Simula

19 0 0
                                    

       
     

Almost five hours na kong nakatunganga at tulala sa harap ng laptop ko perong hanggang ngayon wala pa din akong client sa online interior designing business ko.

   "Ayoko na! " I blurted.

   "Hoy!  Anong problema mo? " siko sakin ng kaibigan kong si Amanda. "Anong eksena yan beks? " bulong pa nito.

    Pwede na lang bang maglaho na lang bigla dito?  Nakakahiya!  Bakit ba nakalimutan kong nasa coffeeshop ako ngayon at wala sa bahay.

   Napakamot na lang ako sa ulo at napayuko sa kahihiyan.

    "Anyare beks?  May pinagdadaanan ka ba?  Bigla bigla ka na lang sumisigaw diyan." Litanya nito habang tinitgnan ang mga customer nito."Baka mamaya matakot sayo mga customer ko. Malugi pa tong shop ko. "

    Ang grabe talaga sakin ng babae na'to! Kung hindi ko lang talaga to kaibigan naumbag ko na.

  " Beks naman kasi hanggang ngayon wala pa din akong client." Sumbong ko dito na para bang may magagawa siya sa problema ko.

  " Ano bang akala mo sa negosyo beks?  Instant noodles?  Instant na pag open mo ng site mo madami ka agad na client na magpapadesign sayo? "

Okay!  Wala na kong sinabi. Bakit ba kasi sa kanya pa ko dumaing ng ganito. Prangka na mapanlait pa.

  " Be patient beks.  Learn how to wait." At tumayo na ito. Iniwan akong nakatunganga sa laptop ko.

Bakit ba kasi napakatumal ng swerte sakin? Araw-araw naman akong nagdadasal. Nag aalay ng sampaguita sa simbahan at nagtitirik ng kandila. Pero bakit ganito?  Do I need to give up?  Do I ------

"Aray ko naman! " sigaw ko sabay tingin sa bumatok sakin.  Naputol tuloy ang kadramahan ko dahil dito. "Kailangan mambatok?  Ang hard mo talaga sakin. " sabay irap ko dito.

"Hihingi sana ko ng favor sayo.  Tutal naman wala kang ginawa diyan kundi titigan yang laptop mo baka pwedeng ikaw na ang mag grocery. "

Wow!  Ang bait talaga ng kaibigan ko.  Inutusan pa talaga ko.

"Ano bang bibilin?  Kulang ka na ba sa tauhan at ako ang inuutusan mo o nagkocost cutting ka na dahil wala ka ng pampasweldo?" Bulong ko dito sabay ilag dahil muntik na naman akong mabatukan nito.

"Ayan yung listahan.  Siguraduhin mo lang na mabibili mo lahat yan. Lagot ka sakin pag may nagkulang diyan! "

"Pahiram ng susi ng kotse mo. " sabay kuha ko sa listahan ng mga bibilin ko.

"Oh eto! Huwag mo lang gagasgasan yung kotse ko. " sabay abot sakin ng susi nito.

"Oo naman! I'm a good driver beks. " sabay ngiti ko dito.  Ngiting tagumpay!

Bago umalis ay tinabi ko muna ang mga gamit ko.  Log out muna sa site at baka sakaling pagbalik ko ay may client na ko.

Ang Kwento KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon