Remembering Blue (EXO Lay Two-Shots FF) - Part 2
Jeydwesh 2014
--
Blue’s Point of View
Nakakalungkot dahil nag-graduate na kami. Hindi na kami gaya nung high school na pwede magkulitan ni Lay. Namimiss ko na rin ‘yung baliw na yun kasi ilang araw ko na s’yang hindi nakikita. Nag-out of town kasi kami ng pamilya ko after graduation.
Yung huling pagkikita naming ay nung exact day ng graduation at dun ako sa bahay nila nagdinner. Pagkatapos nga naming mag-dinner. Dinala pa n’ya ako sa garden nila para sana magpalamig bago ako umuwi. Ang nakakagulat pa dun, tinugtugan n’ya ako ng gitara at kinantahan pa n’ya ako. Yung Lucky nung sikat na EXO-M. Grabe nga eh! May talent pala ‘yung bugok na ‘yun?
Ngayong nakauwi na kami, balak ko s’yang puntahan ngayon sa bahay nila. Yie, trip na itu. \m/
--
Naglalakad ako papunta kina Lay. Nalaman kong sa tapat na village lang pala s’ya nakatira kaya minsan, sabay na rin kami pumapasok. Pero sakto nga naman dahil nakita ko s’ya ngayon na nakaupo sa waiting shed kung saan kami unang nagkita. Gugulatin ko nga. Hehehe. Bale nakatalikod kasi s’ya ngayon. Alam ko naman ang tindig ni Lay kaya sure akong s’ya ‘to.
Pumwesto ako sa likod n’ya at tinakpan ang kanyang mata gamit ang mga kamay ko. Buti na lang, hindi nya alam na ngayon ang balik ko. Wahahaha.
“Sino ‘to?” tanong n’ya sa mariing boses. Feel ko takot na ‘to.
“'Wag kang maingay mister, kukuhanin at ibebenta ko ang lamang loob mo." Sabi ko habang ginagaya ‘yung way of speaking n’ya nung mga panahong s’ya ang nagsabi sa’kin nyan.
“Teka nga, sino ka ba?!” Medyo nagulat ako sa naging reaksyon n’ya kasi hindi pa rin n’ya nahuhulaan. Ang slow talaga nito, nakakainis s’ya.
Kaya naman bago pa mag-init ang ulo n’ya, tinanggal ko na ang kamay ko sa mata nya.
“Hay nako Lay. Chill ka lang pwede? Ako lang ‘to! Ni hindi mo man lang nakilala yung bose---“
“Who you?” Pilit n’ya akong tinitignan sa mapanuri n’yang mata.
“Ano ba! Lakas mo mang-trip ah.” Sabi ko sabay tapik sa braso n’ya at umupo ako sa tabi n’ya. Nakatingin pa rin s’ya sa’kin.
“Huh? Anong trip? Seriously, sino ka ba?” Grabe ah! Medyo naiinis na ko sa inaasta n’ya. Bwisit talaga ‘to kahit kailan eh.
“Lay, umayos ka nga!” Halos sigaw ko dahil nga nakukulitan ako. Bakit ba kasi ako pa naisipan nitong pag-tripan? Baliw talaga. Nakakawala ng mood ‘yung ganyang trip n’ya. Ni minsan kasi hindi pa n’ya ako pinagtripan ng ganyan.
“Teka miss. Una sa lahat, maayos ako. At isa pa, bakit mo ako kilala? Are you my stalker? Saka ‘wag kang umasta d’yan na parang close tayo. Dahil sa maniwala ka man o sa hindi, hindi talaga kita kilala.” Mahinahon n’yang sabi tapos tumayo na s’ya. Ramdam ko ang pagkairita n’ya at mukhang… hindi naman s’ya nagbibiro.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Mainis kasi pinagtitripan nya ako? O masaktan kasi alam kong kahit kailan hindi masasabi sa’kin ‘yun ni Lay kahit pa trip trip lang ang nangyayaring ‘to.
BINABASA MO ANG
Remembering Blue (Lay FF)
FanfictionI will treasure all the memories we had together before I forget those. Jeydwesh| April 2014