[Be My BABY] Chappy 3

40 3 1
                                    

[Ash's POV]

Pagkatapos naming linisin ang pinagkalat namin ni Yongguk. Dumiretso nako sa kwarto ko para makapag bihis. Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ko, pumunta muna ko sa kwarto kung saan matutulog sina Yongguk, nandun din si Zelo. At naabutan ko silang nagbabatuhan ng unan. Ang m-manly nilang tingnan, pero mga isip bata pala. =_=

"Ano ba kayo, tigi-- AAAHH!! Ano ba!"

Walangya tong si Youngjae binatuhan ba naman ako ng unan. At nakisali narin ako sa kanila. Ayun, tawanan kami habang nagbabatuhan ng unan.

"Walangya ka talaga Himchan, ang sakit nung pag bato mo sakin kanina." sabi ko kay Himchan at hinihimas himas ko pa yung parte ng ulo ko na binato niya ng unan ng pagka-lakas lakas. >3<

"Sorry poooo!!" at pinisil pa yung cheecks ko. At nag-aegyo pa. Haha, pasalamat siya at cute siya.

"Sige matulog na kayo!! Good night! Ampalaya dreams! *evil laugh*" bati ko sa kanila. At sinamaan din nila ako ng tingin.

"Dito ka nalang matulog!! Jebaaaaal~" sabay sabay pa talaga nilang sabi including Zelo. =_= At hinila ako ni Daehyun.

"Ayoko nga! Sige na. Good night na!" at lumabas nako ng kwarto nila.

"Teka lang Ate." at nakita kong sumunod si Zelo sakin.

"Oh bakit??"

Nag sigh siya at pumasok muna kami sa kwarto ko.

"Ate, sorry kung di ko to nasabi sayo. Wala na kami ni Zye. Nakipag break siya sakin dahilan nung babalik na tayo dito sa Pilipinas. Ayaw niya daw kasi ng Long Distance Relationship. Nasaktan din ako dun syempre, dahil minahal ko siya. Ngayon ko lang sinabi sayo kasi, ayokong makita mo kong nasasaktan. I just hide all of those pain behind my smile." niyakap ko siya at pinunasan yung mga luha niya. Ngayon ko lang to nakita si Zelo na ganito. Si Zye kasi ang unang babaeng minahal ni Zelo, nung nasa Korea pa kami. Tulad ng iba naging mag bestfriends muna sila bago maging lovers. Parang kapatid na rin ang turing ko kay Anna. Hindi nga ko makapaniwala na nagawa yun ni Zye.

"Shhh.Wag kang mag-alala hindi lang siya ang babae dito sa mundo." pinatahan ko siya hanggang sa makatulog na siya.

~~~

Uughhh! Ba't ang liwa-liwanag. Nakakasilaw. =_= Umaga na pala.

"Ate, wakey wakey! Bangon ka na diyan!" sino ba to at may 'wakey wakey' pang nalalaman? Jongup?! At niyuyug-yog pa talaga ako =_=

"Ate?" napansin ko naman na wala na si Zelo sa tabi ko, baka bumaba na siguro yun.

"Oo. Ate kasi mas matanda ka pa sakin. Bumangon ka na diyan!!" napangiti naman ako dun sa una niyang sinabi.

"Ayoko. Inaantok pa ko >3<" tas sinubsob ko ang mukha ko sa unan.

"Ayaw mo talagang bumangon, ah!" ano bang gagawin nito?

"HAHAHAHAHA!! Jo-jong-- WAHAHAA!! U-uppie! Tama na! Oo na! Babangon na ko!" walangya to. Kinikiliti ba naman ako =3= Tiningnan ko naman yung orasan, 7 palang naman ah? Oo, Friday nga ngayon pero wala rin naman kaming pasok kasi may seminar ang mga teachers namin.

"Ano ba kasing meron ngayon at ganito ka aga mo ko binubulabog ha?" >3<

"Ayy, oo nga pala hindi namin nasabi sayo kagabi." ang ano?

"Darating yung kapatid ni Youngjae hyung. Dito raw magbabakasyon. At susunduin namin siya sa airport. Gusto mong sumama?" sabi niya habang nakangiti na naman. Kinikilabutan na nga ko minsan dito eh. Kahit daw may problema tong si Jongup ngumingiti pa rin.

Be My BABY [B.A.P Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon