Chapter I- Salamat sa iyo JESUS

40 3 0
                                    

Naniniwala pa ba kayo sa milagro o himala sa mga panahon ngayon? Sabi ng iba computer age na tayo di na uso yan. Pero ang totoo ang Dios ay tunay na kumikilos pa rin hanggang sa ngayon. Kung paano Siya naghimala noon...aba syempre ngayon pa ba hindi eh Siya ang Dios na di nagbabago magpakailanman...Itutuloy ko ang aking kwento mamaya...

Palaging may sakit si mama noon, mahina kasi ang baga niya. At noong one year old pa lang ako she was diagnosed to have PTB. Sabi nga niya sa akin kuba na raw siya at payat na payat.


TERESITA P.O.V


Habang ako ay nagpapahinga sa aming bahay, nilalagnat na naman ako...nagtataka ako tuwing gabi dumarating na sa akin ang ginaw at lagnat. Naisipan kong buksan ang aking radio. Nais kong maglibang dahil masama ang pakiramdam ko. Nabuksan ko ang aking radio sa programang naghahayag ng mga Salita ng Dios. "Naku, bagong relihiyon na naman ito." ang sabi ko. Pinakinggan ko ito hanggang sinabi ng Pastor, "kapatid ikaw ba ay may sakit at karamdaman? Gusto mo bang pagalingin ka ng Panginoon?"...Naisip ko parang kinakausap ako nito ah. "Kung may karamdaman ka at nakahiga ngayon, bumangon ka at ipapanalangin kita" dagdag pa ng Pastor na nagbobroadcast sa radio. Hindi ako bumangon agad..nag-aalinlangan pa ako. Tatlong beses akong inaya ng Pastor na bumangon at sumabay sa Panalangin. Sabi ko...o maniwala bago yata ito sa pandinig. Tumayo na ako at lumapit sa may Radio. "Sumuko ka sa Panginoon sa oras na ito at itaas mo ang iyong mga kamay". Sinunod ko ang sinabi ng broadcaster...naiyak agad ako di ko mapigilan ang aking mga luha habang nananalangin siya. Instant nawala ang aking lagnat at di na ako nilamig. "Kapatid kong pinagaling ka ng Panginoon, maghanap ka ng mga bible study sa inyong lugar upang lumago ka pa sa iyong pananampalataya". Mula noon naghanap ako ng bible study sa lugar namin. Naalala ko yung anak ko dumadalo sa isang Children Bible Class. Kinausap ko yung batang kapitbahay namin. Ayun nagbible study na kami. Sabi ko sa mga kapit-bahay namin pinagaling ako ng Panginoong Jesus. Tinatawanan nga ako ng aking mga kapitbahay, nasisiraan na daw ako. Di ko sila pinansin. Ngayon isa na akong misyonero...Salamat sa iyo Jesus sa kagalingang pinagkaloob mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinagaling Ako ni JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon