Author:Chai Jidan
English Translator: Senzaemon of JustBLThings."Xiao Hai, naghanda sila ng salu-salo para bukas, anong oras tayo pupunta?"
"May sinabi ba akong pupunta ako?"
Halos mawala yun ngiti sa labi ni Sun Jing Wei at napabuntong hininga na lamang sya. Hirap syang intindihin ang kapilyohan ng batang ito. Sobrang tigas ng ulo at handang gawin ang lahat para sa gusto nya.
"Utos sa 'yo to ng Chief mo. Bawal kang tumanggi."
Napatayo si Gu Hai. Mapapansin sa pagtayo nya na galing sya sa pamilya ng mga militar. Naglakad sya ng pabalik-balik sa kwarto na parang nagpapakita ng katipunuan.
"Kung gusto talaga nyo ako pumunta, kailangan hilahin ako ng Chief ko ng mag-isa"
Malambot yung boses na ginamit nya pero napapikit nalang si Sun Jing Wei dahil dito.
"Ano pa bang problema? Matagal ng wala ang mama mo.. at 40 na ang edad ng papa mo. Bakit di mo nalang sya hayaan sa gusto nyo?"
Tinamaan ni Sun Jing Wei yun kahinaan ni Gu Hai.
"Hindi ko sya mapapatawad sa nangyari sa Mama ko."
Naglakad ng mabilis si Sun Jing Wei papalapit kay Gu Hai.
"Xiao Hai.. hinaan mo ang boses mo.. pag narinig ka ng Chief siguradong babalatan ka nya ng buhay. Alam natin pareho na aksidente ang ngyari sa mama mo. Kahit yun forensic team yun ang sinabi.. bakit galit ka pa din sa papa mo?"
"Bahala ka na nga. Oo na."
Sumaludo si Sun Jing Wei kay GuHai.
"Susunduin nalang kita bukas."
Buong maghapon ng fencing si GuHai. Pagkaalis nya ng maskara nya, may naramdaman syang dalawang magaspang na kamay na tumakip sa mata nya.
"Wag kang gagalaw!"
Binaba ni Jin Lu Lu yung kamay nya at tinitigan si Gu Hai.
Hinawakan ni GuHai yun pisnge ni JinLuLu at kinurot ito ng bahagya hanggang matawa sya sa kiliti.
Si JinLuLu ang girlfriend ngayon ni GuHai. 172cm and tangkad at pwedeng tawagin na airport ay mali... mas maganda kung tatawagin natin syang babaeng dalawa ang likod.
Kung iniisip mo na maganda sya, pwes sinasabi ko na sayo na yan ang pinakamalaking pagkakamali mo sa buong buhay mo.
Kayumangi ang balat nya, gaya ng dibdib nya, flat din ang ilong nya at mga labi. Kung sa malayuan hindi mo sya mapagkakamalan na babae. Sya yun tipong mayaman na mukhang matrona.
"Bakit nasobrahan ata sa tan yang balat mo?"
Nakangiti si GuHai habang nagtatanong. Kitang kita ito dahil sa liwanag na nangagaling sa bintana.
"Maraming swimming noong bakasyon namin.."
Sumunod si JinLuLu kay GuHai sa pahingahan. Kumuha sya ng tissue para punasan ang pawis nito.
Tuwing bibisitahin nya si Gu Hai, amoy pawis at sigarilyo ito. Kung nakapikit sya iisipin nyang matandang lalake na si Gu Hai, pero kapag nakadilat sya binatang lalake na maagang nag mature ang tingin nya dito.
"Anong tinitingin tingin mo jan ganda?"
Inakap nya si JinLuLu at huminga ng malalim.
"Ikakasal na bukas ang daddy ko.."
"Ang bilis naman ata?"
Napatitig si JinLuLu kay GuHai.
"Ikaw, pupunta ka ba?"
"Sa tingin mo dapat ba akong pumunta?"
"Oo naman.. dapat ipakita mo na welcome sya sa pamilya nyo.."
Nainis si GuHai sa narinig nya.
"Di ko alam kung gusto ko sila makita mag kasama. Magkakilala na sila kahit noong buhay pa ang mama ko. Sa status ng daddy ko, dapat hindi na sya mag asawa ulit. Naiintindihan mo ba ako?"
"Sa tingin ko pinapahirapan mo lang ang lahat.."
Uminom nalang si GuHai ng tubig. Gumagalaw yung adams apple nya habang lumalagok. Pinisil to ni JinLuLu kaya muntukin syang mabulunan.
"Kung magpadala kaya ako ng mga reporter sa kasal nila bukas? Sa tingin mo sasama yun tingin sa kanila ng tao?"
Natulala si JinLuLu.
"Guguluhin mo yung kasal nila?"
"Gusto ko talagang gumanti sa papa ko."
"Sa tingin ko hindi magandang ideya yan. Kahit makakuha sila ng scoop.. magdadalawang isip pa din yun mga TV network na ilagay yan sa balita."
"Mali ka.. di ko naman talaga gustong ma broadcast sa TV eh.. gusto ko lang maubos yung oras nila sa pagpapaalis ng mga media para di matuloy ang kasal."
"Ohhh! Gets ko na. So hindi talaga yun report ang mahalaga. Yung pagdadaanan ng couple at ng mga wedding organizer ang gusto mong puntiryahin. "
"Oo.. ang talino mo.."
Halos kumislap yung mata ni GuHai dahil sa kabastusang naiisip nya para bukas.
[A/N] ~ kapit lang muna. Seryoso pa ang pacing ng kwento. Hahaha. Mamatay din kayo sa kilig kapag nag umpisa ang landian. Hihihi.
*Xiao- ibig sabihin Maliit or Bata.
Pa like yung fb page ko:
The QueenMother HateuThe Queen Mother Hateu.
BINABASA MO ANG
Adik Sa 'Yo (Addicted Heroin) [BoyXBoy]
Romance你丫上瘾了 by Chai Ji Dan Addicted: Book One - The Inquietude of Youth Synopsis: Some people are like drugs, with just one taste, you will be forever addicted. Original English Translators:Sae, Sienna, Nancy, Estreline & Grantye Tagalog Translator: TheQu...