Pangalawa

20 1 0
                                    


"Sir by 3pm po ang schedule niyo para bisitahin ang Sundays." Paalala sakin ng sekretarya ko habang binabasa ko ang sales report ng isa sa branch ng supermarket na dapat kong pagtuonan ng pansin.

"Thanks Clara for reminding me.  Pakicancel ang ibang appointment ko para bukas reschedule mo na lang by next week. "

"Okay sir. May ibibilin pa po ba kayo? " tanong nito.

"Wala na. You can go back to your work now. Thanks."

Sumasakit na ang ulo ko habang tnitignan ang sales report ng Sundays. I need to focus on this one dahil kung hindi ay may chance na magsara ito at yun ang isa sa iniiwasan kong mangyari. Kaya ilang araw na din akong exhausted sa trabaho because of this. Isa ang Sundays sa unang naipundar ng mga magulang ko kaya hindi ito dapat magsara.

"I need a break! " halos bulong kong sabi. I need to relax kahit saglit.


       Ilang oras din ang biyahe papunta sa Sundays. Minabuti ko munang dumaan sa coffee shop ni Amanda tutal naman ay matagal din akong hindi nakabisita dito dahil na din sa tight schedule ko.

" Long time no see Charles." bati agad sakin ni Amanda ng makita ako. " May usapan ba kayo ni Anton na magkikita ngayon?"

" Nope. Dumaan lang ako dito dahil namiss ko yung Ice Coffee mo."biro ko dito.

"Sige at ipapagawa ko na. Dine in or take-out?"

"Take out . Pupunta ko ng Sundays ngayon. I need to check the status of the store. And probably baka magstay ako dito to monitor it." hayag ko dito.

"For sure matutuwa ang pinsan mo niyan dahil mas madalas ka na niyang makakasama compare nung nagstay ka na sa Manila."

By the way si Amanda nga pala ang asawa ng pinsan kong si Anton which is My close cousin. Isa sa mga negosyo nila ay ang coffe shop na ito na paborito kong puntahan everytime na uuwi ako ng province.

"Hindi ka ba mag grocery sa Sundays para maisabay na kita?" tanong ko dito ng makuha ko na ang order ko.

" Nagpunta na yung kaibigan ko dun. Nakisuyo na ko sa kanya na siya na muna ang mag grocery ngayon."

Napatango na lang ako dito.

"I have to go na. Balik na lang ulit ako dito or baka dumaan ako sa bahay niyo bago bumalik ng Manila."

"Sige. Ingat ka. Bye!"

Minsan naisip ko kung nagkatuluyan ba kami, magiging katulad din ba kami nila Anton at Amanda. Masaya at kuntento sa buhay nila na magkasama?

Samantala sa Sundays...

Ano ba naman tong si Amanda hindi man lang ako sinabihan na puro de lata ang dapat kong bilin. Lagot talaga sakin yan pagbalik ko.

"Ma'am kailangan niyo po ba ng tulong?" Tanong sakin ng isa sa mga tauhan ng store.

"Ay nako oo kuya. Kailangan ko ng 2 box nitong evap milk. 1 box nitong condense milk." Hulog ng langit c kuya.

"Ito lang po ba lahat?"

"Meron pa sanang kong bibilin eh."sambit ko dito.

"Kung gusto niyo Ma'am dadalin ko na po ito malapit sa may counter para hindi na kayo mahirapan mamaya."

"Sige,sige! Salamat ah."

"Walang anuman po. Sige po."

Mainam din pa lang mamili dito. Mababait ang mga empleyado. Sa susunod nga dito na lang ako mag grocery.

Anu-ano pa ba tong mga nasa listahan ng bruha kong kaibigan. Hmmmm....

"Limang kape. Limang Vanilla——" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may makita ako na hindi katiwatiwalang lalaki pero gwapo. Kathy ano ba yang iniisip mo! Umayos ka nga!

Kailangan kong sundan to. Baka kung ano pang gawing mali ng lalaki na to. Nakita ko kasi may kinuhang bubblegum sa may stand at kinaen ang isa sabay tago sa bulsa. My gahd! Clepto kaya siya? Muka naman siyang mayaman o baka modus lang nila yun para di mahalatang magnanakaw. Kailangan ko tong matulungan. Sayang naman kung makukulong ang kagwapuhan niya. Ay nako Kathy! Umayos ka nga!

Oh my gahd! Palabas na siya! Kailangan ko tong pigilan!

Hinila ko agad ang braso nito at hinila malapit sa akin. Napatingin na lang sa akin ang lalaking clepto.

Napatulala na lang ako ng makita ito ng malapitan. Hindi ko inaakala na ganito siya kagwapo. Ang tangos ng ilong niya. Yung mga mata niya parang laging nangugusap at yung labi niya parang ang lambot at kulay pink pa. Siya na kaya ang soul——-

"Miss? May problema ba? May kailangan ka ba sakin?"

Hindi ko man lang namalayan na kinakausap na pala ako nito.

"Hello Miss!" Sambit nito sabay pitik sa noo ko.

"Aray! Masakit yun ah!"sigaw ko dito.

Nagulat na lang ako ng madami ng tao ang nakatingin sa aming dalawa. Kaya hinila ko na ito sa medyo tagong lugar.

"Ano bang kailangan mo sakin? Alam mo bang madami pa kong gagawin?"

"Ilabas mo yang nasa bulsa mo?" Utos ko dito.

"What? Sa bulsa ko?" Maang tanong nito

"Oo. Nakita kitang kumuha ng bubblegum. Kinaen mo at tinago sa bulsa mo. Tapos aalis ka na lang na parang walang nangyari. Alam mo ba na pwede kang makulong sa ginawa mo."

Nagulat na lang ako ng bigla na lang itong tumawa sa harap ko. Tinignan ko na lang ito ng masama.

"Sorry." Sabi nito na natatawa pa sakin. "Sige tuloy mo lang."

"May sakit ka ba? Alam mo na yung clepto ganun?."

At mas lalo pa itong natawa sa sinabi ko. Strategy ba nila to para hindi mahuli? Grabe na talaga ang mga tao ngayon.

"Sorry ulit." At nangingiti pa ito.

"Alam mo Mister huwag mong sayangin ang buhay mo. Gwapo ka naman at mukang kaya mo namang makakuha ng marangal na trabaho. Kaya please lang tigilan mo na ang ganitong trabaho ha." Kausap ko dito na paranng bata.

At tumango tango lang ito. Muka namang nakumbinsi ko ito.

"So akin na ung bubblegum mo. Ako na ang magbabayad. Tara sumama ka na sakin." Aya ko dito.

Buti na lang at hindi ito mahirap kausapin at sumunod sakin hanggang sa counter.

Nakita ko na parang alerto ang lahat ng dumating kami doon. Na para bang nakita nila ang amo nila.

Nang matapos naming bayaran ang lahat ng pinamili ko ay binigay ko na sa kanya ang bubblegum niya.

"Mister sana naman sa susunod ay hindi na kita makita sa ganung sitwasyon ha. Magpakatino ka na. Matanda ka na. Alam mo na ang mali sa tama." At inabot ko dito yung isang bag na puno ng pagkaen. "Bye!" Kinawayan ko pa ito bago pumasok sa kotse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kwento KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon