Chapter 2

120 6 2
                                    

Jigger Pov

"lalalala"..naglalakad ako at lumiban ako sa gitna ng daan papunta room ng biglang may narinig akong tunog ng motor..

papalapit...

palapit na ng palapit...

tumingin ako...

pakshete!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

babanggain ako at hindi ako makatakbo!!!!!!!!!!!!!!!!!!

hindi ko maigalaw ang paa ko...oh damnnnnnnnnnnn!!!!!!!!!!!!!!!!

nagtakip ako ng tenga at. nagsigawan yung mga nakakakita sa nalalapit kong kamatayan..

pero...nakahinga ng maluwag..

lumampas na yung motor... kinabahan ako dun.. tinignan ko yung mga nakakakita..

kinabahan din sila..at ngumiti ako sa kanila..

tinignan ko yung may drive ng motor na kabababa lang..

ang ganda nya talaga ^^

hahah.hindi ko na naisip na mamamatay ako kani kanina lang..

dahil nung nakita ko siya.....

nabura na..wala na ^^ galing na..

tumingin sya sa akin..sama ng tingin..yung parang ang sinasabi ay pinagbigyan lang kita ngayon...wahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!! kainamang babae yun...

pero...bakit ba..gusto kong magpabangga sa kanya...

ano ba tong naiisip ko!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 

papatayin ka nung babaeng yun pero crush mo pa din!!!!!!!!!!!! pakshet ka Jigger..

anong ginawa sayo ng babaeng yun??? hayyy...umalis na ako at diretcho sa room...at nakita ko siya...

nakahalumbaba lang at nakatingin sa katabi nyang bintana...nakaheadset...

naupo ako sa silya ko at nakahalumbabang tumingin sa kanya... bakit kasi ng cute cute mo ^^

"Jigs!!!!!!! tinamaan ka na ba talaga sa babaeng yun?" tanong ni Adrian at tumango ako.

"what the!!!!!!!!!! tol!! burahin mo na agad yang nararamdaman mo sa kanya..ni hindi nga ata nya alam na nag eexist ka.. na nag eexist tayo" sabi naman ni Brix. at tumingin ako sa kanilang dalawa..

"mga tol.. alam nyang nag eexist ko. papatayin nya nga sana ako kanina, kaso di natuloy..pero muntik na..pero hindi natuloy.." tumawa ako.."kasi, may nararamdaman na din sya sa akin kaya di nya tinuloy"

tumalikod yung dalawa kong kaibigan at ako naman..humarap ulit sa kanya at nakatingin sya sa akin.. ngumiti ako pero siya..wala lang...

at may binato siya sa akin..

ang sakit..tumama sa braso ko..tinignan ko.. 

papel yun, nakabalot sa bato..pak!! kaya pala masakit..at may sulat yung papel..

"IF YOU KEEP ON LOOKING AT ME, I WILL KILL YOU"

tumingin ako sa kanya..

kaya nya bang pumatay?? hindi yan.. joke lang nya yun...

pagharap nya, umiwas ako ng tingin...

natakot ako biglang mamatay...pero hindi nya nga magagawa yun...

nararamdaman ko...

then breaktime at nakatambay kaming magkakaibigan sa tambayan namin sa school.. bali 7 kami ngayon.. yung dalawa kaklase ko at yung 4, hindi..

kumakain kami at maya maya nagtanong si Lea. "balita ko may crush ka Jigs. sino?"

at naisip ko na naman siya. 

tumingin ako sa kanila.. nakatingin sa akin si lea at nagtanong ulit ng sino. at bigla akong napatayo..nakita ko siyang kumakain dun sa bench. mag isa sya.. burger kinakain nya tapos may coke zero sa gilid..

"ayun" tinuro ko siya at biglang syang tumingin. "ayunnnnnnn" iniba ko yung turo ko pataas..paktay na!!

bumulong si Janin. "si Sapphire? talaga? paano? bakit siya?"

"hinay hinay lang sa katanungan Janin. di ko din alam nga eh. pero tuwing makikita ko siya, buo na araw ko. kahit ang sungit nya, tingin pa lang nya, tunaw na ako"

tumingin sila sa akin ng seryoso at nagtawanan.

"hahah!! ang korni!!"sabi ni Lucas at nag appearan sila ni Adrian..

"hindi ko akalaing ganyan ka pala mainlove Jigs." si Drew naman ang nagsabi at ngumiti ako. 

tinignan naman ako ng seryoso ni Lea. "pero hindi ka nya mapapansin. ayaw nyang pumansin ng tao diba? wala nga syang friends"

napabuntong hininga ako.. at nag isip... at tumayo..

"PLAN A,  MAGING FRIEND NI MISS BROKEN"

nagkatinginan ulit sila at nagtawanan.."PLAN B, PAKAMATAY KA NA" sigaw ni Brix. 

nagtawanan na naman sila..nakitawa na din ako...

pero yung plan a..gagawin ko yun...

lalalala...

Sapphire Pov

"uma..." tawag ko kay uma pagkauwi ko ng bahay at lumapit sya..

nagluto ako ng hapunan ko at kumain kami ni Uma at naalala ko yung weirdong baliw na lalaking yun..tingin ng tingin...

kanina, tinakot ko siya para lubayan nya na ko ng tuluyan pero tingin pa din siya ng tingin..ngumiti pa..

humanda sa akin yung taong yun!!!!!

"meow"

tumingin ko kay Uma at ngumiti... siya na lang nakakakita sa ngiti ko..

"oo Uma, babalian natin ng buto yung taong yun kapag hindi pa siya tumigil sa pagtingin sa akin."

tumalon siya paakyat sa lap ko at nahiga...

Jigger Pov

paano ba ako mapapansin ng taong ayaw pumansin? 

tinignan ko yung papel na binato nya sa akin at nagpasa yung tinamaan..grabe..nag isip ako..

at napatayo...

tama.. napapansin na nya ako..

binato nya nga ako para hindi ko siya tignan..ibig sabihin..napapansin nya ako..pero

F*ck Jigger...

handa ka bang mabato ng mabato para mapansin nya???

Lord, this is love.. please.. maliliit ng bato na lang ang ibigay mo sa kanya ^^

Miss Broken meets Mister KulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon