Paano mo ba malalaman na siya na talaga? Anong feeling ng mainlove?
"Hoy babaita ang lalim lalim nanaman ng iniisip mo." Grabe ang bait talaga ng bestfriend kong to. Grabe lang talaga.
"May tanong lang ako Liana."
"Sige ano naman iyon, Zaav. At napakaseryoso mo diyan." Sabi nya habang ngumingiwi.
"Ano bas a feeling ang mainlove?" Nagulat ako ng bigla akong binatukan ni Liana.
"Nyemas kang babaita ka ayan lang pala yung itatanong mo akala ko pa naman kung ano napakaseryosong tanong kaya ganyan yang pagmumukha mo." Wow. Ang dami nyang sinabi pero feeling ko wala dun yung sagot sa tanong ko.
"Grabe haba ng sinabi wala naman akong mahanap na sagot. Sagutin mo nalang kasi."
"Kasi naman Zaav, iba iba ang pagkakafeel or magkakaiba ang mga tao na magexpress ng nararamdaman nila kaya hindi ko alam kung paano ko sasagutin yang tanong mo. Btw bat nga pala ganyan yung tinanong mo? Siguro inlove ka na no? Ayiieee." Tukso niya sa akin.
"Hoy hindi ah. Nacurious lang ako. Promise." Mahirap paniwalain ang babaeng to kung ano ang gusto niyang paniwalaan ayun ang paniniwalaan niya lang wala nang iba. "Hayaan mo 'kung' meron sasabihan kita." I assured her.
"Oh sige. Tawag na ako ni mother. Uuwi na ako. Tandaan mo yung bukas ah bawal ang late nako pag naabutan pa kitang nakahilata dyan sa kama mo humanda ka na." Sabay evil smile niya. Nakakatakot ang mga ganyanan ng babaeng yan kasi tinototoo niya. Naalala ko pa noong unang beses na tinry ko yang mga pananakot niya sa akin di ko naman alam na tototohanin nya kaya ayun naligo akong nakahiya take note na napakalamig na tubig ang binuhos sa akin ng babaitang to.
"Oo na. Takot ko nalang na mabuhusan nanaman ng napakalamig na tubig."
"Buti alam mo. So aalis na ako goodbye. See you tomorrow. Remember bawal ang late." Then by that umalis na siya.
Nahiga ako sa kama ko. Wala akong magawa at hapon pa lang naman kaya napagpasyahan ko na lumabas at maglakad lakad muna sa labas. Tutal safe naman ditto sa subdivision naming eh.
Habang naglalakad ako nagulat ako ng may biglang may tumawag sa pangalan ko ng napakalakas. Grabe naman tong nilalang na to di tularan yung subdivision naming tahimik buti nga di pinapa-ban to sa sarili nyang subdivision eh.
"Anong ginagawa mo dito Zandra?" Tanong ko.
"Obviously, namamasyal kasi una ditto rin ako nakatira sa subdivision na to at pangalawa ikaw lang ba may karapatan na magliwaliw? Syempre hindi." Sabi ko nga wag nalang magtanong.
"Nako ewan ko sayo. Samahan mo na nga lang ako." Kesa makipagdebate pa sa babaeng to diba?
"San ka ba pupunta Zahavah?" Tanong niya. Kulet sabi ng Zaav nalang kasi masyadong mahaba yung Zahavah eh. Pero sige pagbigyan baka kung ano nanaman sasabihin ng babaeng to eh.
"Dyan lang sa park. Wala akong magawa sa bahay mas refreshing dyan sa park magbasa eh." Sabi ko.
"Ano na bang story yung binabasa mo?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang park.
"Ah eto?"
"Hindi ayun oh! Obviously yang hawak hawak mo." Nako kung di lang kita kaibigan. Grr.
"Story to ni Jonaxx alam mo namang favorite author ko yun diba?"
"Ay nako Zaav alam na alam ko. Lahat nga ng stories nun tapos mo na tapos magugulat nalang kami bigla kang iiyak dyan tapos tatanungin ka naming sasabihin mo naaalala mo yung nangyari kay Lili na namatay yung pamilya nya tapos nung tinanong namin kung sino si Lili ang sagot mo yung asawa ni Riguel tapos tinanong ka naming kung sino si Riguel sagot mo asawa mo. Diba? Para kang ano assumera alam na naming fictional yan nung sinabi mong asawa mo eh." Wow edi sya na haba ng sinabi sana di ko nalang binanggit.
"Oh sya sasabihin ko na ang dami mo pa kasing dada dyan eh. Nagrere-read ako ng Worthless. Masaya ka na?" Nako kesa makapagbasa ng tahimik dito sa park kabaliktaran naman pal asana di nalang ako lumabas ng bahay.
"Ah nakwento mo na rin samin yan eh yung--" Di ko na siya pinatapos ng bigla ko syang tinaboy.
"Lumayas ka nga dito sa susunod ka na manggulo wag ngayon. Layaaaas. Saying may itatanong pa naman sana ako sayo kaso wag nalang pala." Sabi ko.
"Sige tanong mo muna sakin yang tatanong mo bago ako lumayas."
"Hayst. Sige na nga. Ehem. Ano bas a feeling ang mainlove?" Maliit na boses na sabi ko.
"BWHAHAHA!" At ayun na nga po ayan ang reply sa akin ng lokaret.
"Bahala ka na nga layas na dalii."
"HA-HAHAAHHA. Ehem. Eto na seryoso na ako. Kasi naman yung tanong mo kasi ikaw lang makakasagot nyan. Lahat ng tao may iba't ibang paraan kung paano nila ieexpress yung feelings nila ganun. Basta. Bahala ka na nga dyan alis na ko pinapalayas mo na ako eh." At tumakbo na siya.
Grabe naman parehong pareho sila ng sagot ni Liana. Bahala na nga sila.
At nagstay pa nga ako ng isang oras sa park bago napagdesisyunan na umuwi.
Habang papalakad ako pauwi may napansin akong naglilipat sa bahay isang bahay lang ang layo sa amin. Siguro sila yung tinutukoy nilang bagong lipat. Oh well wala naman akong pake.
Nang nakarating na ako ng bahay. Nakita ko si mommy kaya sinalubong ko siya ng mano same as my dad.
"Oh anak saan ka galling?" Tanong ni mommy.
"Ahm. Dyan lang pos a park nagbasa lang po ako."Sagot ko.
"Oh sige na't pumunta na tayo ng dinning room at ng makapag dinner na." Sabi niya at sabay kaming pumunta doon. "Anak pagkatapos mo dito ay magayos ka na ng sarili mo at matulog na. kinausap ako ni Liana at sinabing may lakad daw kayong dalawa bukas kaya pakigising ka dawn g maaga." Nako tng si Liana.
"Ok po." At kumain na kami.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto at ginawa ang routine ko gabi gabi at nahiga sa kama ko.
Bago ako matulog ay nagbukas muna ako ng Facebook ko at tumingin sa feed ko. May nakita akong quote sa isang page na nagsasabing, "True love doesn't need to be rushed or forced." After I read that quote ay natulog na ako.