"Ang exam kasi ay isng tool for evaluation and scientific proven yan.."
Isa lang masasabi ko dito. WALANG KWENTA. KOMENTO KO ha? Bakit ba kelangang maging basehan ang grades para masabi kung gano katalino ang bata? Lets just say na mababa sa exam, hindi kaagad ibig sabihin non eh "bobo" ang bata o "walang alam". Di ba nila alam na sa tuwing may mga gantong bagay eh napepressure ang bata? Yes, it can help us to learn pero di naman sapat na maging basehan yon para masabi mo na bobo o matalino ang bata.
Ngayong buwan, lalo na sa mga magtatapos ng gradeschool at highschool na mag hahanap ng kani - kanilang paaralan. Sa mga magpapasok ng highschool, sa totoo lang ang problema lang naman dito bakit kelangang may hetero saka homo? What? To know kung sino ang pinakamatalino sa lahat ng mga bata? Tapos ang lagi lang active sa mga school activities ay mga homo? Dahil sila nga ang "magagaling at matatalino" di ako bitter na kesho di ako homo o kahit ano man. Pero kase, di porket nasa homo eh lahat na nandon. May mga bata na nasa hetero nga na mas magaling pa maagdrawing o sa mga bagay na critical thinking pero di napapansin dahil nakafocus na lang lage sa mga nakakaangat.
Sa college naman, merong school na kesho tanggap lang daw ng tanggap, kesho mga bobo nag - aaral don, kesho yung course na kukunin mo para sa mga bobo. HELLO!!! LAHAT YAN MAY MGA BAGAY NA MAITUTULONG PARA SA FUTURE O IKAUUNLAD NG BANSA. Mag - eentrance test ka para makapasok, may waiting list at meron pang interview after. Ang etrance test, may qualificatied not qualified. If mababa ang score di pasok sa score o criteria ng school di ka tanggap. Yes, alam ko ganon talaga, pero diba.. yung totoo minsan kinukuha nila yung mga batang may kapit lamang sa government o may mataas na pwesto. Pag ba nakapasok sa magandang paaralan eh nakakasigurado na kaagad na magiging maganda ang future ng isang bata? SAKA LAST NA. KUNG PIPILI KAYO NG COURSE YUNG GUSTO NIYO HINDI GUSTO NG MAGULANG O KAHIT SINO MAN.HINDI DAHIL YUN ANG HINAHANAP NA TRABAHO NGAYON. KUNIN MO ANG COURSE KUNG ANO ANG MAGPAPASAYA SAYO. dahil naniniwala ako na kung kukuha ka ng course na ayaw mo din naman, ano pang point na nag - aral ka sana din naman pala sila na lang nag - aral kung sino man may sabi sayo na yun ang kunin mo.
Magiging maunlad ang bata kung gusto niya ang ginagawa niya para sa kinabukasan niya, ang mga magulang para sumoporta sa bata hindi para sabihing bobo at wala nang mararating sa buhay dahil lang hindi napasa ang gustong course nila. Kung may ganto kang problema, isipin mo lang na uunlad ka din sa future, sabihin mo sa mga magulang mo kung ano nararamdaman mo ng malinawan din naman sila. Still, respect your parents and remember to pray always. Yun lang *bow*