit di ko siya pinakinggan sa halip ay pumasok na lang ako sa loob, at wala na siyang nagawa pa.

Kinabukasan, umuwi ako ng bahay dahil may pasok pa ako. Pagagalitan na naman ako nung papa kong bobo. Pagpasok ko pa lang ay nakangiti na ako dahil mukhang naka alis na siya. Salamat naman.

Pumasok ako sa napaka pangit naming bahay. Nakita ko ang perang iniwan niya sakin ngunit inis ko itong initcha sa sahig. Walangya! 50 pesos?! Baon ko? Ano to lokohan?! Araw araw na lang 50 pesos ang baon ko! Wala na bang pagbabago?! P*ta.

Dahil sa inis ko ay di na ako pumasok sa halip ay natulog na lamang ako. Tss... Walang kwentang buhay, walang kwentang tatay bobo pa. F*ck!



"Lira, di ka na naman pumasok! Anong bang gusto mong mangyari sa buhay mo?!" Galit niyang sabi. Putcha naman nanggising pa!

"Bakit ba pa?! Kasalanan ko ba na hindi ako pumasok kasi kulang ang baon ko?! Kasalanan ko bang wala kang matinong trabaho?!" Sambit ko at agad akong nakatanggap ng isang napakalutong na sampal. Putcha.

"Diba ayaw mong magaya sakin?! Bobo, tanga, walang pinag aralan?! Eg bakit ayaw mong mag aral?! Bakit nagpapabaya ka! Lira naman, ayusin mo ang buhay mo!" Singhal niya at umalis sa harap ko. Maya maya ay nakita ko siyang sumakay na sa motor niya na pinapasada niya.

Umalis na naman ako sa bahay at pumunta kina Fred. Wala din naman akong gagawin dun makikita ko lang yung papa ko. Tsss.. Galit na galit ako sakanya. Ayoko sakanya.

"Nag away na naman kayo ng papa mo no?" Tanong ni Fred.

"Ano pa nga bang bago?" Pabalang Kong sagot. Napa buntong hininga na lamang siya at pinapasok na ako sa bahay niya.

Nang magising ako ay agad akong nagpaalam kay Fred na uuwi na ako dahil papasok na ako. Ayokong matulad kay papa. Gusto kong maging successful balang araw at gusto ko ng lumayo sa puder niya.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko siyang may nilalagay sa isang kahon pero nang makita niya ako ay agad niya itong dinala sa kwarto niya. Tsk as if naman titignan ko yun.

Agad akong nag bihis ng uniform ko at kinuha ang 50 pesos na baon ko. Argh! Pesteng buhay to oo.

"May pagkain na jan sa mesa Lira." Sambit niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear PapaWhere stories live. Discover now