CHAPTER 4

14K 300 11
                                    


~ ~ ~*Nikki's Pov*~ ~ ~

Sampung taon na ang nakalipas pero heto na saakin parin ang binigay sakin ni Sky noon na maliit na stuffed toy. At ngayon ay hawak hawak ko ito. Ewan ko ba kung bakit pero parang hindi ko kayang itapon ito sa basurahan.


"Hoy!!!!" napahawak ako bigla sa aking dibdib nung may humawak sa balikat ko. Nung nakita ko kung sino ang may gawa nito ay agad kong tinago ang stuffed toy na hawak ko sa aking likuran bago ko siya kinurot sa tenga


"Ar araaaayyy!!! Arraayy Nikki ang tenga ko. Masakit!!!" pagreklamo niya pero mas linakasan ko pa ang pag kurot ko sakanya "ARRRAAAYYY!!"



"Bagay yan sayo. Alam mo bang kanina pa kita hinihintay dito?" may usapan kasi kami na mag kikita kami dito ng 10 am. Pero anong oras na siyang dumating 12noon?


Nakangiting nag peace sign siya "Na traffic kasi ako eh. Wag ka ng magalit" tska siya umupo sa aking tabi


"Pssh! Ano pa ba ang magagawa ko? Ano na pala yung sasabihin mo sakin?" mataray na tanong ko sakanya


"Pwede bang mamaya na muna ang mga tanong mo? Kita mong kararating lang ng tao eh"


'Aba at may lakas loob ka pang sabihan ako ng ganyan ha. Sino ba ang nalate dito? Ako ba?"


"Chill lang. Ang init naman ng ulo mo nakikisabay sa init ng araw.Alam ko na kung pano palalamigin yang ulo mo. Tara" tumayo siya tsaka niya hinawakan ang kamay ko patayo


"Teka nga Warren yung bag ko naiwan" pano ba naman kasi hila lang siya ng hila sakin akala niya siguro isang laruan lang tong hinihila niya


"Ba't hindi mo dinala kanina?" tanong pa nitong mokong to. Palabas na kasi kami ng coffee shop


"Ikaw tong bigla biglang hinihila ako eh. Hello babae kaya ako na hindi ko kayang bawiin kaagad ang kamay ko na hawak hawak mo" at nung binitawan niya na ang kamay ko ay bigla akong napa cross arms


"sorry po!" sabi niya bago bumalik sa lugar namin at siya na mismo ang kumuha ng bag ko "Tara" nung naka balik na siya


"Warren pano pala yung sasakyan ko?" sa kotse niya kasi kami dumerecho at kasalukuyan ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto



"Ipark mo na lang muna jan. Hindi naman yan mawawala eh. At kakilala ko naman ang may ari ng coffee shop na to. Sasabihan ko na lang siya na iiwan natin muna ang kotse mo jan" napatango na lang ako sakanya bago pumasok


20 mins ang nakalipas bago kami makarating ng mall at pag pasok pa lang namin ni Warren sa mall ay derecho ka agad kami sa isang shop. Isa rin palang shoppaholic si Warren kaya magkasundong magkasundo kami sa ganitong bagay


"Niks anong maganda itong black or itong white?" sabay pakita sakin ng dalawang tshirt


Playboys Meets Playgirls Season II (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon