PLOK! (bumagsak yung coin sa well)
"ang i.w.wish ko na sana balang araw maging kami ni Damon sana magkalakas loob akong masabi sa kanya ito bago man lang ako umalis"
ako nga pala si Camille. isang babaeng naiinlove sa campus crush na si Damon.
si Damon yung taong habulin ng babae pero hindi pa nagkakagirlfriend.
swerte magiging gilfriend niya kung sakali, kasi alam ko kung paano siya magpahalaga ng isang babae.
Actually bestfriend ko si Damon since 3rd year high school palang kami, ngayon? graduate na kami ng college.
mamayang gabi aalis na kami ng kapatid ko papuntang South Korea.
Doon na kami mag.t.trabaho at titira kasama ng aming mga magulang.
Alam ko marami akong maiiwan dito sa Pilipinas isa na doon si Damon.
at hindi niya alam na gusto ko siya at mahal ko na siya.
at alam ko namang hindi niya ako magugustuhan. TT________TT
Nerdy type kasi ako, as in naka.salamin at palaging nakaharap sa libro.
kaya gusto ko bago man lang ako umalis ng bansa gusto ko man lang malaman niya na gusto ko siya.
"Camille tapos ka na mag.wish?"
kasama ko pala si Damon ngayon, nandito kami sa lugar kung saan nung bata pa kami dito kami naglalaro.
"Oo tapos na! nagwish ka din?"
"Oo... teka ano muna wish mo??"
ito na ba yung time para masabi ko??
pero...
pero hindi pa ata ako handa...
"ehh kasi... ahmmm yung winish ko na sana... sana malaman mo na..."
kinakabahan talaga ako! TT___________TT
"na???"
"na...na masaya ako na nakilala ktia kaya winish ko na sana hindi mo ko makalimutan!"
iyan ang lumabas sa bibig ko ng tuloy-tuloy.
hindi ko kasi alam ang sasabihin ko or paano ko uumpisahan eh!
ang hirap umamin.
natatakot kasi ako baka... baka masira ang pagkakaibigan namin kapag nalaman niya.
"SUUUUUS! ikaw talaga! syempre naman noh hindi kita kakalimutan!"
"HAHAHA thanks Damon! sana walang magbago sa atin!"
"depende!"
grabeee ganyan talaga siya magsalita.
tipong ikaw pa mag-iisip kung anong meaning nun.
"ingat ka sa South Korea ah sana magkita pa tayo!"
ngumiti nalang ako at pumasok sa loob ng bahay namin.
KRIIIIIIIING! KRIIIIIIING! KRIIIIIIIING!
"ate! ate aalis na tayo bumangon na po kayo!"
nakatulog pala ako. ayy gabi na TT_______TT
flight na nga pala namin.
iiwan ko na ang Probinsya namin at mapupunta kami sa South Korea nakakalungkot.
"ate si Damon po nandito!"
si DAMON???!! anong ginagawa niya dito.
"oh! bakit ka pa nagpunta dito? may nakalimutan ka bang sabihin?"
bakit ako kinakabahan ng ganito.
niyakap niya ako ng sobrang mahigpit.
as in sobrang mahigpit!
at may binulong siya sa-akin.
"Camille, basahin mo toh, basahin mo toh kapag nasa Korea ka na! Paalam!"
hindi ko napigilang hindi umiyak.
parang ang sakiit-sakiit nung narinig ko sa kanya ang salitang "PAALAM"
ang sakiit-sakiit nung nakita ko siyang tumalikod sakin at naglakad papalayo.
pero wala akong magagawa =______=
aalis na ako ngayon at malabong magkita pa kami.
tuluyan na kaming umalis sa aming probinsya sumakay sa eroplano at nakarating kami sa Korea umaga na.
"ANAAAAAAAAK! buti nakarating kayo!"
sabik na sabik akong makita sila mama at papa.
halos 10 taon din kaming nawalay sa kanila.
habang nasa sasakyan kami, binuksan ko na ang liham ni Damon.
***
Dear Camille,
Camille alam kong nasa Korea ka na habang nababasa mo toh. Sumulat nalang ako dahil hindi ko kayang masabi sa'yo ang nararamdaman ko. Camille, naglihim ako sa'yo ng matagal na panahon, itinago ko itong nararamdaman ko dahil natatakot ako na masira ang relasyon ng ating pagkakaibigan. Camille mahal na mahal kita. Sobrang minahal kita mula nung High School palang tayo. Hindi ako nag.girlfriend dahil gusto ko ikaw lang ang una't huli kong mamahalin. Ikaw lang at walang iba. Camille sana magkita pa tayo sana maabutan mo pa ako, sana pag nangyari iyon pahintulutan mo kong suyuin ka at hindi ko sasayangin ang bawat oras na kapiling ka. Camille hinding-hindi kita kakalimutan, ang puso na ito ay para sa'yo lamang.
Maraming maraming salamat sa lahat. Ingat ka palagi. Mahal kita.
Nagmamahal,
Damon.
***
*after 3 years*
minabuti kong bumalik sa probinsya namin para makasama si Damon.
sabik akong makita siya, at sabihing mahal na mahal ko din siya.
"Manang, may tao pa hi ba sa bahay na iyon. nasaan po si Damon? Damon Montenegro ho?"
"ayy iha, hindi mo ba alam?"
alam ang alin?
"ang alin ho?"
"iha kaninang umaga lang namatay na si Damon."
ANO??? NAMATAY??? HINDI MAARI !
"bakit ho? hindi pwede. ano ho ang ikinamatay???"
"iha mula nung umalis yung kasama niyang babae dito dati si Camille ata yun, nagkasakit siya, Leukemia ata yun. tapos ayun kanina namatay na may iniwan pa ngang sulat eh!"
"ehhh nasaan ho yung sulat??"
"ito oh!"
***
Patawarin mo ko kung hindi mo na ako naabutan. Kakayanin ko naman eh kahit gaano katagal, pero yung katawan ko hindi na kaya. Im really Sorry. Mahal na mahal kita habang buhay hanggang kamatayan Camille Fuentes!
- Damon
***
--------------------------------------
*author's note*
kabaliwan lang po ito >:) epic e noh.