Writing Tips

1.4K 86 22
                                    

Hello! Magbibigay lang ako ng konting tips or advice para sa mga gustong maging writer talaga. I know I know di rin ako ganung kabihasa pero sasabihin ko lang yung mga nalalaman ko. So sana makatulong tong mga ibibigay ko.

1. Title of your story

Dapat title palang kapansin-pansin na. It should be unique. Tyaka please lang wag jejemon! Like, I LoVe YoU 4ever. Wag din short cut lang like, I love my BF. Kumpletuhin mo! Decent. Wag ka ding gagamit nung mga common na like First Kiss, I love you, I miss you, Ms. Nerd meets Gangster (gawa-gawa ko lang yan sorry kung may kapareho) something like that, thats too common. Mag-isip ka ng ideya mo. Yung kakaiba na maku-curious talaga yung readers mo like Bobong Bata, Ang bookworm at ang basag ulo, Panget ako. Haha! Ok ang korni ko. Pero basta ganung title something na kakaiba.

2. Prologue

I know. Iba satin di na binabasa ang Prologue basta go na sa Chapter 1 at masakit man isipin isa na ko dun. Pero may mga time naman na napapatingin ako sa Prologue pag pakiramdam kong interesting. Minsan napapa 'What the heck? What kind of Prologue is this?' nalang ako pag may nababasa akong, ewan. Haha! Prologue is one of the most important, dyan kasi makikita ang magiging takbo ng story mo. Kaya ayusin mo!

3. Chapter 1

Yung opening. Madami akong nababasa na nag-sisimula sa paggising tas habang nag-aayos nagpapakilala. Thats too common. Mag-isip ka ng iba. Bat di mo simulan agad sa school or kahit anung alam mong pwedeng pang-opening. Like "Hoy! Maricar Aquino! Anung oras na at ngayon ka lang dumating?!" by that kilala na agad kung sino ang character mo. Pwede ka mag-introduce ng sarili mo but keep it simple. Like "Haynako! 2nd year highschool na ko di ko pa alam to." by that alam na ng readers mo na 2nd year highschool na sya. And please wag kang humingi ng votes. Gawain ko yan nung bago palang ako but I realized that it was a BIG NO!

4. Meeting the Prince

Common na masyado dito yung magkakabanggaan ang bida tas mag-aaway then BOOM! Magkakagustuhan na sila after ng ilang away. Gets mo? Mag-isip ka ng kakaiba. Pwede rin naman na magkakilala na talaga sila tas magka-kumpetensya sila sa lahat ng bagay mortal enemy turingan nila sa isa't-isa. Something like that. Oh kaya pwedeng Damsel in Distress yung bidang babae tas ililigtas sya tas sisisihin sya nung lalaki kung bat sya napaaway tas mag-aaway sila. Oh kaya nangungulangot yung bida tas makikita nung boy tas pagsasabihan nya tas mag-aaway sila kasi pakialamera yung boy. Haha! Lol. Mahirap talaga gumawa ng scene pag-dating sa ganito masyado ng common ang iba. So think something unique!

5. Guy's POV

Ito ang isa sa pinakamahirap! Di naman kasi tayo lalaki diba? Kaya di natin alam ang takbo ng utak ng lalaki. (Yung iba) Kung gagawa ka ng POV ng lalaki dapat think twice! Isipin mo kung ginagawa ba to ng lalaki or sinasabi? Ako kasi pinagbabasehan ko yung ibang nakikita ko na pag-uugali ng lalaki. Like yung pagmumura at mga kilos pag mainit ng ulo. Like "Sht! Gusto kong bangasan ang mukha nya." oh diba? lalaking lalaki! Alangan naman kasi "Shocks! Naiirita ako! Gusto kong suntukin ang mukha nya." seriously dude? Are you gay? So kung gagawa ka think twice!

6. Characters

Honestly, ito favorite part ko. Kasi pagdating na sa characters aligaga na ko mag-isip ng pangalan ng mga characters. Dapat pangalan palang kakaiba na yung mag dating na, like you know. The name of your character should be compatible to their personality. You know what I mean. Kung mysterious type sya then dapat mysyerious type din name nya. Kung seductive sya then dapat seductive din naman nya. You get my point? And one thing, ilagay mo yung sarili mo sa character mo. Ako kasi ginagawa ko pag may nakakakilig na scene iisipin ko yun mga nakakakilig na gusto kong gawin sakin ni crush tas iisipin ko ako yung girl. Ay lande! Haha. But seriously, ganun ginagawa ko. Pag-dating naman sa antagonist, diba sila yung mga madalas na nanlalait, masama at panira? (sure, antagonist nga eh. Stupid me.) So ang point ko is, kung gusto mong kawawain yung isang character isipin mo sya yung taong hate na hate mo in real life. Sabunutan mo sya, sampalin mo sya, sigaw-sigawan mo tas sabihin mo sakanya lahat ng mga bagay na gusto mong sabihin dun sa taong yun gamit ang charater mo. By that, nakaganti kana. In short, be on their shoes.

7. Twist of Story

Dito rin! Mahirap mag-isip ng twist ng story. Masyado ng common yung iba. Like, may fiancé na yung boy or girl kaya kelangan nila maghiwalay o kaya naman may sakit si girl or boy kaya gagawa sya ng paraan para kamuhian sya nung taong mahal nya.(Sorry kung meron man) I'm not sayong na wag gamitin tong mga tactics na to. Pwede naman gamitin yung mga ganun BUT..make it more creative.

8. Typing

Please make it more decent. Ok? WaG yUnG gAnItO o kaya naman Ung gnito. Thats a BIG NO! NO! Ang sakit sa mata kasi tignan tyaka mawawala ng gana yung readers mo. Iwasan ang shortcuts ok? :)

Sa pag-gawa ng story di importante kung anung iisipin ng readers mo. Gawin mo to para sa sarili mo. Just enjoy it! Wag ka magpaka-stress kakaisip na "Ay teka, baka pangit to baka di magustuhan ng readers ko." So what kung di nila magustuhan? Marami pa namang readers dyan na makaka-appreciate parin ng story mo. Trust me.

Makakatulong din ang pagsusulat para ilabas mo ang emotions mo. Think Wattpad as your diary. Kung galit ka edi galit. Ilabas mo sa exclamation points yung galit mo. Kung masaya ka ilabas mo sa 'Hahaha!' yung happiness mo or anything na nakaka-light up ng mood. Gets? Kanya-kanya lang tayo ng paraan.

Tyaka di porket dalawa o tatlo lang ang readers mo eh tatamadin kana magsulat. Ganun talaga sa umapisa. Ganyan din ako, akala ko wala ng pag-asa pero nung nagtagal may naka-appreciate na din. Kung gusto mo talaga ang ginagawa mo, may patutunguhan ang paghihirap mo. Pero kung nagsusulat ka lang para sumikat? Haynako te! Chupe na! Alis na! Burahin mo na account mo, mag-apply ka nalang sa Star Magic at mag-artista. Oh kaya naman mag "Amalayer" ka sa LRT for sure sikat ka nun! Trending ka pa sa twitter, facebook at magiging Youtube sensation ka pa! Plus maisasama pa sa MMK buhay mo! Hahahaha.

As long as you do it with love, trust me it'll be worth it.

So there you go! Sana kahit papanu makatulong yang mga yan. Goodluck sa story mo! =)))) Fighting!!

p.s: QUESTIONS? Just ask me & I'll answer it in the best way that I can.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon