General POV
Natuod naman si Vice sa kanyang narinig mula kay Karylle. Tila inabsord pa niya ang mga sinabi nito.
Simula kase ng unang nilang pagkikita ay hindi pa niya ito nakumbinsi na pagusapan ang tungkol dun.
"Talaga? Payag ka ng maging friends ulit tayo?" Nakangiting tanong ni Vice na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Karylle na halos maghiwalay na ang katawan ng dalaga. Charot.
"Yes. Basta valid yang reason na sasabihin mo."
Nakangiting kumalas sa yakap si Karylle at naglakad papalabas ng office ni Vice.
"Uyy! San ka pupunta? Akala ko ba mag-uusap tayo?" Takang tanong Vice habang sinusundan ang palabas ng si Karylle.
"Oo nga! Pero hindi naman tayo dito mag-uusap eh..." Sagot naman ni Karylle na lalong nagpagulo kay Vice.
"Ha? Saan naman, Kulot?" Pangungulit parin ng nakabuntot na si Vice.
"Basta! Sumunod ka nalang baka gabihin pa tayo." Masiglang sagot ni Kulot...este ni Karylle pala sabay kindat kay Vice.
Sumunod naman ang huli dahil maglulunch time na rin naman at sa kagustuhan din niyang makausap si Karylle.
---------------
Vice POV
San naman kaya kami pupunta ni Kulot. Akala ko sa isang restaurant kami mag-uusap dahil maglulunch na rin. Pero sobrang layo na'to sa building namin.
"Ahmm... Karylle?" Tanong ko sa kanya.
"Yes?" Nakangiti niyang sagot sakin.
"San tayo pupunta? Kanina pa kase tayo naglalakad eh.. Tsaka gutom na'ko."
"Malapit na! Tsaka ang OA mo naman. Limang minuto palang tayong naglalakad eh. Takot agad maarawan? Hmm... Lalaki kaba talaga?" Nakasmirk na tanong ni Karylle sakin.
Aba! Anong klaseng relo ba ang meron toh? Eh halos trenta minuto na kaming naglalakad at tirik na tirik pa ang araw ha! Baliw na kulot to.
"San ba mabibili yang relo mo? At late ang oras ? Trenta minuto na po tayong naglalakad. Tsaka wag mo ngang makwestyon ang pagiging lalaki ko... Halikan kita jan eh.." Pangbibiro ko.
Pero mukhang hindi siya natawa sa sinabi ko at sa halip ay tinignan ako ng matalim. Nagpeace naman ako at sumunod nalang sa kanya habang pinupunasan ang pawis ko na tumutulo na.
Nakarating naman kami sa isang parke kung saan maraming mga batang naglalaro, magpamilyang nagpipinic at mga stall ng pagkain. Hinila naman ako bigla ni Karylle sa isang hopia store.
"Hopia nga po bali bente at buko juice dalawa po." Sabi ni Karylle at nanghiningi ng pera... sakin. (Kuripot na naman.)
"Ano?" Patay malisya kong tanong.
"Pahiram muna ng pera.. Naiwan kase yung wallet ko sa office." Nahihiya niyang sagot.
"Bibili-bili ka wala ka naman palang pera." Nang-aasar kong tugon.
Napayuko naman siya at nagpout. Ang cute!"Bayad kuya... Salamat po!" Sabi ko sa tindero ng hopia at binitbit na ang pagkain sabay hila kay Karylle.
Naupo naman kami sa isang bench na hindi mainit.
"Wag kang mag-alala.. Babayaran ko din yan mamaya." Sabi niya sabay subo ng hopia at inom ng buko juice.
"Uyy! Joke lang yung kanina! Eto naman masyadong seryoso.. Hahaha!" Natatawa kong sabi sabay kain rin ng hopia na cheese flavor.
Natawa naman siya sa sinabi ko pero bigla ring sumeryoso ang kanyang mukha."So, let's talk na about what happened to you... At bakit ka umalis ng walang paalam." Seryoso niyang sabi.
Huminga naman ako ng malalim at kinwento lahat sa kanya ang nangyari mula sa pagpunta namin sa Amerika hanggang sa pag-aasawa ko.
"Matagal na pala kayo ni Anne.." Bigla niyang taong habang nakatingin sa mga batang naglalaro ng patintero sabay mumog ng buko juice.
"Ahhmm... Oo. 5 years na kaming kasal."
Tumango naman siya at binaling ang tingin sa mga batang naglalaro.
"Ehh.. Bakit wala pa kayong baby? Baog kaba?" Prangka niyang tanong sakin.
"What?!!! Seriously Karylle? Yan agad ang naisip mong dahilan dahil wala pa kaming baby?" Sarkastiko kong sagot. Nakasinghot ba'to?
"Ano namang dahilan aber?" Tila nang-aasar naman ang mga tingin niya.
"Nothing. Siguro hindi pa time para magkaroon kami ng baby." Plain kong sagot at nakatingin lang sa dalawang batang kulot at bakla na nakaupo sa swing.
"Ahh.. Kala ko bago ka eh! Hahaha!" Patuloy niyang pang aasar. Natawa nalang ako sa kakulitan ng kulot na'to. Hindi parin siya nagbabago.
"Ikaw? Do you have a boyfriend... Or asawa?" Pagiiba ko ng topic at tumingin sa kanya ng seryoso. Curious kase ako eh!
Lumingon naman siya sakin at ngumiti bago sumagot.
"Wala... NBSB at wala ding asawa." Tipid niya sagot sakin.
"Huh? Bakit naman? Sa ganda mong yan, wala kang boyfriend?" Taka kong sabi.
Sa ganda niyang yan, wala siyang boyfriend? Impossible! Baka naman may nanliligaw.
Pero bakit parang sumuya ako na wala pa siyang boyfriend o asawa? Hays! Stop it Vice! May asawa kana.
"Wala pa sa isip ko yan... Pamilya ko muna ang priority ko ngayon. Tsaka dadating din yung right person for me." Nakangiti parin niyang sagot.
Ang aliwalas ng mukha niya. Lagi lang siyang nakangiti. Parang walang problemang dinadala. Lalo tuloy siyang gumaganda sa paningin ko. Inside out. Saglit naman akong napatulala sa kanya.
"Ako ang right person para sa'yo." Wala sa sarili kong sambit.
"Ha?" Takang nakatingin si Karylle sakin at kunot ang noo.
"Ay! Bwisit! Bat ko sinabi yun ? Tanga mo Vice!''Usal ko sa sarili ko
"Ahh... Hehehe.. W-wala! Ang sabi ko tama k! D-dadating din yung taong para sayo. Pero sana naman bilisan niya, tumatanda kan oh? Haha." Pambibiro ko nalang sa kanya para bawas ilang. Nakatanggap naman ako ng hampas galing sa kanya.
Pero bakit ko nga ba nasabi 'yon? Shit! Buti nalang slow tong si Karylle.
Napahaba naman ang kwentuhan namin dahil alas singko na ng hapon ng mapagpasyahan naming bumalik sa office dahil gumagabi na rin.
"Karylle..." Tawag ko sa kanya at niyakap sa bigla. Pansin kong nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan ko nalang at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya.
"I just wanna say thank you Kay. Kase binigyan mo'ko ng chance para magliwanag at sa pagpapatawad sakin. I know hindi madaling patawarin ako pero ginawa mo parin. Sobrang happy ko lang kase friend na ulit tayo." Maluha-luha kong litanya at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"Iyakin ka pala? Hahaha! Tsaka hindi tayo friends noh!" Pang-aasar niya habang ako lumuluha na naman dahil sa huling sinabi niya.
"What? I though-"
"Magbestfriend kasi tayo! Bebs. "
Nakangiti niyang sagot."Bebs?"
-------------------
to be continued...
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Secretary
FanfictionEveryone knows na Loyal ako sa Asawa ko. But, what if? Mainlove ako... Sa secretary ko? Na sobrang malapit pala sa puso ko noon. Kaya ko bang pigilan ang puso ko na magmahal ng iba ? Even if I am a married man? -------- Please Vote and do comment...