Minsan napapaisip ako, kung....
Sino ba talaga ako?
Ano ba talaga ang lugar ko sa mundong to?
Ang alam ko lang...Ako ang babaeng hindi pinapangarap
Babaeng dantay lamang sa sariling kwarto't,
Unan ang sa lungkot ay karamay.
Naghihintay sa lalaking di ko pa naman nakikita
Pero labis ko ng pinapangarap.
Walang mukha, pero sana'y puno ng pagtanggap
Kung saan sa mundong ito'y pilit na hindi ko makita.Bat sila ganyan?
Bat ako ganto lang?
Bat sila masaya?
Bat hindi ko makita ang saya?
Marahil,
Ganto na ako.
Hanggang sa kahuli hulihang pahina,
"Lungkot" ang mararamdaman ko.
Taliwas sa nakukubling "ako" sa harap ng madla.
Tunay na ako na kahit sino'y walang nakakaalam.Siguro nga'y napapawi sa bilang ng araw na nagdaan
Ngunit doble naman ang dinaragdag sa paglipas ng bawat oras.
Hindi ko hinihiling na maging perpekto,
Ngunit nais ko lang naman na maramdaman na mahalaga din ako sa mundong to.

YOU ARE READING
Ako, Sa Loob Ng Labindalawang Kabanata
De TodoHello! Hindi naman ako mahilig magsulat, talagang reader lang ako. Pero sa labis na kalungkutan, naisipan kong ibahagi ang mga nararamdaman ko sa tula. Sana magustuhan niyo!