Balat-sibuyas

8.8K 172 80
                                    

FOREWORD: Trying hard horror. Alam kong korni at hindi nakakatakot. Haha. Nag-eexperiment lang. Inspired sa isang friend na may onion-o-phobia. Loljokes. Eedit ko 'to kapag sinipag.




*************************




BALAT-SIBUYAS


Napakusot si Santiago nang matanaw niya ang mga nakahiwang sibuyas sa corned beef na kanilang pananghalian. Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso niya at para bang pinagpapawisan siya habang nakatitig sa mga sibuyas.

"Wala na bang ibang ulam?" Tanong nito kay Jovy, ang kanyang asawa. Hindi tumugon si Jovy at sa halip ay naupo na lamang at nagsimulang kumain.

Bagong kasal lamang sina Santiago at Jovy, at sa dalawang taon nilang pagiging mag-asawa ay naganap ang una nilang matinding pag-aaway kagabi. Nakalimutan kasi ni Santiago na ikalawang anibersaryo nila, at sa halip na lalabas sana silang dalawa para ipagdiwang ang kaganapan ay naghintay lamang si Jovy sa kanya buong gabi. Nag-overtime kasi si Santiago sa kanyang trabaho kung kaya't gabi na bago ito nakauwi.

Napakamot si Santiago sa kanyang ulo. Hindi niya alam kung paano susuyuin ang kanyang asawa, lalo na't halatang galit na galit ito sa kanya dahil sa paglagay ng mga sibuyas sa pagkain. Alam kasi ni Jovy na ayaw talaga ni Santiago sa sibuyas--- kahit makakita lamang siya ng mga sibuyas ay pakiramdam niya'y tila ba lalamunin siya ng mga ito.

"Sorry na kase," untag ni Santiago sa kanyang asawa.

Hindi pa rin siya pinansin nito.

"Hindi ko naman sinasadyang makalimutan 'yon, e. Abala lang talaga ako sa trabaho. Promise, babawi ako."

Tiningnan siya ni Jovy sa mga mata. "Naghintay ako," panimula nito. "Naghintay ako ng apat na oras pero ano? Nagmukha akong tanga."

"Hindi ko nga sinasadya, 'di ba?" Tugon naman ni Santiago. "Saka, parang anniversary lang naman 'yon, e. Pwede naman natin i-celebrate mamaya, o kaya bukas. Petsa lang 'yon."

Binitawan ni Jovy ang hawak niyang kutsara't tinidor.

Napansin ni Santiago na tumutulo na ang mga luha nito. "Ba't ka na naman umiiyak? Balat-sibuyas ka talaga, e. Parang ganoon lang."

Hindi na lang nagsalita si Jovy. Tumayo na lamang ito mula sa kinauupuan at mabilis na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Naiwan doon si Santiago na napapaisip kung bakit ganoon na lamang ang kanyang asawa. Para sa kanya, wala lang 'yon. Minsan talaga'y hindi niya maintindihan ang mga kababaihan.

Napatingin siya sa mga sibuyas na nasa corned beef. Nagsimula na naman siyang makaramdam nang kakaiba.

Kinuha niya iyon at pinagtatapon lahat ng ulam sa basurahan. Pagkatapos, nahiga siya sa may sofa sa salas at naidlip na nang tuluyan.

***

Tumakbo nang mabilis si Santiago. Pilit niyang hinahabol ang kanyang hininga sa bawat hakbang niya, pero kung babagalan din naman niya ang pagtakbo ay baka maabutan siya ng mga humahabol sa kanya.

Marami sila. Hindi lamang isa, o dalawa, o tatlo. Sa katunayan nga ay hindi na mabilang ni Santiago kung ilan sila sa dami nila.

Hindi na kaya ni Santiago ang katawan. Kanina pa kasi siya tumatakbo, ngunit kahit anong takbo niya ay pakiramdam niya'y nakasunod lamang sila sa kanya. Naghanap siya ng lugar na pwedeng matataguan sa may abandonadong school building, at pumasok siya sa isang klasrum.

Huminga siya nang malalim. Napaupo siya sa sobrang pagod. Sa loob ng madilim na klasrum na iyon ay medyo gumaan ang kanyang loob dahil kahit papaano ay alam niyang ligtas siya rito. Napangiti siya at natuwa na natakasan niya sila.

Balat-sibuyasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon