Sweetheart"
Grade 6 ako nun nang nagtransfer ako sainyo. Ikaw agad ang napansin ko kasi nakasabay kita sa pagpasok ng pinto. Tiningnan kita, cute ka, yung buhok mo na parang bao pero bagay sayo, maputi ka at matangkad, hindi ka payat at di ka rin mataba. Bata pa ko nun kaya naging crush agad kita.
Second day ng school nagnominate na kung sino ang muse at escort. Di ko naman expected na ako yung mapipiling muse nun, hiyang hiya pa ko kasi wala talaga akong kakilala nun pero biglang gumaan loob ko nung nalaman kong ikaw ang escort. Di ko alam kung paano kiligin basta nung tumayo ka sa tabi ko at nagpakilala, bigla akong kinabahan. Nautal ako sa pagsasalita at nakatungo lang tapos nung tumingin ako sayo, naalaa ko nun nakatingin ka rin sakin at nginitian lang ako. I know na namula ko nun ng sobra.
Dumaan ang ilang araw, linggo at buwan ng di kita nakakausap. Hindi ka madaldal pero di ka rin tahimik, ikaw yung tipo ng bata non na simple lang pero malakas yung dating. Naalala ko nga rin non na maraming nagkakagusto sayo, yung tipong dadaanan kapa sa room tapos tatawagin ka nila.
Hanggang sa isang araw, naging kagrupo kita sa filipino. Pinapagawa tayo ng story na iaacting natin. Ikaw ang bidang lalaki at ako naman ang bidang babae. Ang kwento natin noon ay parang romeo at juliet. At dun na kita nakausap. Masarap kang kausap non at halos napapatay mo kami kakatawa sa mga jokes mo. Minsan, tuwing aabutan mo ko ng tubig o kaya panyo di ko mapigilang ngumiti. Kinikilig ako palagi sa tuwing pinapraktis natin yung hahawakan mo yung kamay ko, tapos tititigan mo ko sa mata na halos di na ko makahinga. Hindi tayo naguusap nun palagi sa praktis, nginigitian mo lang ako minsan pag aabutan ng tubig o panyo nakatungo kalang tapos aalis bigla hanggang isang araw nadapa ako nung pauwi na tayo. Alam ko tatawa ka ng malakas pero hindi, tinulungan mo kong makatayo at hinipan mo yung sugat ko, kinuha mo yung panyo mo at binalot sa tuhod ko. Sobrang pulang pula na ko nun dahil inalalayan mo ko hanggang sa makasakay ako sa tricycle. Gusto kitang tingnan non habang papalayo na ko pero dun ko na nilabas yung kilig ko.
Natapos ang project nun pero di ka parin nagbabago. Ngingitian mo ko tuwing papasok ka ng classroom, lagi ka rin nagaabot ng candy non di ko alam kung bakit ako naman tong kilig na kilig. Hanggang sa inaaasar ka na nila na may gusto ka daw saken kasi nakita nila yung pangalan ko sa notebook mo. Pero sabi mo, wag akong maniwala sa mga yun. Ang ouch naman.
Minsan tuwing recess, tinutulak ka ng mga kaibigan mo papunta sa harap ng table ko tapos magaabot ka ng cupcake. Ngingiti lang ako sayo at magpapasalamat pero gusto ko ng sumigaw nun sa kilig. At dumaan ng dumaan ang mga araw na lagi kong nahuhuli na nakatingin ka sakin at lagi kang may cupcake na dala para sakin.
Gumanda ang mga grades ko nun, motivated eh. Top 4 ako, ikaw naman top 7. Di na masama diba? Hanggang sa lumipas na ang mga araw, di na natin namamalayan na gagraduate na pala tayo.
Practice na nang graduation, bumalik ako sa room non dahil nakalimutan ko yung panyo ko. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng room at dumating ka, nagulat ka rin yata na nandun ako.
You: "ay, hi?"
Me: may nakalimutan ka?
You: ah oo, yung tubig ko.
Me: sige una na ko
You: wait lopez (not my real surname)
Me: *napatingin naman ako sakanya*
you: *may biglang inabot* para sayo nga pala, ah hmmm gawa ko yan sana magustuhan mo sige una na koAt bigla kang tumakbo. Nagabot ka ng heart na bond paper tapos may drawing na mukha ko. Wala ka talagang katulad, napapakilig mo talaga ko.
Di na ko makapagthankyou sayo non kasi di na kita nakausap gaano. Pero still, inaabutan mo ko patago ng cupcake. Bigla ka nalang dadaan sa harap ko tapos maglalapag ng cupcake sabay alis na parang walang nangyari. Buti nalang at nagplano tayo magswimming buong section pero syempre konti lang papayagan. Mg a 15 lang tayong nakasama non, pinagmamadan nalang kita mula sa malayo. Sinusulit ko na yung mga panahong makikita pa kita at sa tuwing mahuhuli mo kong nakatingin sayo, ngingitian mo ko ng pamatay na ngiti mo at kakaway sakin. Dun ko na narealize na ikaw yung first love ko, alam kong bata pa ko that time pero iba talaga yung kilig kapag puppy love.
Pauwi na tayo nun, sa tapat ng school tayo naghiwalay-hiwalay pero nagulat ako nung binulugan ako ng kaklase natin sabi niya tawag mo raw ako. Nandun ka sa may gate non, at nilapitan kita.
(Parang ganto convo namin)
Me: tawag mo daw ako sabi ni jerry
Ikaw: ah, kaseeee ano eh, masaya naman ba yung swimming?
Me: oo naman, nagenjoy ako sobraNagkakahiyaan pa tayo nun. Pareho tayong di makatingin sa isat isa nang biglang...
You: crush kasi kita
Bigla akong napatingin sayo. Halos ang bilis ng kaba ng dibdib ko, gusto ko rin sanang sabihin na crush din kita pero may bigla kang inabot at tumakbo na paalis.
Nagabot ka ng letter
"Trace, crush kita matagal na. Hindi ko alam paano sasabihin pero sana wag mo ako kalimutan. Mamimiss po kita. Ikaw ang first love ko"Yun yung laman ng letter. Di ko alam yun na pala yung huling pagkikita natin. Lumipat pala kayo sa manila, at ako naman dito parin sa rizal. Fresh na fresh pa sa utak ko lahat ng pangyayaring yon, hindi ko alam kung bakit. "First love never dies" ika nga nila. Feeling ko yun yung naramdaman ko sayo. Dumaan ang highschool at college, pero di na kita nakita pa ulit.
Nagulat nalang ako ng merong gc sa messenger ko. Gumawa pala sila ng gc sating magkakaklase noong grade 6 kasi gusto nilang magreunion.
Excited na excited ako non sa reunion na yun dahil finally makikita na din kita. Napakatagal kong hinintay ang araw na to. Sa wakas, masasabi ko rin sayo na hanggang ngayon crush parin kita.
Nagchat ako sa gc nun nang "hi" at bigla kang nagreply "hi, kamusta kana?" Expected ko na wala na kong mararamdaman pero shems, kinikilig parin ako sayo.
Natuloy ang reunion natin at late ka dumating. Gusto kong ngumanga nung nakita kita. Ang gwapo mo na lalo, pumuti ka at tumangkad, yung buhok mo lang nagbago pero gwapo ka parin.
Di ko expected na sakin ka tatabi, nginitian mo ko. At yan na naman yung pamatay mong ngiti. Hindi naging boring ang reunion dahil sayo, nagkwentuhan tayo kahit di tayo makatingin sa isat isa ng diresto. Hanggang sa tinanong mo
"Yung letter? Buhay paba?"
"Hmm, yep. Nakatabi pa rin yun sakin"
Sinabi mo na gumanda din ako ngayon. Nagulat pa nga ko kasi may dala kapang cupcake non at binigay mo sakin.
So ayun, after ilang months naging kami. 3 years na kami ngayon guys, tinamad na ko magkwento sa bandang huli sorry na hahaha. Yung kilig ko hanggang ngayon nandito parin, napakathankful naman ako dahil nakita ko ulit siya.
Ps. Hi sweetheart, kung mababasa mo to gusto ko lang sabihin sayo na ikaw na ang magiging first and last ko. Magiging tatlo na tayo, 3 months na si baby ko hihi, i love too ghe bye
Authors note 📝📝📝
KADA CHAPTER BAGO UNG STORIE HA !!!" ABangalAN NIO NLNG UNG IBANG STORIE... PAKI VOTE PO BAWAT CHAPTER PARA GANAHAN AKONG MAG WRITE NG STORIE OK THANK YOU MGA BES