26

92 6 0
                                    


"Saan niyo gusto munang pumunta?" Tanong ni Soonyoung sa tatlo niyang kaibigan. "Chan?"

"Kahit saan, hyung." sagot ni Chan. 

Tumango si Soonyoung at humarap sa pandak (sorry T.T) niyang kaibigan. "Ikaw?" tanong niya.

"Kahit saan. Bahala kayo." sabi ni Jihoon. 

Kinamot ni Soonyoung ang likod ng ulo niya at medyo naiirit. "Ano ba yan! Minsan na lang tayo lumabas magkakaibigan mukhang ayaw niyo pa! Tsaka walang store na 'Kahit saan' ang pangalan dito. Hoy!"Sigaw niya sa tatlo niyang kaibigan.

"Hoy! ako hindi mo man lang ako tatanungin?" sigaw ni Seokmin.

"Saan mo gusto pumunta?" 

"Foodcourt tayo!!" Sabi niya tuwang tuwa.

"Kain ka na naman?" 

"Anong problema mo ha?! Gutom ako bakit ba?!!?"

Napa-sigh na lang si Soonyoung saka nagsimula na silang maglakad sa Foodcourt.

Nang makarating na sila doon diretsong naghanap sila ng mauupuan at nagpahinga ng onti. 

"Anong gusto niyo?" tanong ni Seokmin. Napatingin ang tatlo sa kanya, mga kilay nakataas, halos aabot na ng langit (Charot)."Anong tinitingin-tingin niyo dyan? Ayaw niyo?"

"Ayaw ang alin?" Tanong ni Chan.

"Ililibre ko kayo!" sabi niya. "Ayaw niyo? bahala kayo." Aalis na sana si Seokmin para bumili ng pagkain nang nagsigawan ang kaibigan niya.

"SEOKMIN IKAW BA YAN??" sigaw ni Jihoon sa gulat.

"Hindi. Si DK ako." philisopher.

"Ano na? Ayaw niyo? once in a life time lang to mga bro!" sabi niya.

"Himala ata manlilibre ka?" sabi ni Soonyoung.

"May allowance na me eh." Sabi niya saka natawa. Siya lang ang tumawa. At ayun nga, nagpalibre ang walang hiya niyang mga kaibigan na ang ingay ingay pa sa food court hindi na nahiya sa mga taong na sa paligid nila na tahimik na kumakain.

Nang makapili na ang apat sa kakainin nila, umorder na sila except si Jihoon na naiiwan para bantayan ang mga gamit nila.

"Jihoon, bibili lang kami ng pagkain. Bantayan mo gamit natin." sabi Soonyoung. Tumango si JIhoon saka umalis ang tatlo para umrorder ng kanilang foods. habang naghihintay si Jihoon, nilabas muna niyan ang kanyang phone.

Habang busy siya nagsc-scroll sa twitter, biglang nag vibrate ang phone niya. Nakita niya sa notification niya na may nagmessage sa kanya. Binuksan niya ito at nagulat nang makita ang Cheol hyung niya pala ang nagmessage sa kanya.

Cheol: GALA PA MORE!! HAHAHAHAHAH NAKA RED KA NOH

Kumunot ang noo niya sa message nito. Tumingin siya sa paligid niya pero wala siyang nakitang ni anino ni Seungcheol kahit saan. syempre mahirap hanapin yun ang dami kayang tao.

Cheol: Wag mo na akong hanapin. Di mo ako mahahanap ;)

Hoonie: Hahaha san ka hyung?

Cheol: Secret!

Hoonie: Daya! san ka?!

Cheol: Nasa puso mo ;)

Hoonie: HA HA HA yung totoo kasi!!!

Cheol: Whahahah kyaa! ang cute mo! jinjja Hoonie!

Biglang namula ang pisngi niya. Dahil sinabihan ka lang na cute mamumula na agad? Sabagay ganyan din naman ako sa crush ko! (Joke! wala akong crush). Sana lang hindi siya nakikita nito na namumula.

「  Until THE END || JICHEOL  」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon