Sana

85 0 0
                                    

"Sino si George?" tanong ko sa kaklase ko nang mag second year highschool ako.

"Bakit?" tanong niya.

"Uh, one week na kasi siyang hindi pumapasok."

"Hayaan mo. Umpisa palang naman ng klase." Aniya.

Tumango nalang ako. Alam ko dito ka nag first year highschool pero hindi kita kilala ni-mamukhaan.

Monday nanaman at panibagong araw nanaman ng klase. Napansin ko ang pangalan mo hindi dahil sa curious ako sayo. Secretary kasi ako ng klase kaya ako ang may hawak ng attendance.

Nagchi-check ako nang sa wakas ay pumasok ka din. Hindi ko iyon napansin kaya nakalagay padin na absent ang pangalan mo.

"George Dumlao, face the class and introduce yourself." Hindi kita nilingon dahil abala ako sa pagchi-check ng attendance.

Nang magpakilala ka sa buong klase ay natigil ako sa pagsusulat. Bakit? Hindi ko alam. Agad kitang nilingon dahil nagulantang ang buong sistema ko nang marinig ko ang napakalambing mong boses at napansin ko ang napakaamo mong mukha.

Ikaw pala si George. Okay. Ipinagkibit balikat ko iyon at humarap ulit sa teacher ko.

May gusto akong tao. Mahal ko? Hindi ko alam. Bata pa ako para magkaroon ng lovelife at inosente pa ako pagdating sa ganyan.

Isang araw ay may nagtext na number sa akin. Tinanong ko kung sino at laking gulat ko nang mabasa ko.

"Clarenze?!"

Ang taong gustong gusto ko ay nagtext sakin?! Hindi ako mapakali nung mga araw na iyon. Gusto ko na siya first year palang dahil sa katangian niya. Matangkad, maputi, at gwapo.

Pumasok ako kinabukasan ngunit may nakapagbalita sakin na hindi naman pala si Clarenze ang katext ko kundi si George at Christian na tropa niya dahil ipinahabilin niya ang phone niya dito.

Ayos lang naman sakin yun dahil madalas ay si Renz ang katext ko. Hindi man lang nabawasan ang tiwala ko sa kanya. Bakit? Kasi nga mahal ko and take note: Inosente pa ako.

Dumaan ang mga araw. Pinagsamantalahan ni Renz ang pagkagusto ko sa kanya. Niligawan niya ako gamit ang pagtetext. Ano pa nga ba ang magagawa ng isang inosente at nanligaw ang mahal niya? Syempre sinagot ko.

Hindi ko man lang napansin na pinaglaruan ako. Hindi ko napansin na pinagmukha akong tanga. Mga kaibigan ko na mismo ang nagsabi na niloloko ako ni Renz. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mahal ko eh.

Hindi ko gusto ang relasyon namin. Torpe si Renz at siguro boring akong kasama. Wala pa naman kasi akong alam sa ganyan. Hindi ko maramdaman na may boyfriend ako nung mga araw na iyon.

Isang gabi ay nagtext si Renz sa akin na ayaw niya na. Nagsawa na siya kasi childish ako. Kasi baguhan ako at walang alam. Masakit. Sobrang sakit at halos iiyak ko lahat sa unan ko lahat ng naramdaman ko nung gabing iyon. Ito yung ayoko eh, yung hindi kayang tanggapin kung sino ako. Inihagis ko ang celphone ko dahil lang nakipaghiwalay siya sakin kahit three weeks lang kami nagtagal. Manloloko pala siya. Babaero. Totoo lahat ng naririnig ko. Nakakainis! Pero ayos lang, natuto ako dahil sa kanya.

November na at kalahati na ng taon. Hindi ko alam kung kelan. Hindi ko alam kung paano. Nagustuhan pala kita? Nagustuhan ko pala ang isang tulad mo. George Dumlao. Ikaw yung palagi kong kakwentuhan at kakulitan nung mga araw na nasasaktan ako. Yung lalaking napaka-gwapo sa paningin ko. Kung tumitig halos matunaw yung buong sistema mo. Yung taong hindi mo napapansin nung mga araw na may mahal ka pang iba.

Isang araw, practice natin ng play. Mas lalo kitang nakilala. Nakakwentuhan, kahabulan at kausap tuwing practice. Akala ko hanggang crush lang kita pero bakit ganun? Parang lumalalim. Kapag araw-araw kitang nakikita, mas lalo kitang nagugustuhan. Titig mo palang kasi, parang nang-aakit na.

Sana (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon