Chapter 02: The Girl Middle Finger in the Air

10.9K 187 8
                                    

 

Chapter 2: The girl-middle finger in the air

**Lance POV

    Pinuntahan ako ni Jaron. May hinihintay din ata yan e. Di ko lang alam kung sino. Basta ako hinihintay ko yung nang-hamon ng away sakin. Sabi dito daw sa park. Ang bading lang. =___= Para kaming magmi-meet. Tss. "Wala pa pre. Naduwag ata yung loko.."  

    Tumawa lang siya tapos tumingin sa wrist watch niya. "Pano pre? Una na ako. Walang chance na sisiputin ako nung hinihintay ko e. " 

   Tinanguan ko nalang siya. Ako naka-upo parin. Tae yun ah? Bakit hindi na nagpakita? Mang-hahamon tapos maduduwag? Tsk! Maka-alis na nga! 

    Tumayo na ako at nag-lakad na paalis pero may humawak sa braso ko. Napangisi ako. Ipinorma ko na ang kamao ko para sumuntok. Kasabay ng pagharap ko sa kanya ay ang pwersa ng kamao ko pero nagulat ako ng mahawakan niya ito at ng mapatingin ako sa kanya... Isang babae?????

"Walanghiya ka? Pinapunta mo ako dito para suntukin? Gago ka pala e!"

   Hinigpitan niya yung hawak niya sa kamao ko. The next thing I know. Nakahandusay na ako sa lupa. "Teka?" pinunasan ko yung dugo sa labi ko. "Kilala ba kita?? Tsaka bat ang lakas mong sumuntok? Lalake ka no?" sabi ko habang tumatayo ako. 

    Siya naman nanlilisik yung mga mata sakin. Nanlalaki pa yung butas ng ilong nya. At nanginginig pa buong katawan. "Hoy lalake!  Lakas ng loob mong mag-text sa akin na malalagot ako pag di ako pumunta dito sa park tapos ngayon tatanungin mo ako kung kilala kita? E kung binibigyan kaya kita ng super hit combo ko? Ha!" 

   Seriously? Wala akong alam sa sinasabi ng bungangerang to. Ngayon ko nga lang siya nakita tapos sinuntok ako agad? First time ko to ah? First time kong masapak ng isang babae! At hindi ako papayag ng ganun ganun nalang yun! 

   Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya. "I don't even know you. So stop nagging at me! At isa pa! Bigla ka nalang nanununtok ng hindi mo kakilala? Isn't that rude? Ganda mo sana. Ugaling kanto ka naman. Tss." 

    "E bakit ikaw? Naka-amba ka ng suntok sakin porket hinawakan ko lang yung braso mo? Isn't that rude? Mas ok lang kung isang babae na nanutok ng lalake ,pero yung manununtok ka ng babae? Aba! Pwede kitang ipakulong!" sininghalan pa ako? Ako na nga tong nasuntok? Buti nga hindi ko natuloy yung pagsuntok sa kanya kanina..=____= 

   Binitawan ko siya at lumapit ako sa mukha niya. Tinitigan ko siya ng mata sa mata. At nakipagtitigan naman siya. "Miss? Hindi ko naman alam na hindi pala ikaw yung hinihintay ko kaya naka-amba agad ako ng suntok. Pero kung alam ko naman na hindi ikaw yun,hindi ko naman aambahan ng suntok yang magandang mukha mo. Sayang naman. Baka maging girlfriend ko pa. Diba?" sabay kinindatan ko siya. I wonder how will my charms work on her? But seems she just ignored it. This girl is really something.

   Tatadyakan sana niya ako pero nahawakan ko yung paa niya. "Bitawan mo yung paa ko!" sigaw niya. Ayun binitawan ko pero natumba siya. "Pffft~~ HAHAHAHAHAHAHAHA!"

    Nakakatawa yung itsura niya. Para siyang bata na ewan. She glared at me kaya napatigil ako. "Ang sama mo! Ang sama sama mo! Pinag-mukha mo akong tanga! Sabi mo pumunta ako dito tapos ngayon sasabihin mong hindi mo ako kilala? Ang sama mo! Waaaah! " ,nagsisigaw siya na parang bata na inagawan ng candy. Anong problema nito? E hindi ko nga siya kilala? Ang dami na tuloy nakatingin sa amin.

"Tumigil ka nga dyan! Ang dami ng nakatingin satin oh!" saway ko sa kanya pero siya..tumingin siya sa paligid tapos kinagat niya yung index finger niya. Then tumingin siya sakin ng nakakaloko. Ano naman kayang iniisip n---------

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon