FAN-GIRL

58 1 0
                                    

Yah! Annyeong Ahgases/Chingu's!
First, this is not an update. Gusto ko lang gumawa ng story since noon pa man wish ko na talagang makagawa nito. Anyways, just give it a try. Jjebal juseyo! 💗

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Guwapo. Matalino. Mabait. Hmm. Ano pa ba yung pwedeng makakadescribe sa kanya? Almost Perfect? Ayun! Yun nga!

He is almost perfect. Kaya nga labs na labs ko siya eh. We've been together for 1 year, 3 months, 6 days, 4 hours, 26 minutes and... 56 seconds as of now. Yeah, matagal na kami. Hindi ko nga rin aakalaing aabot kami ng ganito. But well, look at us now. We're even getting stronger. Mas tumatatag pa yung relasyon namin despite all the hardships we've encountered.

"Aaaaay love you~
Baby I, I love you
I do.~"

Pagsabay ko sa tugtuging pumapaibabaw sa aking tenga. Napakasarap pakinggan ng bawat pagbigkas niya ng mga salita dahil alam kong ito, ito yung gusto niyang iparating sa akin.

Haaay. Sarap talagang mainlove.

Pagkauwi ko sa bahay ay siya na kaagad yung nakita ko. Nga pala, I am living separately from my parents. I am still a student, college, and my parents decided to let me live in an apartment.

I still can't believe it.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang napakasimpleng kagaya ko ay makakabingwit ng ganitong kaperpektong lalaki. Worth it lahat ng paghihirap ko. Yung pagpipila ng ilang oras sa mga concerts nila. Yung pakikipag-agawan ko sa pagbili ng mga merchandise at CD's nila. Yung pagpupuyat ko para lang mapanuod after marelease yung comeback nila na minsa'y inaabot na ng madaling araw. Yung pageencourage ko sa mga co-fans na patuloy silang suportahan kahit na makaharap ko pa yung ultimate bashers nila. Yung pagdodownload ng mga videos nila kahit yung simple nilang pagtawa. Yung pagbili ng terrabite(external memory) para lang magkacopy ng mga videos na nanduon siya. At yung pagtitipid ko sa sarili ko para lang matustusan ang lahat ng ito.

Gash! The efforts, discouragements, heartbreaks at iba pa na nakaharap mo? It's all worth it. Dahil di mo na yun maiisip pa if nakita mo nang ganito kalapit yung kapalit ng lahat ng yun. I am just really, really, really lucky.

He's standing with his arms crossed beside the door. Still handsome as ever. Kaya lalo akong naiinlove sakanya eh. Samahan pa ng smile niyang makahulog panty. Gash! Ewan ko lang kung di ka hihimatayin kapag nakita mo.

"Oh, Jackson ba't nasa labas ka na naman ng bahay? Sinabi ko na naman dibang wag mo na akong hintayin kapag ganitong gabi na? Mahahamogan ka. Magkakasakit ka niyan eh." Alalang sabi ko. Aba siyempre. Ayaw ko namang magkasakit siya dahil lang dito no. Kaya lang----

*Wapak*

"HOY, FIVE VERA! GISING PLEASE! STANDEE YAN NI JACKSON! WAGKANGANGAMBISYOSANANAMANBALIW! blahblahblahblah..."

At ayun!

Basag! Yung eardrums ko. Aish.

Langya naman tong bestfrint ko. Makapagsalita naman parang hindi nasasaktan yung kausap. Oh edi ako ng adik kay Jackson Wang. Masama bang mainlove ang isang fangirl sa iniidolo niya? DUH.

Kaya naman binuhat ko nalang si Jackson my labs at ipinasok sa loob ng apartment.

Nakalimutan ko nga palang ipasok kanina sa loob ng bahay bago ako umalis. Tsk.

THE END.

GOT7 Song LyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon