Chapter 2 : Krypton Feir

19 0 1
                                    

Krypton's Point of View:

Tangina asan na ba yun?!

"Ma!"

Kanina ko pa tinatawag si Mama pero hindi parin siya pumupunta dito. That new? Isang tawag ko palang noon andyan na siya.

Hinaluglog ko ang sa ilalim ng kama ko.

Wala!

Sa Kabinet.

Wala!

Kukuha na ngalang ng bagong kumot. Tsk. Asan na kasi yung kumot na yun! Hinubad ko muna ang sando ko at tinapon ito sa higaan ko. Napahilot ako ng sintido ko nung napansin kong sobrang kalat na ng kwarto ko!

Yeah right. Just yeah.

Papagalitan na naman ako ni Mama nito.

"Aargh!" Sambit ko sabay gulo ng buhok ko. Padabog akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa Luxury Room.

Ang pinakamaganda at pinakamalaking guest room dito sa bahay, para lang yun sa mga panauhin namin na mga importanteng tao.

Minsan lang yun ginagamit at saka wala namang gumagamit ngayon doon kaya pwede akong kumuha ng mga gamit dun.

Pagkarating ko binuksan ko agad agad ang golden double door nito. Dumiretso ako sa Cabinet nito na kulay puti at humalungkay ng kumot.

Wait.

Bakit may damit ng pangbabae dito?

Seriously?

Lumingon ako sa may higaan.

WTF?! Nilapitan ko ito at kumuha ng unan na nasa sahig at aakmang huhugutin  ang kumot na nakatabon sa mukha nito at ihahampas ang unan sa kanya nang gumalaw ito at bumungad sa akin ang napakaganda nitong mukha.

Nanatili ako ng ganung sitwasyon. Ang kinis ng mukha nito, wala ka talagang mapapansin na kahit tigyawat o ano pa man basta makinis talaga.

Maputi ito. Her long and thick eyelashes, a messy eyebrows itim na itim ito at makapal pero bumagay parin sakanya, her risy cheeks, and her soft pinkish pouty lips.

Napalunok tuloy ako ng di sa oras nung dumako ang mga mata ko sa bibig niya.

Bakit natetempt akong halikan siya?!

Umakyat ako sa hinihigaan niya at tumabi sa kanya sa paghiga. Hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isip ang katawan ko at nagagawa niya ito.

Humarap ako sakanya, bale nakatagilid kaming nagkaharap sa isa't isa.

Sa katunayan, hindi nakakasawang pagmasdan ang pagmumukha ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

Simple lang siya pero maganda pa rin kahit walang kolorete sa mukha. Ano pa kaya kung may kolorete sa mukha?

I think she will be an Epitome of Beauty.

Hindi ko namalayang na nakatulog na pala ako dahil sa pagkakatitig sa kanya.

Hailey's Point of View :

Nagising ako ng may naramdaman akong may mabigat na bagay ang nakalagay sa bandang gilid ko.

Kinapa ko ito at inalis sa pagkakatanday nito sa'kin pero hindi ko maialis dahil sa sobrang bigat nito.

Kung maialis ko man ito, bumabalik parin ito sa dating pwesto. Minulat ko na ang mga mata ko at tinugnan ang nakadagan sa gilid ko at napalaki nalang ang mga mata ko sa nakita ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Runaway GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon