Ang Sama Mo -- Ang Harsh Mo continuation -- [heartpicker's oneshot]

191 4 2
                                    

“Wala nga sabi.” Sabi ko nang naglalakad paalis. Hinabol mo ako at saka tinawag. “Hoy, tanga! Hoy!” pagtawag mo. Ang sama mo kahit kelan. Nakakainis yung mga pagtawag mo sa akin pero lumingon pa rin ako.

“Ano?!” inis kong sagot sayo na halos mapasigaw na ako. Yung luha ko nag-uunahan sa paglabas sa mga mata ko, sa gilid ng mga mata, pati narin sa gitna, kung saan saan sila lumalabas. Yung ilong ko, namumula na, yung mga pisngi ko pulang-pula. Umiiyak na talaga ako sa harap mo.

Bakit nga ba ako umiiyak sa harap mo? Bakit mo ba ako pinapaiyak ng ganito?

Eh kasi nga….

Umamin ako sayo. Oo umamin na ako finally. Pero ano ang sinabi mo?! Pagkatapos kong sabihin na “Gelo. Nakakainis ka, hindi mo ba talaga alam? May gusto na ako sayo Loko! Hindi ko alam kung paano at kelan basta gusto kita.” Ay niyakap mo lang ako. Paghiwalay ko, ano ang ginawa mo?! Tumawa ka ng malakas!

“Ano sabi mo pangit? Gusto mo ako?” at tumawa ka ng malakas. Tinulak kita dahil sa galit. Naglakad ako ng padabog at nilagpasan kita.

“Huy. Pangit! Aalis ka? Para kang tanga!” at tawa mo ng malakas. Hindi kita hinarap pero napatigil ako. Ang sakit. Ang sakit ng bawat salita mo. Feeling ko ang pinaka-kawawa sa mundo. Nakakaiyak.

Tumigil ka sa pagtawa at nagsalita ulit ng medyo mahinhin. “Pwede mo bang sabihin ulit yun? Patricia?” mas kumulo ang dugo ko kaya naglakad ako pero mas mabilis. “Wala!” sigaw ko sayo. Nung marinig kong tumawa ka ulit, naiyak na ako.

“Huy, pangit! Ano nga sabi mo? Gusto mo ko?” paghabol mo sa akin. Mas binilisan ko ang paglakad ko pero lalake ka eh, mas mabilis ka maglakad.

“Wala nga sabi.”

“Huy! Tanga Hoy!” Lumingon ako at nawala ang ngiti sa pagmumukha mo nung makita mo ang umiiyak na ako. “Ano?! Ngayon mo lang akong nakitang umiiyak?! Peste, bingi ka ba HAH? Ang sabi ko gusto kita, tapos ano? Pinagtawanan mo ako Gelo! This is bullshit! Hindi mo ba cino-consider ang side ko?! Ang sama mo Gelo! Bullshit ka!” at umalis ako. Ramdam ko na hindi mo ako sinundan at hinabol. Tahimik ka lang na nakatayo hanggang sa umuwi na ako sa bahay. Nakapayong akong umuwi kasi umulan. Naisip kita, kung may paying ka, kasi hindi ka naman nagdadala, pero pilit kitang kinalimutan.

Pagkabukas, alanganin akong pumasok kasi seatmate kita at hindi ko ata kakayanin na makaharap kita. Pero pumasok pa rin ako, ano naman idadahilan ko kina Mama? Nabasted ako? Pakshet.

Dumating na lahat ng kaklase ko at ang teacher pero wala ka pa rin. Anong nangyari sayo? Are you feeling sorry towards me? Bullshit ka! Wag mo akong kaawaan!

“Frodo, si Gelo? Asan yun?” tanong ng bestfriend kong si Kaye sa kaklase namin. “Ewan. Kahapon naman okay yun, nagkasakit? Ata.” Napalingon ako kay Frodo.

“Diba umulan kahapon? Baka nagkasakit. Wala naman yung payong na dinadala.” Pagtutuloy niya. Nagsusulat siya ng mga nakasulat sa black board.

“Eh diba sinusundo yun?” ako naman ang nagtanong. Palagi namang sinusundo ang mayamang ikaw.

“Hindi na. Dati pa. Hindi mo ba alam?” umatras dila ko doon. Simula kasi nung iniiwasan kita, hindi ko na alam ang mga bali-balita sa kanya. “Diba kayo naman palagi ang naiiwan sa school? Ba’t di mo alam?” si Kaye naman ang nagtanong sa akin.

Tama, palagi nga tayong nahuhuli sa pag-uwi sa school. Kasi yung sundo mo, ang tagal na dumating at ako? Hindi naman ako sinusundo pero dahil sa ka-sama ng ugali mo, pinapasama mo ako na maghintay sa labas ng gate.

“Matagal na nga kayong hindi nagkakausap. Bakit ganun? May something ba na nangyari?” pagtanong ulit ni Kaye. Hindi ko maiwasang tumingin sa ibang direksyon.

Ang Sama Mo -- Ang Harsh Mo continuation -- [heartpicker's oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon