MAINGAY ang classroom ng pumasok ako. May kanya-kanyang mundo ang mga tao. May mga nagkukumpulan, nag k-kwentuhan, at kung ano-ano pa. Tipikal na unang araw ng klase.Umupo ako sa unang bakanteng upuan na nakita ko. Sa pangatlong row ako naupo. Sa pinaka-dulo. Bakante lahat ng upuan sa row na ito.
' Pambihira! Ang hirap pag walang kakilala.'
Sigaw ng isip ko. Wala din naman akong magagawa kaya yumuko nalang ako sa mesa at pinilit matulog.
Wala man lang akong makausap dito. 'Di tulad nung sa pinasukan kong paaralan noon.
Eh kung 'di lang naman ako trinansfer ng Nanay ko edi sana doon padin ako.
Makalipas lang ang ilang minuto na pagyuko ko sa lamesa ay nakarinig ako ng ingay. Siguro ay nandiyan na ang guro.
Hinagod ko ang aking buhok paitaas tsaka ko pinlantsa ang aking uniporme gamit ang palad ko.
"Good morning, Class." Wika ng babae na sa palagay ko ay guro namin.
Tahimik ang lahat. Nakatutok ang mga mata sa kaniya. Maliban sa mga mata ko na naglilibot sa paligid.
Aba, may kasama na pala ako sa row ko.
Tatlong upuan ang pagitan niya sakin. Malapit ako sa pader at siya naman ay sa bandang center isle.
Maiksi ang buhok ng babaeng iyon. Nakatabon ng bahagya sa kaniyang mukha.
Unang tingin ko palang sa babaeng ito, palagay ko ay mataray siya. Nakataas kasi ang kilay niya habang nakatingin sa guro.
Malamang ay bago din.
"... Grade 10 na kayo kaya hindi na tayo magkakaroon pa ng 'introduce yourself' dito sa harap."
Ibinaling ko ang paningin ko sa aking guro at tiyempo naman na nagtama ang mata namin.
"Ang mga transferees nalang ang magpapakilala. Tutal karamihan naman sa inyo ay pamilyar saakin." Ngiti nito sa akin.
Pagkuwa'y iminuwestra niya ang kanyang kamay saakin na nagsasabing ako ang mauna.
Hindi naman ako mahiyain kaya tumayo ako agad at nagtungo sa harap ng klase.
"Ako si Ivo, short for Primitivo Sanchez. Last year, sa sitio uno high school ako nag aaral bago ako lumipat dito." Bumalik ako sa aking upuan at nadaanan ko yung babae.
Nakatingin lang ito sakin. Matalas ang mga mata.
"Next." Sabi ng aming guro.
Tumayo ang babaeng maiksi ang buhok at lumapit sa harapan. Nakayuko siya kaya mas lalong natabunan ang kaniyang mukha.
"A-ako si Shiela. Shiela Corpuz. Galing akong Rizal bago lumipat dito. A-ano..."
Pinaglaruan niya pa ng bahagya ang kanyang mga kamay. Nahihiya siguro.
"Y-yun lang." Sabay mabilis na lakad pabalik sa puwesto.
'Nang palapit na siya at nginitian ko siya.
Gumanti lang siya ng isang pagtaas ng kilay sa akin.
Ang sungit! Malamang ay 'di ko makakasundo ang isang ito.