TWILIGHT 2

80 4 2
                                    

KATRINA POV

Inat dito Inat doon. Ang sakit ng braso at paa ko sa kaka igib at kaka scrub ng sahig.
Pinahid ko ang pawis ko sa noo. Anong oras na ba?
Pagtingin ko sa wall clock ng bhay. Alas sais na.
Mag luluto na ako ng agahan nila. Maaga kasi akong nagising alas cinco gising na ako.

Nakalimutan ko pala magpakilala. Katrina Serafino ang name ko 17 years old.
Nag aaral ako sa AIU bilang isang working student.
Di daw ako kayang pag aralin ng tita ko.
Namatay na ang nanay ko at tatay ko nung 13 years old ako.
Dahil sa akin namatay sila. Kaya d na ako nagcecelebrate ng okasyon na yun.
Syempre palagi ba naman pinapaalala ng magling Kong tita
Ang mahalaga ay may matutulogan ako at makakainan.
Tanggap ko na ito kapalaran ko.

After ko magluto. Kumuha ako ng isang itlog, dalawang ham at dalawang piraso ng tocino. Kasi alam kong mauubusan na naman ako ng pagkain.
Nakitira lng ako kina tita khit na di makatao ang trato.
Ok lng magsisipag na lng ako sa pag aaral ko.
Narinig kong bumaba na si tita.
Dali dali kong hinanap baunan ko para ilagay ang tagong ulam para babaonin ko mamaya.

"Nakaluto ka na ba katrina"

"Opo tita"

"Nakapag igib ka na? Maliligo na sina clarence at ian."

Bat di mo kaya pag igibin mga anak nyo. Di na nahiya ke lalaking tao walang alam bulong ko

"Ano sabi mo" nakapameywang na sabi nito

"Wala ho. Opo naka igib na ako. Gigisingin ko lng sila"

"Sige maya mo na gisingin si Queenie"

"Ok po"

Umakyat na ako para gisingin ang dalawang ugok.
Mga lalaki nga mga bahag naman ang buntot.
Di ko na ginising si queenie magagalit naman yon.
Maganda sana kaso ang baho ng ugali.
Social climber at plastic. Kung saan mayaman doon sya.
Mga damit nyan bigay lng naman sa kanya ng kaibigan nyang pina.plastic.
Napa iling na lng ako makarma ka sana.
Dumeretso na ako sa kwarto ko sa pinakadulo.
Di naman kasi mayaman sina tita.
Si tito nag ta.trabaho sa factory sa korea. Mabait si tito. Ewan ko sa pamilya nya.
Ang kwarto ko ay isang bodega.
Imbakan to noon ng mga walang kwentang gamit.
Inayos to ni tito para daw mag mukhang kwarto.
Ayun, pinaganda ko lng para maaliwalas at masarap tulogan.
Haaayyy ang allowance ko na 100 kada araw binawasan ni tita. 50 na lng kada araw. Di na ko nagsumbong kay tito.
Umupo ako sa papag kong higaan at tinignan ang litrato ni nanay.
Kuha ito nung graduation ko.
Dalawang araw after ng graduation ko sa elementary binawian na sya ng buhay sa sakit na TB.

"N-nay kng nasaan ka man sana gabayan mo ko lagi at protektahan. K-kayanin ko po lahat para lng makatapos ng pag aaral at makahanap ng trabaho at maka alis dito. Na mimiss ko na kayo at sana ganun din si Tatay" naluluhang sabi ko.

"KAT MAG IGIB KA MUNA NG TUBIG NAUBOS NI CLARENCE ANG TUBIG SA BANYO. BILISAN MO"

Napapikit na lng ako at napa iling.
Pinahid ko na ang luha ko.
Lumabas na ako para mag igib baka di na naman nya ako bigyan ng baon.

Waaaaa...nairaos ko lol... Di ako magaling sa drama at iyakan.
IU as Katrina

WHNM 3: Twilights PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon