PROLOGUE
"Important encounters are planned by the souls long before the bodies see each other." - Paulo Coelho
Sa isang tagong training camp nakabase ang headquarters ng Elite Intelligence Forces o mas kilala sa tawag na EIF. Isa ang organisasyong ito sa mga lihim na sangay na magkalakip na binuo ng militar at pulisya para mangasiwa sa mga maseselang kaso na kailangang pagtuunan ng karagdagang pansin.
Sabado, mataas ang sikat ng araw. Sa putikang training ground, makikitang nagsasanay ang isang babae kasama ang mga bagong recruit ng nasabing organisasyon.
Kasabay ng pagtaas ng temperatura sa buong lungsod ay ang pagtaas din ng presyon ng dugo ni Val matapos mabasa ang pinakabagong notice na natanggap niya. Suot ang kanyang itim na uniporme na balot pa sa putik, ay galit na galit siyang nagmartsa patungo sa administration building ng headquarters.
Walang pag-aatubiling pinasok niya ang opisina ni Agent Alejandro Ortega.
"Labas." Agad na utos sa kanya ng lalaki na okupadong okupado sa mga nakatambak na dokumento sa lamesa nito.
"Ano to?!!" Ibinagsak ni Val ang notice na natanggap sa lamesa ng lalaki dahilan para itigil nito ang pagpirma sa mga dokumento.
"Labas Valerie at marami akong ginagawa." Utos sa kanya ni Agent Ortega.
"Hindi ako lalabas dito hangga't hindi niyo ipinapaliwanag kung bakit ako nalipat sa personal security!" Pasinghal na sagot niya sa lalaking may pinakamataas na posisyon sa EIF. Sa apat na taon niya dito ay field operations assignments ang kadalasang hinahawakan niya. Gusto ni Val ang maaksyong buhay, gusto niya ang palaging naeexpose sa bakbakan; sa barilan, bugbugan, patayan. Gusto niya palagi siyang nasa front lines.
Agent Valerie Luna is addicted to a dangerous lifestyle, and she's crazy in love with it.
"Val, you're twenty-three. Stop acting like a sixteen year-old. Wag mo nang gawing malaking issue to okay?"
"Pero Uncle!! Personal security? Do you want to see me die because of boredome? Ayoko dun Uncle! Ibalik niyo na lang ako sa field operations!" Boring para kay Val ang trabaho sa personal security. Sa pagkakaalam niya, wala namang ibang ginagawa doon kundi ang bumuntot sa protectee mo.
"Zorren Alejo, pamangkin ng presidente. Siya ang babantayan mo." Hindi pinansin ni Agent Ortega ang pagmamaktol ng pamangkin at inabot na lamang nito kay Val ang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Zorren Alejo.
"Uncle naman!" Muli pang humirit ng pagtutol ang dalaga. Hindi siya makapaniwalang ililipat na nga talaga siya sa personal security.
"The president himself requested for our help. Alejo needs supplementary protection."
"Ano pa bang proteksyonn ang kakailanganin ng Alejo na yan? Immediate family naman siya ng presidente ah. Napapalibutan na siya ng PSG kaya bakit niya pa kakailanganin ang proteksyon natin?"
BINABASA MO ANG
Damn, This Girl
HumorZorren Alejo may be the most sought-after bachelor in the country for his model-material looks, exceptional intelligence, for being the president's nephew, and for being the sole heir of an insanely massive inheritance (not to mention the entire bus...