Bakit nga ba kailangan pang mag paalam sa taong pinaka mamahal mo?

947 3 0
                                    

Kapag  mahal mo daw lahat ibibigay mo

lahat gagawin mo pero paano na lang

kung hilingin niya na maghiwalay kayo

Ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?

Sabi pa ng iba pag mahal mo raw

matuto kang pakawalan siya

Kung sayo, sayo kung hindi, hindi

Pero paano mo iisiping pakawalan siya?

Kung siya ang dahilan kung

bakit ka nagmamahal

Dapat mo din daw ipaglaban

kahit madaming hadlang

Paano kung ikaw na lang

ang nakikipag laban ?

Ipagpapatuloy mo pa ba o isusuko mo na?

Minsan may mga desisyon tayo na

dapat natin gawin kahit ayaw natin

At may mga bagay na kapag

ginawa mo ang tama ikaw

ang mahihirapan kasi may mga bagay

na kapag pinagpipilitan

natin sa bandang dulo

Ikaw lang din ang masasaktan...

Bakit ba pag nag mamahal ka

nag mumukha kang tanga?

Dahil ba ang mali ay nagiging tama?

Dahil ba nagiging mahina

ka kahit malakas ka?

Dahil ba nagbibigay ka

kahit walang kapalit?

o Dahil masaya ka kahit masakit?

Sabi ko dati,kahit ano mangyari ipaglalaban ko siya

kahit ano mangyari hindi ko hahayaan mawala siya

Pero nakakapagod din pala na ipaglaban

yun taong walang ginawa para ipaglaban ka.

Mahirap i-give up ang feelings mo sa isang tao

pero minsan kailangan gawin kahit sobrang sakit

Pero ang tunay namasakit yun aminin mo sa sarili mo na

Ang ginive-up mo ay yun taong alam

mong makaka pagpaligaya sayo

Pag mahal mo talaga ang isang tao 

kahit ano mangyari hindi mo siya  iiwan

Hindi pala ganun pag mahal mo pala talaga siya

Kakayanin mong iwan siya oras na iba

na ang makakapagpaligaya sa kanya.

Masarap ang may kasama lalo na pag mahal mo

at mahal ka rin niya, “OO tama sila!”

Pero hindi mo akalain na kung gaano

kasarap ang makasama siya ganun din

kasakit pag nawala na

Bakit nga ba kung ano ang pinaka magandang nangyari

sa buhay natin?..Sa bandang huli un din ang pinamasakit.

Minsan siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin

Dahil balang araw may makilala tayo

na mas mag mamahal sa atin ng lubusan

Yun aalagaan tayo hindi sasaktan,

Yun laging nandyan sa anumang oras at hindi iiwan...

Yun taong makakasama natin habang buhay

At kasama natin sa pag buo ng ating mga pangarap..

<<LAIE MACATO>>

<<HAYAAN MONG MAHALIN KITA SA PARAAN ALAM KO>>>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit nga ba kailangan pang  mag paalam sa taong pinaka mamahal mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon