Kapag mahal mo daw lahat ibibigay mo
lahat gagawin mo pero paano na lang
kung hilingin niya na maghiwalay kayo
Ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?
Sabi pa ng iba pag mahal mo raw
matuto kang pakawalan siya
Kung sayo, sayo kung hindi, hindi
Pero paano mo iisiping pakawalan siya?
Kung siya ang dahilan kung
bakit ka nagmamahal
Dapat mo din daw ipaglaban
kahit madaming hadlang
Paano kung ikaw na lang
ang nakikipag laban ?
Ipagpapatuloy mo pa ba o isusuko mo na?
Minsan may mga desisyon tayo na
dapat natin gawin kahit ayaw natin
At may mga bagay na kapag
ginawa mo ang tama ikaw
ang mahihirapan kasi may mga bagay
na kapag pinagpipilitan
natin sa bandang dulo
Ikaw lang din ang masasaktan...
Bakit ba pag nag mamahal ka
nag mumukha kang tanga?
Dahil ba ang mali ay nagiging tama?
Dahil ba nagiging mahina
ka kahit malakas ka?
Dahil ba nagbibigay ka
kahit walang kapalit?
o Dahil masaya ka kahit masakit?
Sabi ko dati,kahit ano mangyari ipaglalaban ko siya
kahit ano mangyari hindi ko hahayaan mawala siya
Pero nakakapagod din pala na ipaglaban
yun taong walang ginawa para ipaglaban ka.
Mahirap i-give up ang feelings mo sa isang tao
pero minsan kailangan gawin kahit sobrang sakit
Pero ang tunay namasakit yun aminin mo sa sarili mo na
Ang ginive-up mo ay yun taong alam
mong makaka pagpaligaya sayo
Pag mahal mo talaga ang isang tao
kahit ano mangyari hindi mo siya iiwan
Hindi pala ganun pag mahal mo pala talaga siya
Kakayanin mong iwan siya oras na iba
na ang makakapagpaligaya sa kanya.
Masarap ang may kasama lalo na pag mahal mo
at mahal ka rin niya, “OO tama sila!”
Pero hindi mo akalain na kung gaano
kasarap ang makasama siya ganun din
kasakit pag nawala na
Bakit nga ba kung ano ang pinaka magandang nangyari
sa buhay natin?..Sa bandang huli un din ang pinamasakit.
Minsan siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin
Dahil balang araw may makilala tayo
na mas mag mamahal sa atin ng lubusan
Yun aalagaan tayo hindi sasaktan,
Yun laging nandyan sa anumang oras at hindi iiwan...
Yun taong makakasama natin habang buhay
At kasama natin sa pag buo ng ating mga pangarap..
<<LAIE MACATO>>
<<HAYAAN MONG MAHALIN KITA SA PARAAN ALAM KO>>>