[ 3 ]

40 1 0
                                    

Kean POV's

Andito ako ngayon. -______-"

Takte para akong tuod neto dito! Ang init init kaya ng suot ko na to!

Puchek na mga kaibigan yan. -____- Kailangan naka-costume talaga ako na parang prinsesa? Buysit! Pinagtitinginan tuloy ako ng mga estudyante dito. TSS!

"Kean! Yuhoooo! Naririnig mo ba ko?" - Judie. Sa kabiland linya.

"Narinig kita." - ako.

"Pag-nakita na ni Trisha ang target at papalapit na siya sayo gawin mo na ang prinaktis natin ha?" - Judie. Mukhang tuwang tuwa talaga sila sa pang tri-trip sakin. -____- Hays.

"Oo na. Pero kailangan talagang nakasuot ng ganito?"

"Oo bakla! Para romantic. Galingan mo umarte para maganda sa kamera! Ito ang unang interaction mo sa crush mo kaya galingan mo! AJA!"

"-______- Okay." Tutal ako din naman ang makikinabang neto.

"Don't forget to smile." - Judie.

Anong oras kaya yun papasok? Baka di naman yun pumasok. Pero think positive! Mahal ko si Adrian, hindi pwedeng hanggang tingin nalang ako diba?

Atleast hindi agad ako sumuko. Kahit alam kong 50-50 ang chance ko na mapalapit sakaniya.

'Lord... isa lang naman po ang gusto ko. Si Adriane. Balato niyo na siya sakin oh! Promise! Mas magpapaka-good girl pa ako. Amen.' sabi ko habang nakatingala sa langit.

"Bakla! Andyan na si Andriane!" -sigaw ni Trisha sa kabilang linya.

Agad naman akong umayos. >___________< GULP! Kinakabahan talaga ako. Narinig ko na ang tilian mula sa hallway ng campus, ibig sabihin malapit na siya!

"Kyaaaaaaaaaah!~ Ang gwapo mo talaga PRINCE Adriaaane!" sigaw nila.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang inis ng mukha ko.

Kaya mo yan Kean! You must concentrate! Papalapit ng papalapit ang sigaw hanggang sa makita ko na siya...

Tila bumagal ang oras ng makita ko siya. Hindi ko na marinig ang sigawan at tanging siya nalang ang nakikita ng mata ko...

'Oh Lord, help me...' bulong ko.

Kinuha ko ang mike at hinigpitan ang hawak dito...

"ADRIAAAANE!" sigaw ko na kinabigla ng lahat. Napatigil ang naglalakad at tumitili kay Adriane. Pati si Adriane napahinto at napatingin sakin. Gulp... kaya ko to!

"Alam ko.. hindi mo ko kilala Adriane. Alam ko na never akong nag-exist sa paningin mo. Pero... sana sa pagkakataong to... pakinggan mo naman ako. Kahit pahiram lang ng ilang minuto mo. Saglit lang... pakinggan mo to... pakinggan mo tong awit ko para sayo."

(A/N: Meron ba - Barbie Forteza. Play the video :) )

~Isip ko ay gulo, 'di alam ang gagawin

Kung ako'y iiwas at sa 'yo ay sasabihin

Na ako sa 'yo'y may pagtingin

'Di mo lang ito napapansin~

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Sheeez! Ngayon lang ako nagpakawalang hiya ng ganito. Pero, once in a lifetime lang to... ngayon ka pa ba aatras Kean? Kaya ko to.

When Positive Meets NegativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon