Chapter 2-
Braendyl's POV
'Woow' mangha kong sabi sa aking sarili. nakita ko ang tatlong bubwit na naghiwa hiwalay at hinayaan akong makadaan.
'May bisita tayo!' sigaw ng isang.... 'Teka manika ka ba?' tanong ko sa kaniya. 'Ahh. opo,isa akong manika na gawa sa kahoy' wika niya.
Kinuha ko siya at iniupo sa aking balikat. 'Pano ka nakakagalaw at nabubuhay?' inosente kong tanong.
'Dahil sa mahika ng reyna.' Sagot niya at tumayo sa aking balikat.
'Nakakalungkot nga po eh.' dagdag pa niya.
'Bakit naman?' tanong ko. 'Kase walang pupunta sa WhiteMist Academy upang pangatawanan ang ating kontinente.' sagot niya sakin.
'Bakit naman?' tanong ko.
'Dahil walang matapang na nagrepresinta upang lumaban sa WhiteMist Game.' sagot niya at muling umupo saaking balikat.
'Ano ba meron dun sa WhiteMist game?' tanong ko sa kaniya at tumingin ito saakin.
'May mga laro po dun kaso bawal kang matalo. kung ikaw ay matatalo maari kang mamatay' sagot niya.
'M-Mamamatay?' kinakabahan kong tanong sa kaniya.
'Bakit mamamatay?' tanong ko pa.
'Ito ay isang parusa. Pag di ka nakasabay sa laro. ikaw ay mamamatay,ngunit kung makakasabay ka dito maari kang mabuhay pa.' pasalaysay niyang sagot.
'Masaya ba sa WhiteMist Academy?' tanong ko sa kaniya.
'Hindi na oo, Oo dahil huhubugin nila ang iyong kapangyarihan at papalakasin ka nila at hindi dahil sa buwis buhay na laro' sagot niya sabay hinga ng malalim.
'Gusto ko pa naman maging katawan ng inyong kontinente kaso wala akong sapat na tapang at kapangyarihan' wika ko.
Agad naman siyang bumaba mula sa balikat ko at pinilit hitakin ang aking paa.
'Teka saan tayo pupunta?' tanong ko sa kaniya
'Bibili tayo ng mga gamit mo at pupunta tayo sa mga mist' Sagot niya at agad akong nagtaka. Sino sino ang mga mist? tinanong ko sa kaniya ang aking tanong sa sarili.
'Si WaterMist,NatureMist,at WinterMist. sila ay isa sa mga pinakamakapangyarihan dito' sagot niya saakin.
'Teka sila ba yung..'
'Oo yung maliliit na nilalang. makapangyarihan sila.' pagputol niya sakin
'Dati lima silang nangangalaga dito at napakasagana ng lugar na ito dati. laging sariwa ang hangin,tubig,at kung ano ano pa, ngunit nang mahipnotismo ni Cragen si FireMist at AirMist nawala ang masayang lugar na ito' dugtong niya sa kaniyang salaysay.
'Sino naman si Cragen?' tanong ko sa kaniya.
'Di mo siya kilala?' tanong niya.
'Hindi eh. bago lang ako dito. galing ako sa Manila' i answered. Teka english yun? Oha ang galing ko HAHAHA. Teka balik na tayo.
"Siya ang pinakamasamang tao sa mundong ito' Wika niya at tumingin sakin. 'Teka saan yung manila?' tanong niya sabay kamot sa ulo.
'Ah wala. wag mo na intindihin' wika ko.
'Mamaya dadalhin kita sa mga Mist upang bigyan at turuan ka ng mahika.' Wika niya sabay ngiti saakin.
'Sige ba. basta gusto ko magada outfit ko ah? yung bonggeysius.' sabi ko.
'Ah... eh.. Di ako pamilyar sa mga sinsabi mo, wala akong maintindihan' wika niya na dahilan ng pagtawa ko.
'HAHAHAHA. Wag mo na yun pansinin at intindihin' wika ko at kinuha siya tsala pinatuloy ang paglalakad.
YOU ARE READING
Whitemist Academy -Book1- (Ongoing)
FantasyPaano kung ikaw ay isang simpleng babae lang? May mataas na pangarap at wala kamuwang muwang sa bagong mundo. akala niya ay planetang earth lang ang tinitirhan ng mga tao ngunit may mundo din pala kung saan ang mahika ay totoo. kung saan lahat ng im...