LAMAN 1

585 6 1
                                    

Malakas ang ulan sabayan pa ng pag kulog at kidlat ng pauwi si Colby Keller sakay ng kanyang kotse galing sa trabaho. Sa gitna na ng kanyang pag mamaneho napansin nya ang isang babae sa tingin nya dahil naka suot ito ng pulang dres at bitbit nito ang kanyang isang pares na sapatos nag lalakad ito ng nakayapak sa gilid ng kalsada at basang basa sa ng ulan..

Inihinto ni Colby ang kotse sa gilid at binuksan ang bintana. "hey are you ok? Tanong nito sa naturang babae. Ngunit hindi manlang sya nito pinansin at patuloy parin sa paglakad. "Sandali lang pag pigil ni Colby. Inabante nito ang sasakyan. Huminto naman ito't yakap ang sarili. Nakaramdam ng awa si Colby. Walang ano ano'y binuksan nito ang pinto at lumabas para ito'y lapitan. "ihahatid nakita, malakas pa ang ulan wala karing masasakyan dito. Hinawakan nya ito sa balikat para alalayang sumakay sa kotse. Ramdam ni Colby ang panginginig nito. Hindi nya maintindihan bakit may kung ano syang naramdamang awa sa taong ito.

Nang makapasok na sila sa loob ng Kotse ay agad binigyan ni Colby ito ng towel pang punas. Wala parin itong imik habang nag pupunas ng sarili. Anong pangalan mo miss at saan ka nakatira? "hindi po ako babae. Malamig nitong sagot ng nakayuko. "What, hindi ka babae? Nag tataka nitong tanong. "Opo, dahil bakla po ako. Pabababain nyo na po ba ako?  "e hin.. Hindi malakas pa ang ulan ihahatid nakita. Im sorry i thought you are a girl. Nag angat naman ito ng muka. "Ok lang po. Pasensya narin po sa abala. Anito ng nakangiti kay Colby. Doon nga ay nasulyapan nya ang maamo nitong muka at magandang mga ngiti. Parang natigilan ito ng sandaling iyon may kung ano o sino syang naalala sa mga ngiti ng batang ito. "Sa.. Saan kapala nakatira? para maihatid na kita. "Deretso lang po.

Im Colby. Pakilala nito habang nag mamaneho. Ikaw anong pangalan mo? Kimmuel po. "Saan kaba galing kimuel, galing kabang party.....? Ngunit walang nakuhang sagot si Colby. Hindi na nya inulit sa pag aakalang hindi sya nito narinig. Maya maya ay nakarinig ng pag hikbi sa Colby. Are you crying?  "Hindi po. Tell me, may problema ba? Pangungulit nito. Alam kung hindi mo pa ako lubusang kilala pero handa akong makinig. "thank you po, ok lang po ako Sir..

Dito nalang po ako. Huminto ang kotse sa isang waiting shed. "are you sure? Opo. Malapit napo dito yung bahay namin lalakarin ko nalang po, maraming salamat ingat po kayo. "No problem kimmuel ingat ka din. Agad nangang umalis si Colby tahimik muli itong nag maneho at malalim ang iniisip may kung ano itong nararamdaman para sa bata labis ata ang kanyang pag aalala kahit ngayon nyalang ito nakita.

Mag aalas dose na pala" bulalas nito ng tignan ang oras sa kanyang cellphone. Ano kayang ng yari sa batang iyon at hating gabi na nag lalakad pa sya mag isa kahit na napaka lakas ng ulan. Agad nyang nilapag ang cellphone ng masulyapan nito ang isang pares ng sapatos sa lapag. "Sht! Naiwan yung sapatos nya. Hindi panaman sya lubusang nakakalayo kaya dali daling bumalik si Colby nag babaka sakaling maabutan pa para ibigay ang naiwang sapatos ng Kimmuel. hindi nga sya nabigo ngunit laking gulat nya ng makitang nakaupo ito sa sulok at yakap ang sarili. "Kimmuel.! agad naman itong bumaba para ito'y lapitan. Ng hawakan nya ang bata para gisingin naramdaman nya ang init at panginginig nito.. "Shtt!!  Binuhat nya ang kawawang bata ng walang malay at agad sinakay sa kotse.

Sa labas ng malaking gate ay bumusina si Colby. Ilang saglit lang ay may isang matandang babae ang lumabas ng bahay at agad bunuksan ang Gate..

"Manang kumuha po kayo ng maligamgam na tubig at gamot. Utos nito sa matanda. Paluto narin ng lugaw for Him. Sige Anak sandali lang..

Inihiga ni Colby ito sa kama at wala paring malay. Ilang saglit lang ay dumating narin ang matanda dala ang plangganita, pamunas at gamot. "ito na anak. "salamat po Nang. Sige Nak sandali lang yung niluluto ko..

Nag aalangan man ay hinubad parin nito ang suot na dress para mapunasan. Laking gulat nalamang nito ng makita ang katawan ni kimmuel na puro pasa. Ang iba ay matagal na meron ding mga bagot mapula pa. "sino ang may gawa nito sayo. Bulalas ni Colby. Dahan dahan nyang pinunasan ang bawat parte ng katawan nito at agad rin pinalitan ng damit. Mahimbing parin ang tulog nito. Malayang napag masdan ni Colby ang napaka amo at inusenteng muka ni Kimmuel. Hinawi nito bahagya ang buhok sa muka. Muli syang natigilan ng maalala ang taong minahal nya. "Malia. Bulong nito..

Ilang saglit lang ay dumating narin ang manang dala ang lugaw. "anak ito na ang lugaw. "salamat po Nang. Ang mga bata tulog na po ba? Oo nak. Kanina ka panga hinihintay ng bunso mo eh. Ayon naka tulog na kakahintay sayo. "eh si Dylan po? Kakauwi lang medyo naka inom nga eh baka tulog na iyon. "pasaway talaga. "teka sino ba ang batang yan at basang basa pa? "sya si Kimmuel nakita ko sya kanina nag lalakad sa kalsada kahit napaka lakas ng ulan. "kawawang bata. Ikaw baka pagod kana, ako ng bahala sa kanya. Mag palit kanarin at mag pahinga baka pati ikaw ay mag kasakit pa. "sige po Nang, ikaw narin ang mag pakain sakanya ng lugaw.

"Iho, gising. Nang imulat ni Kimmuel ang kanyang mga mata bumungad sa kanya ang isang matandang babae. "sino po kayo? Nasaan ako? Wag kang mag alala apo, nandito ka sa bahay ni Colby. "Colby?  Oo. Nilalagnat ka kaya dinala ka nya dito. Ako nga pala si Lynda. Kasambahay nila, pagod narin kasi si Colby kaya binilin kana nya sakin. Ito ang lugaw kumain ka muna bago ka uminom ng gamot para makapag pahinga kanarin. "maraming salamat po Nay Lynda. Ako po si Kimmuel. Ngumiti naman ang matanda rito. "O sya kainin mo muna ito baka lumamig pa't makapag pahinga kana.

Matapos kumain at mainum ang gamot agad naman syang iniwan ng matanda para mag pahinga. Tahimik itong nakatitig sa kisame gulong gulo ang isip sabayan pa ng pag kahilo. Sakakaisip dina nya namalayan ang pag pikit ng kanyang mga mata at tuluyan na ngang naka tulog.

-----




AN. Unang labas palang. D ako magaling mag sulat sinubukan ko lang po. Kaya paki intindi nalang if may napansin kayong typo. Thanks. Wait nlng sa next chapt.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon