Waiting... Is Over

1.1K 21 9
                                    

"Mahal ko... Kiss forehead. Iloveyou. Kiss nose tip. Iloveyou. Kiss lips. Iloveyou. ILOVEYOUSOSOMUUCCCHHH! Hug tight. Mahal na mahal na mahal kita Mahal ko. I will do my best para makabalik. Iloveyou. I won't promise sa ngayon. Pero kapag nakabalik ako, it's time para sa atin Mahal ko. We will finally meet and live happily together. Mahal na mahal kita Mahal ko. Kiss lips longer."

It's been a month since her last text.. Everyday, tinatawagan ko sya pero unattended ang cellphone nya. Pero kahit ganun, patuloy ko pa rin syang tinetext. Umaasang nababasa nya lahat ng sinasabi ko.

Never ko na-open ang topic ng pag alis nya sa mga kaibigan ko. Kapag maaalala ko sya, pinipilit ko i-divert ang attention ko. Ayokong mag emote. Ayokong umiyak. Basta everyday, tinatawagan ko ang cp number nya kung mag riring. Pero everyday din, unattended pa rin ang cp nya. 

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang, gustong gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Kung okay ba sya? Kung buhay pa ba sya? Hindi na importante sa akin kung ano pang dahilan ng hindi nya pagpaparamdam. Ang importante lang sa akin ay yung malaman kung buhay pa ba sya o ano.

After 3 months.....

Nandito ako ngayon sa province ng isa kong friend. 2 days vacation lang para makapag unwind at makatakas sa toxic kong trabaho.

At syempre, hindi mawawala ang inuman. Nagkatamaran nang lumabas kaya sa bahay na lang kami uminom. Tatlo lang kami kaya naman medyo mabilis ang tagay. Sa kalagitnaan ng inuman..

"Kamusta naman ang lagay ng puso mo?" tanong sa akin ng kaibigan kong dinayo pa namin dito sa province nila.

Ngumiti lang ako at ininom ang shot na para sa akin. Geezzz.  Sama talaga ng lasa ng El Hombre. Tsk.

It's been 4 months. 

Kamusta na kaya sya? 

Ano ba tong naiisip ko? 

It's been a while since nag emote ako tungkol sa kanya. 

Nasa process na ko ng pag mo-move on. 

Hindi ko na sya madalas isipin pero alam ko, mahal ko pa din sya. 

At gusto ko pa ring malaman kung anong nangyari sa kanya.

Buti na lang may mga kaibigan akong kahit mga baliw eh laging nanjan para libangin ako at pasayahin. Sila ang tumutulong sa mabilis kong pagka recover. Sa loob ng dalawang buwan, nasaksihan nila kung pano ako umiyak, malasing at maging wasted.

Hanggang sa naka-recover ako. Inayos ko ang sarili ko. Naisip ko din na if ever bumalik sya, hindi nya magugustuhan ang makikita nya. Kaya eto ako ngayon, chill chill lang. Go with the flow.

Kung may dumating, fine.

Waiting... Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon