3rd Person's Point of View
"Pakawalan nyo 'ko!" sigaw ni Kenneth Jung na hinuli ng mga pulis, isang araw pagkatapos nyang magising sa hospital.
"Mr. Jung, tumahimik ka na kung ayaw mong mapapunta sa detention cell" sambit naman ng pulis na napadaan sa selda nya at ng mga kasama nyang nakakulong.
"Mr. Jung, huminahon muna kayo" pakalma naman ni Xyronn Kim sa kanya.
"Paano ako makakahinahon kung wala akong maala-ala at nakakulong ako dito?!" sigaw nya kaya napalunok naman si Xyronn at umupo na lang sa tabi.
"Meron na namang bagong inmate" wika ni Francis Kang na isa sa limang inmate na nasa loob ng selda nila at bumuntong hininga.
"Magsimula ulit tayo sa pagpapakilala, ikaw muna Harold" sambit ni Theo Lim.
"Harold Wang, 19 lang ako, nakasuhan ako dahil daw mabilis kong nadrive yung sports car ko, lolz, kaya nga sports car eh, tsk. Pero marerelease na din naman ako dito sa isang linggo" pagpapakilala ni Harold na galing din sa isang may kayang pamilya pero di sya pineyansahan ng mga magulang nya para madisiplina.
"Francis Kang, 34, actually, webtoon artist ako tapos nakasuhan ako ng plagiarism kasi may nakuha akong facts at nailagay ko yun sa webtoon ko ng walang permit, 3 years lang ang sevice ko dito makakalabas na din ako next month" pagpapakilala din ni Francis Kang.
"Ako naman si Theo Min, 30 years old, doctor ako noon, nung nag-opera ako kasama yung girlfriend kong doctor din, aksidente nyang napatay yung pasyente dahil yung tunay naman, di pa sya handa para mag-opera pero inako ko yung kasalanan at naggawa kami ng mga proofs na ako talaga ang suspect kaya ako nandito pero yung walangyang babaeng yun, wala na akong napala nung napunta ako dito. Senteced in life ako, tsk, sayang buhay. Ikaw Xyronn?" pahayag ni Theo.
"Xyronn Lim, 21, *sighs* hit and run daw sabi nung officer na nabangga ko pero bumaba naman ako ng sasakyan ko at nagsorry sa kanya kasi nagmamadali lang talaga ako papunta sa hospital nun dahil nandun yung kapatid ko, patay na siguro yun sa ngayon, may leukemia kasi sya kaya napaghandaan ko na din naman, nanggaling ako sa mayamang pamilya pero hindi ko gusto yung mga underground business nila kaya tumakas ako dala yung pera ko, malaking pera yun pero hindi ko alam na sumunod sakin yung kapatid kong babae kaya wala akong nagawa kundi isama sya pero yun nga nagkasakit sya at ang pera ko, uhh, sa ngayon 100 000 na lang kasi nagastos namin lahat sa mga kailangan nya sa hospital. Balita ko sa mga pulis, nakuha na sya ng mga magulang namin kaya sigurado akong patay na sya, hindi na rin naman daw sya magtatagal sabi ng mga doktor nun eh. Bukas na yung 3rd trial ko pero wala naman akong abugado kasi wala naman akong kilalang tao sa labas" mahabang kwento ni Xyronn.
"Kawawang bata..........." sambit ni Francis.
"Sya po ba?" tanong ni Xyronn habang itinuturo si Kenneth dahil kakadating lang naman nito sa selda.
"Kenneth Jung daw yung pangalan nya, walang maalala kahit ano, sabi ng mga pulis, pinatay daw yata yung ama nya? Hindi ako masyadong sigurado, narinig ko lang yun" sagot ni Theo kaya tumango na lang si Xyronn.
"Wala akong kasalanan" mahinahon ngunit malamig na sabi ni Kenneth.
Nagbukas and pinto ng cell 104 kaya napatingin silang lahat sa pinto.
"Inmate 824, may bisita ka" sabi ng pulis na nagbukas ng selda nila at isinama si Kenneth palabas.
"Simula nung isang araw, wala pang nadalaw sa kanya" Theo.
BINABASA MO ANG
Detective Files: Innocent Murderer
Mystery / ThrillerPaano kung isang araw nagising ka na lang sa hospital at wala ka ng maalala kundi ang pangalan mo? Tapos bigla ka na lang makakareceive ng warrant sa salang murder? Date Started: July 12, 2017