Shynn's POV
"ALAS DOS NAA!! " sigaw ng isa sa mga kaklase ko na nagpatigil kay prof. Ramos na kasalukuyang nag didiscuss sa harap
Yung mga halatang bored na, biglang naging hyper na akala mo eh lumaklak ng isang galong energy drink. Yung mga tulog, ngayon gising na gising na.
Hindi pa man nag dismiss si Maam Ramos, nag unahan na sa paglabasan ang lahat.
Napailing nalang ako.
Ibang klase talaga ang energy ng mga studyante dito pagpatak ng alas dos.
Naguguluhan ba kayo?
Ganito kasi yan.
Matrevad is just like any other school when it comes to academic.
They teach normal subjects in a normal way.
Except of course when the clock strikes at two in the afternoon.
Physical Education
Yan ang subject namin sa oras na yan.
It's the time where students were given a free pass to actually beat someone.
Pag sinabing PE dito, equivalent na yan ng salitang bugbugan.
Asa naman kayong maglalaro ng mga recreational or ball games ang mga tao dito.
Mas imposibleng magsasayaw sila.
-_-
Hindi ko talaga makuha ang logic ng mga tao dito.
Why are they looking forward for this time when they can do it anytime and anywhere they want?
Kung maexcite sila, parang once in a blue moon lang mangyari to.
Kung tutuusin, karahasan na ang naging agahan, meryenda, tanghalian, meryende ulit at hapunan ng mga tao dito. Yung iba nga ginagawa pang midnight snack eh.
Haay
"Hoy Shynn, tutunga ka na lang ba jan? Tara na" tawag sakin ni Takumi Han or Taki---kaklase ko and the only person whom I actually have conversations with in this place.
"Ok" sagot ko "Bye Maam" paalam ko kay Maam Ramos na nagliligpit ng gamit niya tsaka lumabas
"Pano kapag natawag ka na naman ngayon? " biglang tanong ni Taki habang naglalakad kami patungong gym, kung saan gaganapin ang PE.
I shrugged
Hindi ang mga studyante ang pumipili ng gusto nilang makalaban.
The PE instructor will pick the players-which is us, students, that will be fighting until the other player is knocked out cold in the ground.
Tatlong oras ang PE namin, kaya hindi fixed ang number of matches every PE.
"Hindi ka pwedeng tumanggi nalang palagi kapag napipili ang pangalan mo. Dalawang beses mo na yang ginagawa kaya hanggang ngayon, wala ka pang grades sa PE." pangaral ni Taki
"edi mag foforfeit naman ako this time. Para maiba naman" natatawang sagot ko
"Aray! " daing ko nang hampasin niya ko sa braso.
>_<
Bigat pa naman ng kamay niya.
"Gaga. Pareho lang yun, pinasosyal mo lang. Shynn, di tanga ang PE instructor natin para di mapansin ang ginagawa mong pag iwas." Taki
Wala naman akong sinabing tanga ang instructor namin
-. -
"Eh hindi nga ako sanay sa basag ulo" rason ko