DEE AND AI

38 0 0
                                    

(lingon) tingin sa kanan at kaliwa.balik ulit sa harap.

parang kanina pa may nasunod sa akin ah.

hmmn.ang sarap talaga ng chocolate kapag bigay lang.hehehe

pero sino nga kaya ang nagbigay nito?

palagi nalang kasing may naglalagay nito sa locker ko.

di bale.nagiiwan naman  ako ng note na pagpapasalamat sa pagbibigay niya ng chocolate sakin.

hehehe.ang swerte ko.alam niya atang paborito ko ito eh.

pero pakiramdam ko talaga may nasunod sakin eh.

hindi naman siguro multo?(sabay lingon sa likod)

hala!.hindi naman siguro.tama!.hindi yun multo.

pero baka holdaper!.(lingon ulit)

imposible!.maraming cctv dito eh.tsaka nasa loob na kaya ako ng subdivision.

wala yan guni-guni ko lang yun.

last na talaga!(lingon ulit)

paglingon ko nakita ko nalang na si Dee pala ang kasunod ko.

ang ex-bf ko as in ex-bestfriend!

"akala ko kung sino na!"-Ai

"bakit?.sino ba ang akala mo?"

"akala ko multo na eh.bakit ka ba nanggugulat?."

"bakit naman kita gugulatin?.close ba tayo?"

"ay!.oo nga pala di nga pala tayo close.dati lang.mauna na ako sayo!."

hmmp!.akala mo kung sino.di nga kami close.NGAYON!.asar siya ah.

malapit na ako sa bahay.sa wakas makakapagpahinga na din.

pero bago ang lahat kelangan ko munang gawin ang aking ritwal bago matulog.

pasok sa banyo para magpunas.ayan tapos na!.baba sa kitchen para magtimpla naman ng gatas.ayan! ubos na.

akyat ulit at tambay naman sa terrace para magpahangin.

(tingin sa langit)

"ang ganda talaga ng mga bituin!"

"pati buwan"

^___^

napatingin ako sa katapat ng terrace ko.at nakita ko siya!.nawala na yung ngiti ko.ikaw ba naman makita ang ex-bf mo.sino ang hindi maiinis?

nakatingin pa dito.hmpp!.nakita kong hawak niya ang gitara niya.hayst!.naalala ko yung dati.gamit yung gitara na yun tapos ako ang kumakanta.dati sobrang close namin.tapos isang araw bigla nalang siyang umiwas.yung parang di na ako nag-eexist.ang sakit kaya nun.kung kelan pa nalaman ko sa sarili ko na mahal ko na pala siya.nakakalungkot isipin na iniiwasan ka ng mahal mo ng hindi mo alam ang dahilan?.

hindi ko alam kung ano ang nangyari.hindi ko naman siya matanong kasi nahihiya ako.parang gusto ko na namang maiyak.nilayuan niya ako.para patas nilalayuan ko na din siya.kaso parang wala lang naman sa kanya eh.hayaan ko nalang.

di na ako nakatiis isinara ko nalang yung pinto.may pag-asa pa kayang bumalik kami sa dati?.yung nagkukulitan?.laging magkasabay pumasok at umuwi galing school.sabay kumain pag breaktime.yung hindi mo pwedeng paghiwalayin.miss ko na talaga yung dati. :(

ayan!.nagalit na naman siya!.kung anu-ano kasi ang ginagawa mo Dee eh.pumasok na tuloy siya sa bahay nila.

hindi ko na maibalik yung dati.nawawalan na ako ng pag-asa.bakit kasi yun yung nasabi ko kanina eh.hay!.wala ka talagang kwenta Dee.

DEE AND AITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon