Ch7: Counted as courting.

14 0 0
                                    

Updated. One year na pala akong walang update sorry naman naging busy lang.

Lovisa's P. O. V.
Di ko talaga alam kung ano ang pumasok sa kukote nitong si Harry. Ginawa ba naman akong Fake girlfriend? Langya lang. Sabi pa niya liligawan niya ako. Pag ako pinagtripan niya patay talaga siya sa akin.
By the way papunta akong locker ngayon may kukunin lang ako.

Locker.
Pagkabukas na pagkabukas ko, aba may stuff toy na bumungad sa akin. With a note pa saying 'This is counted as the official day I am courting you. Isay.
-Harry Potter ng buhay mo.'

Gagu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gagu. Loko loko. Sarap sapakin ng gagu. "Well, well, well, The bitch is here." biglang sulpot nung ex girlfriend ni ugok. Akala ko pa naman mabait tong bruhang to. "Paki ulit nga nung sinabi mo?" sabi ko. "BITCH! Spell ko pa?" sagot niya naman agad. "WAG AKO." Sabay sira ko sa locker with matching dabog pa. "Kinakausap pa kita! Wag kang bastos!" hahatakin na niya sana ang buhok ko nung pilipitin ko ang kamay niya. "Sinabi ko na sa iyo di ba?? WAG AKO!" sabay bitaw ko sa kamay niya. Di pa talaga nakuntento ang babaeng ito at hinatak na naman niya ang buhok ko. Bago pa ako makaalma may dumating bigla. "Hey! Cheyanne! What the heck was that? Why are hurting my damn girlfriend?? Are you nuts?" sigaw ng lokong si Harry with english pa. "She damn started the fight Harry!" iyak ng gaga. "Wag mo kong pinaglolokong putang ina mo!" sigaw ulit ni Harry. Tumakbo naman palayo si Cheyanne habang umiiyak. "Are you ok?" tanong niya. "Englishero tayo ngayon ah? Anong nakain mo?" sabi ko sa kanya sabay tawa... "Ikaw, Ikaw na nga tong nasabunutan ikaw pa tong parang walang nangyari. Tingnan mo uniform mo gusot gusot na." sabi pa niya sabay hatak sa akin at inayos yung uniform ko. 

"Tara na't male-late na tayo sa next class natin!" sabi pa niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tara na't male-late na tayo sa next class natin!" sabi pa niya. "Tss." gagu talaga.

Class.

"Ok class for the mean time wala muna tayong gagawin kasi we are preparing for the foundation day. And this year's event is not the same last year. We will be having a pageant. And every section has a representative and for your partners we will choose from another classes. Bubunot ang mga girls para sa magiging ka partner nila. So sa inyo sino ang representative niyo ngayon?" sabi ni Mr. Perez. 
At nagsimula nang mag ingay ang mga kaklase namin. 
"Ikaw na lang Lovisa. Guys si Lovisa na lang sa class natin. Tapos si Billy sa lalake. Sir sila na lang dalawa!!" langya talaga tong isa kong kaklase. Nanahimik ako dito eh. Di nga nagsalita mga kaibigan ko eh. Langya! "What no way! A-Y-O-K-O!!!!" Sabi ko. "Please gawin mo na lang ito Ms. Whitchurch ikaw na lang ang pag asa ng klase natin." sabi pa ni prof. "But sir!!" reklamo ko pa. "No buts miss." sabi pa ni sir. "It's all settled kayo ang representative ng section natin..." sabi ni sir. Lecheng araw na ito oh! Pag tripan ba naman kami? Bwiset!

Harry's P. O. V.
Pagkatapos kong ihatid si Isay sa room nila ay tumakbo agad ako papunta sa section namin. Nandun na kasi si Ms. Herrera. Buti na lang hindi pa siya nakakapag umpisang mag discuss. "Guys listen up! For now, forget about lessons and assignments muna tayo. Mag bobotohan tayu kung sino ang magiging representative ng section natin para sa gaganaping Mr. And Ms. Campus 2017. Kumuha kayu ng papel at dun isulat niyo kung sino ang gusto niyong isali sa pageant. One for girl, one for boy. Ah nga pala hindi magiging magkapartner ang representatives natin dapat kasi yung magiging partners nila ay magmumula sa ibang sections. Five minutes to make it. Now do it!"  sabi ni miss.

At ako sinulat ko dun si Dennis. Hmm bagay naman sa kanya eh. Hahaha tapos si Enrile, Mariel naman sa babae. Ayaw ko ngang iboto si Cheyanne ang pangit kaya niya (sa ugali na rin) haha kahit ex ko pa siya. Nagsipag sulatan na lahat at sinabihan na kami na ipasa sa harap ang papel namin.

"Okay let's count it." sabi naman ni miss. At nagsimula na siyang magbilang. At ang pinakamaraming boto? Walang iba kung hindi ako. Sumunod lang sa bilang sina Dennis at Ian.
Sa babae naman ay walang iba kung hindi ang king ina. Si Cheyanne. Ok na sana eh kaso parang naging oa pa. Oa na Oa talaga magbigti na siya! "Omo! Super duper thank you talaga sa pag vote sa akin guys! Kamsahamnidaaa!" parang tanga na sabi pa niya. Nakaka irita. "Ok that's enough miss Cheyanne. You're annoying." pagpaparinig ko sa kanya. "You're so mean." sabi naman niya. Di ko na siya pinansin pa at bumaling na lang sa nagsasalitang guro sa harapan. "As what I have said earlier, hindi magkapartner ang representative ang section natin. Bubunot sila ng kanilang magiging kapartner mula sa iba't ibang sections. And tomorrow will gonna be the day that our representatives will going to pick a partner from the other sections. Ok? Let's call it a day good bye!" sabi ni miss. Laking ngisi naman ang iginawad ng mga ungas kong kaibigan. Sarap pagsasapakin sa mukha. "Panu yan ikaw yung napili ng bayan este ng klase eh di libre na yan!" pang aasar naman ni Dennis. Ginatungan naman ni Ian. Minsan iniisip ko kung bakit ko naging kaibigan ang mga kumag na ito? Seriously? "Guys! Guys! May pinapasabi ang dean!" Biglang pasok nung student council president sa room namin. "What was it?" Tanong ni Rachelle classroom president namin. "Yung napiling class representatives para sa pageant pinapapapunta sa Dean's office. May importante daw siyang sasabihin para sa mga candidates at dun na rin daw magbubunutan for your pairs. Yun lang thank you!" Sabi niya sabay labas sa classroom namin. "Oh pre yan na! Ipagdasal mo lang na hindi ka katayin ni Lovisa sa magiging partner mo!" Ayan pananakot pa ni Dennis. "Ulol!" Sabay batok ko sa kanya. "Aray ko naman dre!" Reklamo pa niya. "Oh siya kita kits nalang sa cafeteria bukas?" Sabi naman ni Ian. Lumabas na naman kami kasi dismissal na pero sila lang yung pinauwi at ako kasama ko ngayon yung ex kong gagu. "Harry, sana hindi nalang tayo naghiwalay. Nakakahinayang yung relationship natin. Sana pala hindi nalang ako umalis." Like wtf was she talking about? "At sana hindi nalang kita nakilala at sana hindi nasayang yung oras ko sayo!" Galit na baling ko sa kanya. "I'm sorry." Sabi niya sabay takbo papasok sa loob ng dean's office. At ilang segundo lang, sumulpot naman si Lovisa kasama yung isang transferee na Billy ang pangalan. At halatang halata namang walang pakealam si Isay sa kanya. Why? Ayun mas nauna pa kasi siyang pumasok kesa dun sa ugok nayun sa loob. Pumasok narin ako. "Okay, good afternoon everyone! Before natin simulan ang urgent meeting nato, magbunutan muna tayo. Girls,write your name in that 1/8 size of paper and roll it. Ipasok niyo dito sa box." Sabi ng dean namin. Nagsikilusan naman yung mga girls. Iniyugyog naman ng sekretarya ni dean yung box at pinagpapasa pasa yung box samin at nagsi bunutan na.

At ang nabunot ko ay si................

LOVISA WHITCHURCH.

Ang swerte ko namang gago di ba?

Ayun after that nag discuss na yung dean sa mga do's and don'ts sa amin. And boom Dissmis.

***********
To be continued.....

So pabitin lang haha.

Thank you sa lahat ng nag a-add nitong story nato sa Reading lists nila! Feel free to give your comments and I aprpreciated to hear all of your feedbacks.

Matagal ding naka draft tong chappy nato at ngayon ko lang na update and napunan sorry kung may grammatically errors dito. Naka plot na po yung ending mamamatay po yung bida bwahaha joke lang.

See you sa next chap! (Matagal tagal nga lang. Haha sorry naman.)

Byeeee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon