Remembering Blue (EXO Lay Two-Shots FF)

1.2K 22 1
                                    

Remembering Blue (EXO Lay Two-Shots FF)

Jeydwesh 2014

-

“Talaga bang aalis ka na Senel? Paano naman ako? Wala na akong makakasama kapag vacant. Last year na lang ng high school oh. Ang daya naman.” Demand ko sa kasama ko ngayon. Aalis na kasi s’ya. Magma-migrate sila ng family n’ya sa China kasi nandoon ‘yung daddy n’ya.

“Ang arte mo Blue. Makipag-friends ka na kasi sa iba. O kaya naman, lumovelife ka na!” Excite na excite n’yang sabi. Hay nako. Hindi ko talaga alam kung maaasahan ‘to o nang-aasar lang eh.

“Hindi ko kailangan ‘yun Senel noh. Masaya na ako ng ganito lang.” plain kong sagot sa kanya.

 "Sus, hindi mo masasabi 'yan noh." sabi nya tapos ngumisi s'ya at tumingin sa orasan. "Oh sige na Blue, alis na ko ah. Baka ma-late pa kami ni mama sa flight naman eh." dagdag pa n'ya tapos niyakap n'ya ako.

"Mamimiss kita Senel." sabi ko noong kumalas kami sa yakap. Nag-wave lang s'ya at tuluyan nang tumakbo paalis. 

Naglakad lakad ako dahil nga nalulungkot ako. Ganun lang ginagawa ko kaysa naman nagmumukmok. Pinipigil ko na lang 'yung lungkot. Ayoko kasi ng ganun. Happy happy lang dapat. Anyway, ayun nga at hindi rin nagtagal, nangawit ang sexy legs ko. Doon ako naupo sa waiting shed sa bungad ng subdivision namin.

Hay nakakainis talaga. Ang daya daya nitong si Senel. Tapos na kami ng 3rd year at isang taon na lang kaming mananatili sa high school saka pa s'ya aalis. Hindi man lang muna s'ya pinatapos ng high school ng mama n'ya. Excited much sila?

Wala na tuloy akong kasa-kasama. Iwas kasi ako sa mga tao. Boring sila. Itong si Senel, elementary pa lang, kasama ko na. Wala na akong ibang kinaibigan kaya ngayong aalis 'yan, ewan ko na nako. 

"Miss oh." Napansin kong may lalaki pala sa tabi ko na nakaupo din dito sa waiting shed. May inabot s'yang panyong kulay puti.

"Para sa'n naman 'yan?" Pagtataray ko pa sa kanya.

"D'yan oh." Sabi pa n'ya sabay turo sa luhang hindi ko alam na dumadaloy na pala mula sa mga mata ko. Grabe naman, nagagawa ko pang mag-curse sa utak ko. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.

"Thank you." Sabi ko at kinuha 'yung panyo sa kamay n'ya tapos pinunas ko na sa mukha ko. No choice kasi ako. Wala naman akong dalang panyo. Kasi wala naman akong sipon. Oo kapag lang may sipon ako saka lang ako nagdadala ng panyo. Useless naman kasi, mawawala lang naman kapag hawak ko lang. At isa pa, aanhin ko naman yun eh hindi naman ako iyakin?

"Miss, alam mo ba..." Pag-uumpisa n'ya in the middle of awkward silence.

"Hindi eh, ano ba 'yun?" Medyo sarcastic pa ako n'yan. Ang galing ko noh? Nagawa ko pang magtaray, ako na nga 'tong bingyan ng panyo.

"Hala, hindi mo pa alam? Na ang pangit mo kapag umiiyak?" Hala. Grabe naman s'ya! Ang sama ah. -_-!

Inirapan ko na s'ya at humarap ako sa kabilang side ng kalsada. Yung nakatalikod sa kanya. Ka-insulto ah.

Kaya naman kinalabit n'ya ako ng paulit-ulit.

"Uy, joke lang 'yun." hindi ko pa rin s'ya balak harapin.

"Uy Miss! Sorry na." Huh. Hindi Miss ang pangalan ko noh. 'Wag mo pansinin 'yan Blue, inaaway ka n'yan.

"Uy ganda, sorry na." And he hit it. Ganda daw eh, so ayun, humarap na ako ng walang anu-ano.

Remembering Blue (Lay FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon