The first time they met was Wednesday morning.
"Bat kasi ako nagising ng maaga? Late na ko!" Sabi ni Alicia habang tumatakbo sa hallway ng school nila. Late na kasi syang magising, ang sabi pa nya kagabi bago sya matulog 'Maaga akong magigising' dahil every Wednesday, dapat walang late.
Medyo pagod na sya at pawis pero balewala lang sakanya yun. Asa 3dd floor ang classroom niya pero 2nd floor palang sya. Habang tumatakbo sya, hindi nya napansin na may tao palang papunta sa direksiyon nya na nagcecellphone, bilang dakilang tanga hindi nakatingin si Alicia sa dinadaanan nya kaya nagkabungguan sila.
*BOOOOOGGSSSSHHH*
"Puta!" Sambit ko, may nabangga kasi akong lalake. Kaya napaupo ako sa sahig, "Araaaay ko po." Sabi ko habang hinihimas ang pwet ko, tumama kasi.
Tumayo na ang lalake, akala ko tutulungan nya akong tumayo pero nilagpasan lang ako. Abat Gago to ah. Tumayo ako at hinabol ko sya, napatigil naman sya sa paglalakad ng nakita nya ko sa harapan nya.
Tiningnan nya lang ako
"Hindi ka ba magso-sorry?" Tanong ko habang nakapameywang. Bwisit, late na ako.
"Bat ako magsosorry? Ako ba yung nakabangga?" He said flatly, makikita mo talagang masama to eh, walang expression ang mukha.
"Kahit na, hindi ka parin tumitingin sa dinadaanan mo, kaya mag sorry ka." Sabi ko. Tiningnan nya lang ako.
Andun lang kami, sa gitna ng hallway nag titinginan ng may sumulpot ng teacher.
"Hoy mga bata, Late na kayo. Punta na sa classroom dali." Ako lang ba yun or nakita ko syang ngumisi? Tumakbo na ako ng mabilis papuntang room, bago ako pumasok inayos ko muna ang sarili ko at naglagay din ako ng pabango, pinihit ko ang door knob at bumungad sakin si Clare, ang bestfriend ko. Bakit sya lalabas? Magc-cr kaya sya?
Bago ko paman matanong yan, inunahan na nya ko, Halos puputok na ko sa narinig ko. Tangina.
"Wala si Sir, May sakit daw kaya hindi nakapunta."
**
Uwian na pero andito parin ako sa library, mahilig kasi akong magbasa.
Natapos ko na To kill a mocking bird kaya naghanap pa ako ng iba. Habang naghahanap, may pumukaw ng atensyon ko, binasa ko ang title Peterpan.
Umupo na ako sa table at nagsimulang magbasa, inilipat ko sa next page, may bumungad na note. Huh? Pano to napunta dito? Binasa ko ang nakasulat.
Hey! How are you, can we be friends?
Sabi sa note, 3rd day palang ng classes eh isa lang ang naging kaibigan ko, Wala namang masama diba kung makikipag kaibigan ako? Nireplayan ko ang note at natulog na.
**
Maagang pumasok si Keegan ngayon, dumiretso sya sa library at hinanap ang book na hindi nya nahanap kahapon, hinanap nya pero wala parin, lalabas na sana sya pero bumukas ang pinto, bumungad ang pamilyar na mukha ng isang babae.
AH! Sya yung nabunggo ko kahapon.
Akala ni Keegan na may sasabihin ang babae pero nilagpasan lang sya nito, Nagkibit balikat lang sya at umalis na sa library, hindi nya alam na nakay Alicia pala ang librong hinahanap nya.
Lunch time na at nagpasyahang puntahan ni Keegan ang library, baka sakaling binalik na iyon ng kung sino mang kumuha.
Tama nga ang hinala nya, nandun na ang libro, Pero pagkabukas nya wala dun sa 3rd page ang note, Kinabahan sya, ginawa nya ang note out of boredom, nakita nya ang sa 4th page na may ibang sulat.
Okay naman ako. Dahil isa lang ang kabibigan ko dito, I'll give you a shot, We can be friends.
P.s Sana naman hindi ako nakikipagusap sa note nu? Baka magmukha akong pathetic and stupid.
Tumawa sya ng mahina at nagsulat ng reply, ibinalik nya sa shelf ang libro at naglakad palayo.
**
Haha. You're funny you know? I'm Keegan, what's your name?
Tumawa ako ng mahina. Gusto ko sanang sabihin ang pangalan ko pero natatakot ako. Nakita ko sa peripheral view ko na may papalapit kaya tumayo ako at binalik ang libro sa shelf tas umupo. Mamaya ko na lang kukunin.
"Oh, Alicia. Andito ka pala? Diba magkagroup tayo sa English? Ikaw muna gumawa ha?"
Sabi nung classmate ko tas umalis na. Napabuntong hininga ako, 4:46 na ng hapon at gusto ko ng umuwi pero yung project. Huhu. No choice.
**
Pumasok si Keegan sa library at naglakad papunta sa shelf na kung san andun ang libro. Sakto namang tumayo si Alicia at naglakad din papunta kung san papunta si Keegan. Hinila ni alicia sa kabila ang libro at hinila naman ni Keegan sa kabila, nagulat Si Keegan, sumilip sya at nagulat dahil nakita nyang nakatingin sakanya ang babaeng nabangga niya nung isang araw.
binitawan nya ang libro dahilan naman para makuha niya ang libro. Natapos na ni Alicia ang project nila kaya kinuha nya ang libro.
Naglakad papunta si Keegan kay Alicia at umupo si tabi nito. Kumuha sya ng ibang libro at hihintayin nya na lang matapos ang babae.
**
"T-teka! Anong g-gagawin mo?" Tanong sakin nung lalakeng nabangga ko nung 3rd day of class. Kinuha ko kasi yung note at akmang magrereply pero nagsalita sya.
"Magrereply. B-bakit," Sabi ko, yumuko sya at pinaglaruan ang daliri nya. T-teka? Wag nyang sabihin na sya s-si... "Ikaw si Keegan?" Tanong nya. Unti- unti nyang iniangat ang mukha nya, nang magtama ang kanilang mata, lumakas ang kabog ng dibdib nila kaya nag iwas sila ng tingin.
"Oo. Ako nga, Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ni Keegan.
"A-Alicia. Alicia Arellano."
"Alicia." Inulit nya ang pangalan ng dalaga, namula ang mukha nito at ngumiti.
"Oh? Bat ka ngumiti?" Ngayon nagtitigan na sila. She shook her head carelessly. 'She's pretty' keegan thought.
Nagsimula na silang magkwentuhan at napagtanto nila na marami silang similarities.
"So, is this a fresh start." tanong ni Keegan.
"Well, you can say that again."
Sabi ni Alicia at nagsimula na silang naglakad palayo, Keegan slowly intertwined his hands to her.
Leaving the book open with the notes that started it all.