Let's Learn Korean (Tagalog po!)

3.8K 26 3
                                    

Annyeong Haseyo! Hello Guys! I'll be changing some parts of this book. So, probably marami akong iibahin dahil ang jejemon ko way back 2014, and it's 2017 na guys dapat wala ng jejemon, people do change Charot! Marami akong naisulat sa lumang version ng introduction nito. Why I love korea, why I love my idols and everything na madedescribe ng isang Fanboy na katulad ko. Fan na ako ng Korea since 2009 mapa-koreanobela man or sa Kpop Industry. Lielow lang ng very since i have to focus myself on my studies. And ngayong 2017 gagraduate na ako. Marami akong isashare na learnings sainyo na nabasa ko din sa other books, pinili kong mag-explain sa Tagalog kasi hindi ako sanay mag-English. So let me get this start, I will give some rules sa pag-aaral ng aklat nato. So here is it:

Number 1 Rule :

Mas magandang matutunan mo muna ang KOREAN ALPHABET, kesa magkabisa ng mga phrases BAKIT?? Maraming rules when it comes to korean alphabet, dapat malaman mo muna ang mga TAMANG PRONUNCIATION, TAMANG USAGE ng bawat letra! lagi mong tatandaan na magkaiba ang mother tounge mo sa 2nd language mo mapa-tagalog man yan o English, magkapareho man yan sa ibang bagay pero may sari-sariling structure at tamang paggamit yan. Lagi tatandaan na mas magandang kabisaduhin muna ang bawat letra, pronunciation and usage. All right?

Number 2 Rule :

Mas mainam na maging disiplinafo sa pag aaral ng ibang lenggwahe. Kailangan mo ng oras, malawak na pag-iisip at ang pinaka-Importante sa lahat eh ang pasensiya. Mahirap man sa umpisa but when you get used to it. Ayos! You will be a native korean speaker!  Wag na wag mong iisipin na mahirap pag-aralan ang Language na to. Because it is not. All right? 

Number 3 Rule

According to my sources. Mas makabubuting gumamit ng FORMAL na pagsasalita. Kesa paggamit ng INFORMAL na pamamaraan. Dahil mas masarap pakinggan ang magalang na pagsasalita, kesa maging hindi kagalang-galang sa iyong makakausap. Laging tandaan na nasa ibang lugar ka, they have their own rules, attitudes, and culture. Maaaring pwede to sa bansa mo pero hindi pala pwede sa bansa nila. Gets? All right! Next!

Number 4 Rule :

Panatilihing MAGBASA, MAGSULAT, AT MAGPRACTICE in order for you to learn this language. Tiyaga lang ang kailangan! Makinig ka ng mga Korean Songs, Manuod ka ng Korean Movies, magsulat ka ng magsulat, makipagusap kana rin sa sarili mo sa salamin. Mapractice mo lang ang language nila! Pakatandaan mo kung paano sila magbigkas ng salita, paano ang pronunciation nila. Yun 

Number 5 Rule :

Ano ang mas Importante?? GRAMMAR OR VOCABULARY? The answer is BOTH!

Habang nagaaral ka ng GRAMMAR, bakit hindi mo sabayan ng VOCABULARY.  Habang pinag-aaral mo ang grammar nila, sabayan mo ng pagdaragdag sa vocabulary mo sa pamamagitan ng PAGBABASA! Habang nadaragdagan ang kaalaman mo natututo ka.

Number 6 Rule :

Pansin niyo Rumble ang Rule ko? Well, pinagiipan ko lang kasi siya at FREE writing lang ang ginagawa ko' Ineexpress ko lang yung nasasaloob ko. RULE : Importante to. HUWAG ka masyadong BABASE sa ROMANIZATION minsan mali rin yan pero pwede ka parin namang gumamit ng ROMANIZATION para hindi ka malito at maging isang guide mo sa Spelling pero wag kang masyadong! BUMASE para mabilis mong matutunan ang Hangul once kasi na nakasanayan mo ng gumamit ng ROMANIZATION! Goodluck sayo! Mahihirapan kang bumasa ng SULAT nila! Bakit nakaromanization ba ang conversation sa TV? Sa Boses OO! :D

Number 7 Rule :

Rule : Wag ka munang gumamit ng KOREAN BOOK. Useful lang sila after mong matutunan ang Korean Language. Mas magandang malaman mo muna ng MAIGI ang bawat usage at tamang pronunciation ng bawat letra, tamang pagcoconstruct ng sa gayon maging FLUENT ka. Minsan PHRASES lang ang nakapaloob sa IBANG KOREAN BOOK hindi lahat don ineexplain. :')).

Number 8 Rule :

If may Friends kang KOREAN, makipag-usap ka sakanila ng sagayon malaman mo ang mga mali mo, improvements mo sa pag-aaral ng korean. MakipagEXCHANGE Language ka. Magturuan kayong dalawa. Masarap merong korean friends lalong-lalo na sanay mag english.

Number 9 Rule :

SUNDI MO ANG RULE NA NAKASAAD SA TAAS! Isa na ito sa mga Keys para matuto ka ng Korean. Eto pa, BAGO KA MAGPROCEED SA PANIBAGONG TOPIC mas makabubuting iperpect mo muna yung TOPIC na pinag-aaralan mo sa ngayon saka ka magproceed to the next topic. Gusto ko pa sanang mag dagdag ng maraming rules kaso wala lang talaga akong maisip at ayon nga hindi ko alam if tama ba ang mga nakasaad. Pero base talaga iyan sa mga nabasa ko.

BAKIT HINDI AKO SANAY MAG-ENGLISH? Well, Im not that super fluent but I can speak. You know, hindi ako matalino. But, I'm working on it! BAKIT TAGALOG? Gusto kong iexpress siya ng tagalog para naman maintindihan ng tama ng mga tagalog readers PERO MALI ako dapat ENGLISH to. Para nahahasa ko na din at para sa mga  ENGLISH readers diyan. I'm sorry po! Hindi talaga ako ganun ka FLUENT sa ENGLISH! and sa mga tagalog readers out there! Basahin niyo naman to! Comment nadin kayo if may mali ako para Itama natin! :'))

So, sa next topic natin is BRIEF HISTORY of Korean Language at Korean Alphabet. :'))

Let's Learn Korean (Tagalog po!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon