Simula

33 2 9
                                    

Stick-o

Toot toooot

Nagising nalang ako bigla sa tunog ng alarm ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na.

6 am pa lang naman eh, 8 pa naman pasok ko kaya keri lang yan.

Kaya pinindot ko muna yung snooze button

Toooot toooot

Anak ng tipaklong , hindi pa ba titigil yang alarm ko. Nakakainis naman eh, five minutes na nga lang hinihingi ko hindi pa ako kayang pagbigyan.

Toooot toooot


Sa sobrang inis ko, binato ko yung cellphone ko. Agad naming tumigil yung ingay kaya nakatulog na rin ako ng mapayapa

Zzzzzz...

Zzzzzz...

Zzzzz...

"SUSMARYOSEP! ANGELA TRICHEA ANONG ORAS NA!" tuluyan na nga akong bumangon sa kama ko nang narinig ko boses ni mama.

"ETO NA PO!" sagot ko. Sinuot ko yung tsinelas ko 'saka lumabas na sa kwarto ko.

Halos matapilok pa ako pagbaba dahil hindi ko mamulat yung isa kong mata.

Nakita ko naman si mama na nakapaymewang sa akin habang inaabangan ako sa hagdanan.

"Hay nako Trichea, anong oras na oh, malalate ka na!" sabay turo ni mama sa relo.

Agad namang nanlaki ang mga mata ko nung nakita na ang oras

Pucha, 7:30 na

Kanina 6 palang ah

Kaya agad akong pumasok sa banyo para makapagligo na ako.

After five minutes, tapos na rin akong maligo, agad akong lumabas ng banyo para makapagbihis na rin.

5 minutes ang naitagal ko sa banyo kaya may 5 minutes pa para makapagbihis.

After kong magbihis, agad akong bumaba at kinuha yung bag ko at hinalikan si mama at papa na nag-aalmusal sa pisngi.

"Alis na po ako" sabi ko sa kanila

"Trich, Kumain ka muna" sabi ni papa

"Hindi na po, malalate na po ako eh, babaunin ko nalang yung stick o ko. Atsaka ayaw ko naman pong malate sa first day ng school" pag-eexplain ko sa kanila 

Lumapit muna ako sa cabinet para kunin yung lalagyan ng stick-o

Agad ko itong tinago sa bag ko kase baka makita ni Ate Stef, buraot pa naman sya

Lumapit naman ako kela mama at papa

"Oh sige anak, ingat ka ah" sabi ni papa at ginulo ang buhok ko

"pa namaaaan" sabi ko at sumimangot

"Hay nako Trichea, hatid ka pa ba namin o magcocommute ka nalang?" tanong sa akin ni mama

"Wag na ma, 'saka walking distance lang naman yung school eh"

"Osya, mag-ingat ka ah." Sabi sa akin ni mama at hinatid ako sa palabas ng gate ng bahay naming.

Lumakad na ako palayo sa bahay namin saka kinuha ko na rin yung buong stick-o sa bag ko. Chineck ko muli ang orasan ko at 20 minutes nalag bago mag-umpisa ang klase ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Campus LoverWhere stories live. Discover now