i

915 50 7
                                    

Luhan's POV

"Hyung~ sure ka bang mababait sila? Baka ibully nila tayo?" tanong sakin ni Baekhyun. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Kanina pa ako tinatanong ni Baekhyun niyan. Friendly siya ang kaso lang mahiyain siya masyado.

"Oo naman." sagot ko sa tanong niya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Habang naglalakad ako ay hindi ko namalayan na wala na sa tabi ko si Baekhyun. Lumingon ako sa likod at nakatayo lamang siya roon habang nakasimangot. Agad ko naman siyang binalikan. 

"May problema ba Baekhyun?" tanong ko sakanya. Mas lalo naman siya sumimangot.

"Pwede naman sigurong kahit tayong dalawa na lang di ba? Masaya naman tayo eh." sabi niya habang nakasimangot pa rin. Naaawa ako sakanya, natatakot siyang magkaroon ng bagong kaibigan mula nang mangyari sa bestfriend niya dati. Naaksidente kasi ito at wala siyag kaalam alam sa kondisyion niya. Sinabi naman nung kontrabida sa kanila ng bestfriend niya na siya ang nagbibigay ng malas sa bestfriend niya. 

Nung una nahirapan akong kaibiganin siya pero dumating ang time na naging komportable na siya sa akin. Tinatanggian niya ako dati kasi baka magbigay daw siya ng malas sa akin eh syempre ako naman itong si Luhan na never naniwala sa malas kaya ayun sinabi kong wag intindihin ang sinabi ng kontrabida sakanya. 

"Pwede lang naman eh. Pero you need to mingle with other people Baek." sabi ko sakanya.

"P-paano kung malasin sila ng dahil sa akin?" tanong niya ulit at yumuko. Hinawakan ko naman ang pisngi niya at inangat ang ulo niya.

"Byun Baekhyun, you're not bad luck. Remember that okay?" sabi ko sakanya at ngumiti.

"Nae hyung" sagot niya at ngumiti rin. Nagsimula na kaming maglakad papunta ng classroom. Nagresearch ako tungkol dito sa school na 'toh. Ang sabi ay uso daw dito ang bromance at tanggap ng mga estudyante ang kung ano mang gender at ugali ng isang tao. Kaya nga nagustuhan ko na lumipat dito eh. They don't judge someone at yun ang kailangan ni Baekhyun.

Tinignan ko ang orasan ko at 7:10 na pala kaya hinila ko na si Baekhyun dahil unang araw palang namin ay late na kami ng 10 minutes. 

Sehun's POV

Nandito kami sa classroom at nakaupo na sa upuan. Meron na kasi ang adviser namin. By the way, I am Oh Sehun, 4th Year High School. Maaga akong pumasok kasi baka makabungguan ko sa labas si Luhan-Hyung. Siya yung nanglibre sakin sa Bubble Tea Shop. Miss ko na nga siya agad eh. Hahahaha.

Tarantado mga kaibigan ko. Wala pa sila. Hmmm. Baka tinawag sila ng principal at hindi ako nainform. Hmmm, yaan na nga lang. Panigurado buong umaga sila ma-eexcuse. Basta gusto ko makita si Luhan~Hyung.

Bigla namang may kumatok sa pinto kaya nilapitan ito ni Ma'am. 

"Class, meron kayong bagong classmates. Boys please come in" sabi ni Ma'am. Hindi na humiyaw ang mga babae kong kaklase kasi nga di ba? Uso ang bromance dito sa school kaya posibility na baka mahawaan sila.

Pumasok naman ang tinawag ni Ma'am at nagulat at the same time nasiyahan ako kasi si Luhan~Hyung na iyon at may kasama siyang lalake. Baka siya yung kaibigan niya na sinasabi niya sakin nung Linggo.

"Ni Hao. I'm Xiao Luhan but you can call me Luhan. I'm Half Chinese and Half Filipino. Please be kind to me. Xie xie" sabi niya at nagbow. Aw~ Kyeopta. Nagsalita naman na yung kasama niya.

"A-a-annyeong Haseyo. B-B-Baekhyun imnida. Half Korean and Half Filipino." sabi niya habang nauutal at namumula at nagpapawis. Kinakabahan ito panigurado. 

Eyeliner and Bubble Teas (BaekYeol and HunHan Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon