BAMPAYER PART 2

703 30 20
                                    

Hi guys!

Miss me?😁

I know one shot story lang 'to pero dahil sobrang daming nagrerequest na ituloy ko dahil super bitin daw😂 eto na pagbibigyan ko kayo. Malakas kayo sa akin eh!😉 At dahil sobrang naadik ako sa kakanuod ng LaLunaSangre😂. Promise adik ako dun ang ganda kasi eh. (Share lang😁😆)

Enjoy guys! Sana magustuhan nyo kahit parang ang OA at BITIN ulit😂😆✌.

I don't know bakit naisip ko 'tong story na eto! Medyo may pagka...... aahhhh... kayo na bahalang mag-judge!😂😂😂

Enjoy!





















*****

(Sa Hospital)


IZAY'S P.O.V.

Masakit.

Sobrang sakit ng katawan ko lalong lalo na yung ulo ko. Dahan-dahan akong dumilat at nakita ko ang liwanag ng ilaw. Hindi pamilyar sa akin ang lugar kaya napatingin ako sa paligid.

Nasaan ako?

Nakita ko ang bestfriend kong si Gina na busy sa cellphone nya habang nakaupo sa sofa. Hindi nya napansing gising na ako. Pinilit kong igalaw yung katawan ko. Nahihirapan ako dahil pakiramdam ko nangalay na ako kakahiga ko.

Gaanu na ba ako katagal nakahiga? Anu bang nangyari? Napahinto ako saglit sa paggalaw ko nang bigla kong maalala kung anung mga nangyari. Napaupo ako bigla. Naaalala ko na.

"Kaye." Mahinang sabi ko pero alam kong narinig ako ni Gina.

"Izay! OMG gising ka na! Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Gusto mo ba tawagin ko yung doctor?" Mabilis at sunod-sunod na tanong nya. Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko sya masagot. Iniisip ko kung paanu ako napunta dito. Dinala kaya ako ni Kaye dito.

"Wait lang tatawag lang ako ng doctor ha. Wait lang." Sabi nya. Palakad na sana sya palabas pero pinigilan ko sya.

"Sinung nagdala sa'kin dito?" Tanong ko.

"Nagdala? Ako. Dinala kita dito kasi nakita ka na lang naming walang malay na nakaupo sa tapat ng Bar. Anu ba kasing nangyari sa'yo?" Sagot at tanong nya.

"Nakaupo sa tapat ng Bar?" Tanong ko imbes na sagutin sya. Sa pagkakatanda ko nawalan ako ng malay ng itulak ako ng manyak na lalaki kanina at nakita ko si Kaye na iniligtas ako pero nasaan na sya?

"Oo nakaupo ka lang dun tapos wala kang malay. Akala ko nga nakatulog ka lang pero hindi pala kasi kahit ilang beses kitang gisingin hindi mo ko pinapansin kaya nag-alala na ako kaya nagpatulong na lang akong dalhin ka dito." Sagot nya.

"Anung oras na? Matagal na ba ko dito?" Tanong ko. Napatingin sya sa relo nya.

"1 a.m na. Mga 2 hours ka na yata dito." Sagot nya.

"Wala ba kayong nakitang nagdala sa akin sa tapat ng Bar?" Tanong ko.

"Nakita? Wa...la. Bakit? Meron bang nagdala sa'yo dun? At saka saan ka ba nanggaling? Bakit kasi bigla kang umalis kanina sa Bar? Anu ba kasing nangyari?" Ang dami nya na namang tanong. Sumasakit lang lalo ulo ko kakaisip sa mga nangyari.

Hindi ko na nasagot si Gina napahawak na lang ako sa ulo ko at napansin nya yun.

"Okay ka lang? Masakit ba ulo mo? Teka tatawag lang ako ng doctor." Sabi nya sabay alis.

Napapikit na lang ako habang inuulit ko yung mga naaalala kong nangyari kagabi. Hindi talaga ako pwedeng magkamali si Kaye talaga yung nakita ko. Siya yun. Buhay sya at muling nagbalik. Binalikan nya ako.

BAMPAYER [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon