Chapter One

713 4 0
                                    

Meet...

‘Di pa man sumisikat ang araw ay bumangon na sa higaan nya si Margie para maghanda sa interview nya ngayong araw sa isang sikat na kumpanya ngayon sa pilipinas.

Mamaya pa namang 8:00 ng umaga ang interview nya pero isip-isip nya mas maganda ng early bird kaysa sa late sya.

Naligo na sya ng mabilis, pagkatapos ay lumabas na sya ng banyo nya na roba lang ang suot saka kinuha ang damit nyang kagabi pa lang ay inihanda nya na.

Nang matapos sya magbihis ay dumiretso sya sa kwarto ng kaibigan para gisingin ito. “Charllote, gising na…” Ani nya saka ito bahagyang yinugyog sa balikat nito.

“Oo. Tatayo na ko maya-maya…” Sabi nito sabay alis ng kamay ng dalaga na nasa balikat nya.

“Maligo ka muna bago lumabas, uh.” Habilin nya dito saka lumabas ng kwarto nito at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal nilang magkaibigan.

Nagtakal na sya ng dalawang takal ng bigas saka ito hinugasan ng dalawang beses at linagyan ng tubig na kaparehong takal ng bigas saka isinalang na sa kalang. Habang hinihintay nyang maluto ang kanin ay nag prito na sya sa isang kawali ng topsilog, hotdog at ham na kasya lang para sa kanilang dalawa.

Nang makalabas ng kwarto nito si Charllote ay bagong ligo at nakasuot na ito ng office attire, gaya ng inahabilin ng dalaga. Sakto rin syang natapos sa paghahahanda ng aalmusalin nila.

“C’mon, lets eat…” Aya nya kay Charllote sabay upo sa upuang lagi nyang pwesto kapag kakain sila.

Pareho silang lumaki at nagkaisip sa probinsya kung saan sila lumaki. Pareho rin silang nag-aral sa iisang university sa davao. Mas nauna nga lang nagtapos si Charllote ng isang taon kumpara kay Margie. Kaya mas nauna syang nakipagsapalaran dito sa maynila.

Dahil sa matalino si Margie at sa galing nito sa Volleyball ay nakakuha sya ng full scholarship sa pinasukan nyang university at doon nakapagtapos. Habang si charllote ay nakapagtapos dahil sa ama nitong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Isang linggo na si Margie dito sa maynila at isang linggo narin sya naghahanap ng trabaho. Ito ang una nyang Job Interview kaya ang hiling nya ay tanggapin sya sa kumpanyang papasukan nya.

Bachelor of Arts in English (ABE) ang natapos nya. Sa isang publishing company sya nag-apply bilang editor.

“Di ka ba magmemake-up?” Tanong ni Charllote ng mapansing wala itong make-up.

“Kailangan pa ba yun?” Tanong nya dito.

“Oo. Para maging presentable ka sa magiinterview sayo. Wait lang, kukunin ko yung make-up ko ng makulayan yang maputla mong mukha…” Ani nya sabay lapag ng pinagkainan nya sa lababo pagkatapos nitong kumain.

Saka sya muling pumasok sa kwarto nya para kunin ang nasabing make-up nito. Wala na syang nagawa kaya hinayaan nya na lang itong gawin ang gusto nito.

Nilapag nya nasa lababo ang pinagkainan nya at hinugasan ang mga ito kasama narin ang ginamit na plato at baso ni Charllote at ang ginamit nya kanina sa pagluluto.

“Pagtapos mo dyan dumiretso ka sala. Nang sa gayon makaalis kana at maaga kang makarating sa interview mo…” Sabi ni Charllote.

“Sige.” Sagot ko.

*Jerry’s POV

Shit. Bakit ngayon pa ko nasiraan? Buti na lang mamaya pangtanghali ang meeting ko.

Sampong minuto na kong pumapara ng taxi pero halos punuan. Kaya wala akong choice kundi sumakay sa bus at train station, buti na lang sa malapit lang yung train station.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What BIRD Can Do? (spg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon