Part 1

39 0 0
                                    

ÿþ"tigilan niyo na ako! Anu ba talaga gusto niyo?" umiiyak kong sigaw sa aking kwarto. Natatakot ako at di ko alam ang gagawin ko  

palagi silang nandyan ayaw nila akong tigilan lahat sila umiiyak at puro duguan  

ayaw akong paniwalaan ng mga magulang ko ang akala nila nababaliw na ako kaya pinatigil nila ako sa pagaaral para wag masira ang reputasyon nila  

hindi ako baliw! Alam ko sa sarili kong hindi ako isang baliw pero sa pagpapatigil nila sakin sa pag aaral duon na ako parang mababaliw  

ng dahil lang sa p*nyetang cell phone nayan nasira na ang buhay ko tandang tanda ko pa nung napulot ko itong cell phone na 'to  

(flash back)  

naglalakad kami ng barkada nang may narinig kaming umiiyak sa luob ng abandunadong bahay lahat kami na kapwa na pahinto  

kahit takot napagpasiyahan parin naming pumasok duon, nang papapasok na kami tyaka naman huminto ang iyak na aming narinig lahat kami ay nagtaka kung bakit bigla itong nawala  

napatingin kami sa bawat isa at kapwa nakikiramdam papaalis na kami ng...  

*boogsh*  

lahat kami napasigaw sa sobrang kaba at gulat dahil sa malakas na kalabog na aming narinig mula sa ikalawang palapag  

agad agad kaming nagtakbuhan papalabas ng abandonadong bahay  

habang papapalabas ng bahay may napansin akong cell phone pinulot ko ito at tumingin sa paligid kung may mayari ba nito  

nang makita kong walang tao agad na akong tumakbo sa barkada at nang makalayo layo kami tyaka namin ito pinag usapan  

"grabe nakakatakot un ah" sabi ni andy habang nakahawak sa ulo na tila natatakot  

"sinabi mu pa!" sabi naman ni andrey  

"teka lang! Ikaw rica nakita ko na huminto ka kanina ah" tanung sakin ni ley  

"ah, may nakita lang akong ce---"  

"rica!!! Saan ka nanaman ba pumunta? Nako kang bata ka umuwi kana!" sigaw ng aking bungangerang nanay  

"opo, inay" matamlay kong tugon at tumingin sa mga kabarkada ko  

"mga pards! Una na ako.. Baka mapatay ako ng nanay ko ee" sabi ko sabarkada nag nod naman sila at pumasok narin ako sa luob ng bahay  

nang makapasok ako sa bahay agad akong tumakbo papuntang kwarto ko para di ko marinig ang sermon ng nanay ko  

nang makarating sa kwarto nilock ko ang pinto at humiga na pipikit palang ako ng narinig kong tumunog ang cell phone inabot ko ang cell phone ko ng makitang hindi pala iyon ang tumutunog  

tyaka ko lang naalala na mayroon nga pla akong napulot kinuha ko ito at sinagot baka ito na ang may ari at ng maisoli ko na  

sasagot palang sana ako ng may narinig akong umiiyak inisip ko pa ngang baka dahil nawala ang cell phone niya ngunit mali ako dahil bigla itong nag bigas ng katagang ikinakilabot ko  

"susunod kana" dahil sa pagkabigla naihagis ko ang cell phone ko sa lapag at pag angat ko ng muka ko  

"Whaaaa!!!, nay! Whaaaa!" sigaw ko ng malakas nang makita ko ang isang babaeng puno ng dugo ang katawan  

agad namang pumasok sila nanay at niyakap ako, umiiyak akong niyakap pabalik ang nanay ko  

"anung nangyare? Anak?" tanung sakin ng aking inay  

"m-may b-babae duguan siya nay tas... Tas humihingi siya ng tulong sakin"  

"anak wag mu nga akong pinagloloko.. Bumaba kana at tayo'y kakain na" sabi ni inay habang papalabas ng kwarto  

(end flashbacks)  

naalala ko pa yun at duon nag simula ang lahat pinilit ko naring itapon ang cell phone na ito ngunit palagi itong bumabalik  

bumalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang cell phone na tumunog, ito ang ika limang beses na tumunog ito  

tinignan ko parin kahit ako'y natatakot at laking gulat ko ng text naman ang nakita ko agad ko itong binasa "susunod kana" natakot ako ng mabasa ko ito dahil sa lahat ng text at tawag puro ganyan ang naririnig at mababasa  

*booogsh* isang malakas na tunog ang kumawala sa loob ng aking kwarto dahil sa tunog na iyon naisip ko paring lumingon kahit natatakot na ako ngunit nung akoy lilingon na...  

"Whaaaaaaaaa!"  

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  

a/n: itutuloy...  

Hahah ^___^ ... Binitin pa ee no.. Anu kaya ang nakita ni rica? Hmm? Abangan :)  

whahahah XD  

Hi! Sorry po kung di masyadong maganda ung story na 'to firstimer po kasi.. Thanks po sa mga nagbasa at nagbabasa hope u like it guys kahit di masyado xD  

Anyway sana po ituloy niyo parin po pagbabasa..  

Please support me and my story.. Love lots <<3  

-ShAiDerLyN

Cell PhoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon